KTH's pov
Alam niyo ang isa sa mga nakakainis sa babae, 'yong pagiging maarte. Andito na kami sa gate ng subdivision, kaso medyo malayo pa ang bahay namin galing dito kaya kailangan pa namin maglakad. Kaso itong isa, ayaw niya! Masakit na daw paa niya kaka akyat-baba sa school.
"Ilang kanto lang naman lalakarin naten eh!" sabat ko sa kanya
"ilang beses ko pa bang sabihin, masakit na nga paa ko!"
kaya 'di ko na siya pinilit, pero buti na lang talaga binalik na sa'kin kanina ni Jimin ang hiniram niyang tsinelas kaya bitbit ko ngayon.
"oh ayan! suotin mo" nilapag ko sa harapan niya ang tsinelas tsaka hinablot ang bag niyang may laman na laptop at nauna na akong maglakad. Marmi pa siyang pinagsasabi pero pinili kong 'di na siya lingonin, baka mas maagalan lang kami kung unahin pa namin ang magsagutan.
pagkarating na pagkarating namin sa bahay, nagsimula na agad kami. Si mama naman nag luto na rin ng pang meryenda namin.
While doing our stuff, I notice how focused she is, tapos ang elegant pa the way she explains everything to me. Ngayon ko lang 'to napansin, dati kasi pag nagkakasalubong kami it's either nakataas na ang kilay niya or nakasimangot. Kaya 'tong side niya na pinapakita niya ngayon, lahat ay bago para sa'kin.
Pero kapag napapatingin siya sa'kin, wala na akong ibang choice kundi gawin ang pinapagawa niya.
She's very hands-on, no wonder she's the valedictorian during our batch. Kahit maling punctuations hindi niya pinapalagpas. The day after she opened up to me as V, I suddenly feel an urge to protect and take good care of her. Sayang lang kasi 'di ko nakita ang gan'tong side niya nung nagkagusto siya sa'kin, but somehow I found out that the only way I can do to be her friend is to pretend as someone who doesn't know her personally. Hindi ko naman din kasalanan na pinaglihi siya sa sama ng loob kaya parati mainit ulo niya.
*notification
TINDER
baechu
HI!!
Kmusta na pakiramdam mo?
at nag chat pa ngaTT
BINABASA MO ANG
TWITTER SERIES (BTSxRV)
FanfictionA compilation of BTS x RV crumbs from social media mostly written in Filipino