Laylin's POV
"Good morning my name is Laylin Callista Ysabelle Harrington" pasensya sa pangalan kong napaka haba
"So why would we hire you Ms. Harrington?"tanong ng babaeng nag i interview sakin
"Well, if you will hire me ma'am I'll do my very best to do my Responsibilities"short but okay na siguro yan
"Hmm,okay you're hired" saad niya
"You can start tomorrow, 7 am dapat nandito kana"dagdag niya,shutangina naman ang aga charot kaya yan
"Thank you so much ma'am" sagot ko at lumabas na
Finally may work na rin ako,I applied bilang secretay,this is my first time so bahala na
Palabas na ako ng building ng may nabangga akong lalaki
"Tignan mo naman dinadaanan mo miss,ayan tuloy naka bangga ka" saad ng lalaki, gwapo pero mukhang masungit,matangkad din ito
"I'm sorry" paumanhin ko at he just rolled his eyes at me
Umalis na ako
"Mamaaaaaa" sumigaw ako ng maka uwi ako
"Ayan na naman yang bunganga mo Ysabelle ah, sinasabi q sayo, akala mong buong brgy. Tinatawag mo sa lakas ng boses mo" sermon agad ni mama, ouch naman, mapanlait talaga tong mudrabels ko
"Grabe ka ma,anak mo ba talaga ako?"Tanong ko kung makalait kala mo di anak eh like mother like daughter no
"Di mo sure"pabiro niya umakto akong nasaktan
"Omg" kunwaring nanghihina pa ako
"Gaga,magtigil ka" natatawang aniya
"May work na ako ma" imporma ko
"Talaga anak?,maganda yan sana magtagal ka sa work mo" mama at niyakap ako
"Baka naman pa utangan moko singkwenta" anak ng lola ko, jusko wala pa nga akong trabaho inunahan na mangutang
"Ma, wala akong pera" pagsisinungaling ko
"Nak, pang load lang no hindi pa ako nakakanood ng kdrama,mag aaminan na sila eh dali na,ayoko mahuli sa epidode" anak ka ng lola ko talaga, pati ba naman kdrama pinatulan na
"Ma,kelan ka pa na adik sa kdrama na yan"tanong ko
"Eh basta, ampopogi nung mga bida" aniya at humalakhak pa
"Oh eto na 50 ma" bigay ko ng singkwenta at agad siyang kumaripas ng takbo para magload
"Salamat anak" sigaw pa niya
"Magdalena pa load ako 50!" Rinig kong sabi niya,oh diba lakas den ng bunganga niya
__
6:30 am ay nandito na ako sa labas ng building kung saan ako nagt-trabaho
Hindi pa ako kumakain kaya naisipan ko muna bumili nalang ng kape
Habang papasok ako sa building ay konti palang ang tao kaya naisipan kong puntahan yung nag interview sakin
"Oh good morning Ms. Harrington, early mo today" aniya
"Good morning ma'am, ayoko po ma late baka pagalitan ng boss" sagot ko
"Wag kang magtataka,masungit yung boss natin" saad niya kaya ko naman siguro tiisin ugali niya
"Ay weh?,sino ba yung boss natin ma'am?" Tanong ko
"Ay yung pangalawang anak ni Bbm" tugon niya at sino yun?hindi ko kilala yun
Sa London daw sila nag aral kaya di ko masyadong kilala yun
Habang naghihintay ako dito ay nagchikahan pa kami ni Ma'am Reyes, close na kami dahil magkalahi kami, may lahing Marites HAHAHAH
"Eto yung schedule ni Sir ah,bigay mo agad mamaya" utos niya
"Oo teh,salamat" ate nalang daw itawag ko pag dalawa lang kami
"It's too early and yet nag chismisan na kayo" may lalaking nagsalita sa likod namin
"Ayan na nga ba tayo" bulong sakin ni ma'am
"Yan yung boss natin?"tanong ko
"Oo,punta na ako sa pwesto ko goodluck" aniya at umalis na
"So you are the new secretary right?" Tanong niya
"Yes po" sagot ko habang naka tingin sa baba
"Eyes on me Ms." Utos niya kaya tumingin ako sakanya
Anak ng....siya yun?yung naka banggaan ko kahapon
"You?!"
"Ikaw!?"Sabay naming sambit
Inirapan lang niya ako,tangina bakla ba to?
"Okay, pasok sa office mag uusap tayo" sabi niya at sumunod akong pumasok
Maganda naman ang office niya ah,sakto lang sakanya to
May sofa sa side ng table na
"Just sit down"utos niya
Sungit talaga
"So give me your papers"aniya at binigay ko ang brown envelope na hawak ko
Nakakakaba bukod sa first time ko mag work ng ganto ay masungit pa ang aking boss
"Do you know me?" Tanong niya at umiling ako
Umirap Siya,tangina
"Well I'm Simon Marcos, pangalawang anak ni Dad and Mom" aniya, syempre sinong magulang mo alangan namang aso
"Laylin Callista Ysabelle Harrington, why does your name so long" tanong niya
Aba malay ko sa nanay ko
"Ewan ko po" sagot ko
"You're 27 years old and Graduated at La Salle" tumango tango pa siya
"Okay, You're salary is Php 15,000 per month kasi mahirap ang work mo,medjo hectic All day" aniya
Shet malaki na ang sahod
"Any questions Ms. Harrington?" Tanong niya
Umiling ako.
"Wala na po sir" sagot ko
"Eto po pala schedule niyo ngayon" dagdag ko
"Meeting po with Mr. Ramos 9 am"
"Oh okay prepare yourself at isasama kita,and please stay with me" aniya
Nagulat ako sa stay with me niya
"No i mean kasi you're my secretary,and sundin mo nalang ako, I'm your boss" aniya at umirap na naman
Pag yan tinusok ko ng ballpen
Hmph
"You may go sa Pwesto mo dun sa tabi ni Ms. Reyes" utos niya, naks naman si Ma'am reyes katabi ko masaya to
Lumabas na ako at diretso kay ma'am reyes
"Oh ano kumusta"bungad Niya
"Iyon na nga,ang hilig umirap" sagot ko at natawa kami pati yung ibang kasamahan namin
"Naku ganyan si sir masasanay ka din"sambit nung isang babae
"Eto yung pwesto mo,oh diba ang daming papeles na aayusin,pag tapos mo jan ibigay mo lahat kay sir para pirmahan" sabi ni Ate Rica aka ma'am Reyes
Tumango lang ako at nagsimula na sa mga gagawin kong papeles
9 pa naman yung meeting namin eh kaya tagal pa.
//Eto na mga beh, wag niyo na ako kulitin, sabi ko naman diba na mag update ako pag tapos ko mag module
VOTE EVERYONE
YOU ARE READING
Mr. Sungit (Simon Marcos)
Short StoryMADALANG MAG UPDATE JOSEPH SIMON AND LAYLIN CALLISTA YSABELLE