Chapter 3
SmileTAPOS NA akong mag-prepare bago pa man sumapit ang alas otso nang umaga. Iyon kasi ang nakalagay sa email na natanggap ko mula kay Venom. Hindi ko nga iyon na-reply-an dahil wala naman akong masasagot. Ayaw ko naman mag-thank you kasi labag nga sa loob ko itong meeting na 'to.
Should I ask my mom to attend this for me? But she'll be very busy with her other work, too. Ganoon din si Papa.
I really have no choice then?
Nakanguso akong nakatanaw sa bintana habang ang aking personal driver na si Kuya Toti ay nagpapatugtog ng kung ano. Ito yata ang mga usong tugtugan ngayon, e. Mga kanta ni Skusta Clee na naririnig ko rin sa TikTok.
"Ako'y lasing na kanina pa . . ." Pagkanta ni Kuya Toti na naging dahilan para mapangiwi ako.
"Ayos ka lang, Kuya Toti?" nag-aalala kong tanong dahil mukhang hindi siya okay.
Tinawanan niya lang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Akala niya siguro ay nakikipagbiruan ako kaya idinaan na lang niya sa tawa, hindi niya alam seryoso talaga ako dahil nitong mga nakaraan nababalitaan namin na lumiliban daw si Kuya Toti para mag-shoot ng video para sa kaniyang TikTok account.
Ayos lang naman kung iyon ang trip niya pero sana hindi niya gawin kapag oras ng trabaho.
Mukhang matatagalan ako dahil sa mabagal na usad ng trapiko kaya bigla kong naisip si VN na nakatulugan ko kagabi. Paano ba naman kasi, ang sabi niya ay babalik siya tapos ilang oras nang nakalipas ay hindi naman na bumalik.
Siya yata itong ghoster e.
BUBBLY
VN:
I'm sorry for making you wait.
Tulog ka na ba?
Kung oo, good night!
Babawi na lang ako bukas pagkagising mo.
Sleep well!Chikana:
Good morning!
Nakatulugan kita kagabi and super sorry lods sana mapatawad mo pa ako :((((
Pero kasi tinokis mo q :< sabi mo sandali ka lang tapos inabot ka ilang oras lkajsfsalkfjsalVN:
Good morning din!
It's okay, no worries.
Pero sorry talaga! May mga inayos pa kasi akong papers para ngayong araw, e.
Wala pa nga akong tulog :(Chikana:
Oh, it's okay!
Tulog ka muna.
Nasa biyahe ka na ba?VN:
Yup!
I need to be there kasi ako nag-set ng oras para sa kitaan namin tapos ako pa ma-le-late?Chikana:
True
Normal pinoy time
Pero ayos lang 'yan!
Ako nga nasa biyahe pa rin e kasi hindi umuusad 'yong mga sasakyan huhuhuhu
What if suntukin ako ng boss ko mamaya????
I mean 'di ko naman siya like boss talaga pero what if diba jombagin aq?VN:
Suntukin mo rin!
Bakit ka niya susuntukin? Lalaki ba yan?
Hindi nananakit ng babae ang tunay na lalaki.Chikana:
Mukha naman siyang mabait pero kasi tatakot ako :((((
Ayaw ko nga talaga pumunta pero wala naman akong choice baka bugahan niya ako ng apoy :(VN:
Silly!
Mukha ba siyang dragon?
HAHAHAChikana:
Kamukha ni Toothless!
Chz!
Gagi ewan ko masungit kasi si bossing namin pero gwapings namanVN:
Mas gwapings naman yata ako?Chikana:
Not sure
Hehe
Pakita ka muna cguro?
ChsajkfhsakfaslkfVN:
G
Set na 'yan!
Hahahaha!
I can make time for us if you want!Chikana:
Uy
Seryus ba yan sjaklhfjksaf
Kakaloka ka be di pa aq redi
Pwede ba ano like mga after a month ganon bago tayo magmeet???
YOU ARE READING
Yesterday's Wind (Fiorello Series #2)
RomanceAt the age of 25, Killjoy Avellana, is still unemployed and has nothing to brag about her life. As much as she would like to excel on the things she's doing, she can't seem to understand why she keeps on failing. On her first attempt to love someone...