End

93 6 1
                                    

"Ano baaaa!!! Son Chaeyoung isa!" sigaw ng isang babae, halatang galit na galit.

"Susumbong kita kay Tita akala mo, yare ka!" sagot naman ng isa pang babae.

"Nooo!!! Libre kita ng...ano...uhmm...ano ba gusto mo? 'wag mo'ko susumbong" pag mamakaawa ng babae.

Natahimik sila ng may marinig silang kalampog. Senyas na nagising na nila ang kanilang tita Tzuyu.

Nagkatinginan sila at ngumiti ng pang-aasar ang isa sakanila, sabay takbo papunta sa kanilang tita.

Nagpaunahan ang dalawa, ang isa para pigilan ang kaniyang pinsan na isumbong siya at ang isa naman ay para isumbong ang pinsan niya.

"Oh, oh, oh, may karera? Ano na naman ginawa niyo?" pagtataka ng tita nila.

"Si Dahyun po!"
"Tita Tzu, wala!"
Sabay na banggit ng dalawa, hindi ito naintindihan ni Tzuyu at pinaulit ito.

"Si Dahyun po kasi-"
"Tita, yung aso niyo po-"
Sabay ulit ng dalawa, pinahinto niya ito at tinaasan ng kilay. Nagtataka siya kung bakit ganto umasta ang mga pamangkin niya.

"Hep, Hep, isa, isa lang. Dahyun ano ba 'tong inaano sa'yo ni Chaeyoung? Hmm?" tanong niya.

Nagkatinginan ang dalawa, hindi makasagot si Dahyun sa tanong dahil sa takot at baka mapagalitan siya. Dahil sa pagiging epal ni Chaeyoung ay siya na ang sumagot.

"Tita Tzu, si Dahyun po, may...girlfriend po." hina niya sa huling mga salita dahil kahit siya ay nakaramdam na rin ng takot. Pero hindi pa rin ito sapat upang hindi marinig ni Tzuyu.

Nagulat ito at tinignan si Dahyun. Akala nang dalawa na papagalitan sila nito at paparusahan. Ngunit iba ang tumambad sakanila.

"Girlfriend? May karelasyon kang babae?" tanong nito.

"O-opo." sagot niya at yumuko sa kahihiyan.

"oh? Ba't parang natatakot ka?" tanong pa ulit nito. Nagtaka ang dalawa at binigyan ng questioning look ang kanilang tita.

"p-po?" tanong ni Dahyun at iniangat ang kaniyang ulo para makita ang mukha ni Tzuyu.

"Natatakot ka na baka pagalitan kita?" tanong nito. Tumango naman ang dalawa at tumawa naman siya.

"Ano ka ba, hindi ako magagalit. Ganiyan rin ako nung nasa edad mo." sabi nito at naglakad papunta ng sala.

Sinundan naman ito ng dalawa dala-dala ang pagtataka na bakit hindi nagalit ang kanilang tita at tinawanan lang ito at ang sinabi niya.

"h-huh?" sabay na banggit ng dalawa.

Umupo si Tzuyu sa upuan at ang dalawa naman ay umupo sa sahig, handa ng makinig sa kwento at paliwanag ng kanilang tita Tzu.

"Ganiyan rin ako ng nasa edad niyo ko. Nagmahal rin ako ng isang babae, pero dahil nasa cruel world tayo ay hindi naging kami sa huli." kwento niya.

"ano po nangyari?" tanong ni Chaeyoung.

"Uhmm...I loved her since collage year. Until now."

"Alam ko, alam ko na cringe sa part na 'yon." pag titigil nito.

"Una kaming nagkita sa classroom, transferee lang ako sa school nila at saktong adviser ko ang advisory teacher nila."

"Siya ang pinakatahimik na estudyante sa classroom, naalala ko pa, nasa bandang bintana siya nakaupo at laging naka dungaw doon."

"waw, very detailed naman po." sabat ni Chaeyoung.
"Whipped." dagdag naman ni Dahyun.

Tinawanan lang ito ni Tzuyu at itinuloy ang kwento.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 16, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Still With You || MitzuWhere stories live. Discover now