Singsing by KaelLustre in Romance
***
Why must good things end?
Minsan na ring sumagi sa isip ko ang katanungang iyan. Bakit nga ba? Bakit kailangang matapos ang mga magagandang bagay na nangyayari sa buhay natin? Para ba matikman din natin kung ano ang pakiramdam? Maranasan na minsan sa buhay natin ay may magandang nangyari? O para ipakita sa atin na ang lahat ng bagay ay panandalian lamang at may katapusan?
Kung ano man ang kasagutan, natatakot akong malaman. Takot akong tumigil at matapos ang kaligayahang tinatamasa ko ngayon. Takot na mahinto at mauwi sa kabiguan ang bagay na nagbibigay sa akin ng lubos na kasiyahan. Pero higit sa lahat, nangingibabaw ang nag-uumapaw na kagalakan sa aking puso.
Lalong lumapad ang ngiti na nakaguhit sa aking mga labi bago ko inilagay sa bulsa ng suot kong puruntong ang hawak kong phone at ang maliit na box na naglalaman ng isang singsing. Pinagmamasdan ko ang larawan ng taong nagdulot ng bumabahang kaligayahan sa aking buhay sa wallpaper ng aking phone nang mga sandaling iyon. Ang taong pinakamamahal ko.
Napagpas’yahan kong ipagluto siya, tulad nang lagi kong ginagawa. Pero hindi tulad ng dati, may kalakip na kakaibang tuwa sa aking damdamin habang nagluluto. Dahil espesyal ang araw na ito.
Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at nag-check ng oras. 7:00 PM na ang sabi rito. Tamang-tama dahil darating na s’ya anomang sandali.
In-off ko na ang kalan at binuksan ang takip ng kaldero. Sumungaw ang manamis-asim na amoy ng niluluto kong chicken adobo with a twist. Nilagyan ko kasi ito ng pinya.
“Ang sarap naman ng amoy.” Nadinig kong sabi ng taong nasa likuran ko na ikinagulat ko. Hindi ko man lang nadinig na nagbukas at nagsara ang pinto. Bigla itong yumakap sa akin at humalik sa likod ng aking batok.
Pinigilan ko ang sarili kong humagikgik dahil sa kiliting dulot niyon. “Aba, Mr. Kristoffer E. Summers, namimihasa ka na ata sa panggugulat mo sa akin. Buti na lang hindi ko naitapon itong niluluto ko.”
Sumilip siya sa bukas na kaldero. “Chicken adobo ulit? Baka pwede ding mag request ng bagong menu?” Biro niya.
Kumalas ako sa kanyang pakakayakap at humarap sa kanya. Nakataas ang isang kilay ko. “Dapat ko bang isipin na nagsasawa ka na sa chicken adobo ko? I thought pabirito mo ‘yong chicken adobo? Dahil nga d’yan kaya nahulog ka sa akin, hindi ba?” Biro ko rin sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. “Nagtatampo ka na ba n’yan Mr. Matthew dela Alegre?”
Ngumuso ako sa kanya. “Oo, magtatampo ako dahil mukhang may nakalimutan ka ata.”
“Nakalimutan?” Nagsalubong ang kanyang makapal na mga kilay. “Anong nakalimutan?”
Nagpadyak ako ng isang paa at tumalikod sa kanya. “Nakalimutan mo nga!” Nagtatampo kong sabi.
Hindi agad siya nakasagot.
Muli siyang yumakap sa akin. This time, may halong lambing ang pagyakap niya. “Joke lang. Ito naman, hindi na mabiro.” Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at maharan akong iniharap sa kanya. “Happy First Anniversary!” Sabi niya sabay halik sa noo ko, sa tungki ng ilong at panghuli sa labi.
“Happy First Anniversary!” Ganting bati ko sa kanya sabay yakap. Nang kumalas ako, napatingala ako sa kanyang g’wapong mukha. Mas matangkap siya sa akin ng apat na pulgada. May kaputian, matangos na ilong at mapupungay na mga mata. He’s half American, pero lumaki s’ya dito sa Pilipinas. “Akala ko nakalimutan mo na talaga.”
“P’wede ba naman ‘yon?” Nakangiti niyang sabi and kissed me lightly on the lips for the second time. “Ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay ko ngayon. Never forget that, Matt. I love you.”
BINABASA MO ANG
Pag-ibig na gusto mo, pero hindi pwede (one-shot writing contest)
Historia CortaONE-SHOT WRITING CONTEST. TOPIC: Pag-ibig na gusto mo, pero hindi pwede To enter, join through the link: https://www.facebook.com/groups/wattpadwarriors/