I'll Never Get Over You Getting Over Me [One Shot Story]

646 23 10
  • Dedicated kay Abegail Mapilisan Jumaquio
                                    

Vote, Leave a Comment, Recommend to Others And Be A Fan! Thanks!

Iboto, Mag-iwan ng Komento, Irekomenda sa iba at Maging Isang Tagahanga! Maraming Salamat!

----------------------------------------------------------------

I’ll Never Get Over You Getting Over Me

Written By: DavidRenzBoni

Habang may buhay, may pag-asa, tama naman ako di ba? Hayy, napakalonely ko namang tao ngayon, nakakainis lang talaga, oh, sige na nga, tama na ang drama baka hindi ako makapasok sa trabaho ko..

“Abby, handa na yung pagkain, tara na dito, at baka malate ka pa sa trabaho mo” sabi ni nanay, ang supportive kong nanay, kahit sa anong oras nandiyan siya para sa akin, masaya o malungkot man yan, nandiyan talaga siya, galing nga niyan eh, buti siya laging nandiyan, pero…. Naku, wag na lang natin yun isipin, masyado lang papanget ang araw ko.

“Sige po, susunod na po ako.” Sabi ko naman sa nanay ko, at yun, hinanda ko na ang mga dadalhin ko sa Bar na pinapasukan ko, Opps! Take note, porket Bar na ang pinagtatrabahuhan, Pok-Pok na kaagad? Di ba pwedeng singer muna? Oo, sa bar ako nagtatrabaho, sa isang mamahaling bar! Singer ako dun, pinasok ako ng friend ko dun, kasi magaling akong kumanta! Whahahahaha

At pagkatapos ng pag-aayos, pumunta na ako sa kusina para kumain, nandun kasi ang kainan eh, wala kaming dining room, bale, ang kusina at kainan magkasama na! whahahaha, hindi naman kasi kami mayaman, hindi naman din mahirap, sakto lang,, whahahaha..

Habang ako ay kumakain, bigla akong kina-usap ni nanay, “Kamusta ka na ba anak?”

“Ok naman po, bakit po nanay?” hayy, si nanay nga naman, tinatanong pa kung ok ako, pero sa katunayan, hindi talaga, sa ginawa niya, mapapatay ko siya!! Sa panloloko niya sa akin, sige, ikukuwento ko na, ganito kasi yun, kakabreak ko lang sa boyfriend ko last week, kung hahabaan ko pa ang kwento, ito pa rin ang sasabihin ko sa huli kaya minadali ko na.. masyado bang maikli ang kwento? Eh di dugtungan ninyo, hiyang-hiya naman ako sa inyo kung daragdagan ninyo pa yan at maging tsismis pa yan. Oops! Di pa ako galit niyan, nagpapaliwanag lang.. hahahaha

“Ah, ok. Kala ko eh..” di ko na pinatapos ang nanay kong magsalita, masyado lang akong masasaktan.

“Nay, ok nga ako, sige nanay alis na ako, babye muna, di pala ako makakauwi ng maaga.” Sabi ko sa nanay ko.

“Oo, alam kong di ka makakauwi ng maaga dahil special day ngayon sa bar, pero anak ingat ka sa pag-uwi dahil alam mo naman ang panahon ngayon, maraming masasamang tao, magwawala ako kapag na-rape ka, pero kapag mayaman at gwapo, sige patulan mo na!” aba! Si nanay masyado ah! Sa sexy at sa ganda kong to, magpapa-rape? No way! May prince charming ako noh! Nga lang wala na, pinatay ko na!

“Nanay naman eh, ginawa ba naman akong pok-pok sa kanto!” napa-iling na lang ako sa sinabi ng nanay ko, hindi naman ako ganun, mabait kaya akong anak!

“Joke lang naman yun anak, pinasasaya lang kita… sige anak, baka malate ka pa” at matapos ang rape scene este ang paalala ni nanay, umalis na kaagad ako para pumunta sa bar, dahil gabi na, kailangan ko ng mag-taxi, kaya pagdating ko sa kanto, pumara na kaagad ako ng taxi at sumakay, labag man sa loob ko ang pagsakay sa taxi, ayoko namang ma-rape o ma-salvage, nag-aalala naman ako sa beauty ko at sa sarili ko, at wala ng IBA!!

Pagdating ko sa bar, malamang naman sa hotel, di ba? Nakita ko kaagad ang aking best friend na si Giechelle, naka-abang sa harapan ng bar, at noong makita niya ako, bigla siyang pumunta sa akin. Happy na naman ang bruha, sigurado may maganda na naman yang balita.

I'll Never Get Over You Getting Over Me [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon