Entry 1: Puppy Love

900 14 13
                                    

Puppy love by kwinxxx in Teen fiction

**

Nakakainis itong subsitute teacher namin! Alam ko namang nagpapacute lang siya sa kaklase naming si Jacob. Pogi kasi ‘to, grade 9 palang ay may abs na, litaw ang ugat sa kamay, matangos ang ilong, magaling mag-basketball. Nakakadagdag pa ng kagwapuhan niya ay yung pag ka pink ng labi niya at ang pangil niya. Pakshet lang!

Tinignan ko lang ng masama ‘yung sub teacher.

“Chloe,”

Hindi pa kami masyadong close ni Chloe pero mabait siya. May pagka-chubby, galante manlibre, cute at magaling sa volleyball at basketball. Oha? Babae ‘yan pero parang eksperto pag dating sa ganyang mga bagay.

“Oh, pandak?”

“Baboy ka! Hmm! Tara na! Ayoko na dito, nakakainis ‘tong sub na ‘to.”

Paiyak na yung sub teacher namin at kung ano man ‘yung dahilan ay hindi ko na gustong alamin pa.

“Nako, ‘wag mong sasabihing iiyak ka dahil sa kaingayan namin, ma’am?!” sigaw ni Chloe.

Oo! Ganto talaga si Chloe. Hindi mo mapipigilan bunganga niyan.

“Uy Chloe! ‘Wag mo namang ganyanin si mam!” Sigaw ni Mae.

Mukhang magkakainitan ha? Inayos ko ang earphone ko at tinigil ang tumutunog na kanta. Umupo ako sa dulo sa pinakaligod at prenteng umupo sa upuan ko.

“Oh baket?! Pake mo?!” bigla naman siyang namutla.

Alam ng lahat na mainit ang tropa namin kay Mae. Sino bang matinong babae ang ipagkakalat na laspag na si Grace dahil lamang ay maraming nakasayaw si Grace nung prom?!

At kingina na lang talaga ang walang ganti. Sabi pa ni Mae, pinagkatiwalaan niya ako pero bakit trinaydor ko siya?

Mygosh, the nerve! Kaplastikan niya! E kalat sa classroom na siya ang lider pagdating sa pamamlastik sakin!

 “W-wala… ang sa’kin lang ay respetuhin mo naman siya.” Sabi ni Mae.

“Ulol, plastik ka.” Singit ko.

Tinignan ako ni Jaira na para bang naiinis sa’kin. “Bakit ka tumingin, Jaira? Natamaan ka ba sa sinabi ko?”

“Wala na ‘yun…”

“Anong wala na?! Kala mo ba nakakatuwa ugali mo? Pati ng mga tropa mo?!” sigaw ko. Naramdaman kong lumait sakin sila Rona, Aira, Danielle, Chloe, Grace, Cyrille, Claire, Katrina at si Laine.

“Bakit?! Sa tingin mo din ba nakakatuwa ugali mo?!”

“Oh?! Tangina anong problema mo sa ugali ko ha? Di nga tayo close, kapal nito!”

“Tama—“

“Gago! ‘Wag niyo pigilan.” Sabi ni Grace.

“Tama na ‘yan, class!”

“palibhasa kasi ang landi ng grupo niyo!” sigaw niya.

“Nakita mo bang may nilandi ang grupo namen ha?! Tangina mo wag ka manghuhusga! Parang kahapon lang, pababy ka saken ha?! Pa-sorry sorry ka pa! May nalalaman ka pang ‘Sandra magsosorry lang ako, hehe. Gusto ko lang iclear ang problema natin’ ulol ka! Insekyora ka lang kasi ang grupo namin ay sikat at maraming ka-close. Eh ang grupo niyo?! Pipitsugin! Mga pasanta-santita! Kunwari, mahinhin! Mga bobo!” sumabog na ako.

Nakatayo na yung mga kaklase kong lalaki. Pero ‘yung iba kong mga kaklaseng lalake ay naka-upo lang at nagcecellphone. Wala silang pake.

“Kumalma ka, Sandra.” Natatawang sabi ni Chloe.

Pag-ibig na gusto mo, pero hindi pwede (one-shot writing contest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon