chapter 34

700 21 1
                                    

drake's POV.

thanks god nakita ko si jhana ngayon.. thank you talaga... di ko maimagine na sa lahat ng ginawa ko sa kanya noon.. magiging ganto pa rin syang kabait sakin.. sana lang totoo tong mga pinapakita nya .
may trabaho na rin akong maayos ayos..
di ko alam kung pano nangyari sakin to? kung bakit kami naghirap.. basta paggising ko isang umaga.. wala na ang lahat ng meron kami..

nalulong sa utang ang kompanya na pinaghirapan ng mga magulang ko.. at isa lang ang pwedeng ipambayad ni papa. ito ay ang kompanya namin at ang bahay ..dahil kung hindi. makukulong sila..

ngayon pa? nagka sakit si papa.. paralisado na ang kalahating katawan ni papa. at si mama naman masakit na ang mga katawan.. tumatanda na rin sila kaya kailangan kong kumilos..

kung hindi lang sana ako nabagsak at inayos ko ang pag aaral ko.. nasa huli nga talaga ang pagsisisi..

" hey? drake?? pasok na!!" pukaw skin ni jhana.. nabuksan na pala nya yung pinto..

'' ay.. s-sorry!!" sabi ko at pumasok na ..

nakita ko yung laki ng kama.. malaki naman sya special nga at malawak ang space.

" ahm.. jhana.. dito na lang ako sa baba matutulog. maglalatag na lng ako!" sabi ko sa kanya. nakakahiya naman kung tatabi ako sa kanya.

" drake?? sa tingin mo ba hahayaan kitang malamigan dyan sa baba?? magtabi tayo . hindi mo naman siguro ako gagapangin diba??" sabi nya sakin. sabay tawa..

" ahahaha. h-hindi n-no.!! ok lang sayo na tabi tayo??" tanong ko sa kanya..
para kasing uneasy ako pag katabi ko sya..

" oo naman.. ahm. wait lang maglilinis lang ako ng katawan.!" sabi nya sakin at tumalikod na. nagulat ako kasi tinanggal nya yung jacket nya kaya nakita ko yung sando nya at biglang humarap sakin... kaya napatalikod ako..

" a-ahm.. s-sorry!!" sabi nya sakin

" a-ahh.. ok lang.!!"
narinig ko na lang yung yabag nya paalis at pagsara ng pinto sa cr..

napabuga na lang ako ng hangin.. grabe!!

ako na ang nagayos ng mga gamit namin habang nasa cr sya. nakakahiya naman kung wala akong gagawin diba??
pasado alas diyes na rin ng gabi e..

jhana's POV.
sa totoo lang sinadya kong maghubad sa harap ni drake. this is the part of plan.
pagkatapos kpng mag shower nag robe lang ako paglabas..

" oh?? ako na dyan drake. ikaw naman mag shower!" sabi ko kay drake. at pinuntahan sya para palitan sa ginagawa nya

" ahm. ok lang!"

" no! sige na maligo ka na roon. nabasa ka ng ulan kaya magkakasakit ka pag pinatagal mo pa yan!" sabi ko at itinulak na sya sa cr.

" o-ok. thank you!!" sabi nya at isinarado ko na ang pinto..
dahan dahan akong pumunta sa kama at may inilagay doon..
tiyal na matutuwa ka drake.. kaya nahiga na ako sa kama..

di rin tumagal ay lumabas na sya sa banyo. sinadya ko ring mag robe muna para may thrill..

naka pajama and white shirt sya.

" youre cute on your wear!" sabi ko sa kanya at nginitian..

" t-thank you!! ahm.. m-matutulog k-ka ng g-ganyan ??" tanong nya sakin maya maya .. good question..

" syempre hindi no!" sabi ko. sabay tanggal ng robe.. maglaway ka drake!!

isang white sando at short na maikli na kulay white din.

" di kasi ako makatulog pag naka padyama. and besides. may kumot naman.!" sabi ko at ngumiti.. nahiga na ako sa kama.
maya maya humiga na rin sya.. dun sa nilagyan ko ng papel kanina..

" ahm. by the way.. yung papel na address ng company ko. san na nga ba?? where did i put it..!?" sabi ko sabay upo..

" ah. i remember na under your pillow.!! wait!" sabi ko at hinakbang ko yung kalahati ng katawan ko papunta sa higaan nya.. you know that style? kaya sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.

" a-ah. a-a-ako na j-jhana!!" mahina nyang sabi.. naamoy ko yung mabango nyang hininga..

" no na. i can do it naman e.!" malumanay kong sabi sa kanya kaya wala syang nagawa.. at bahagya ko rong idinikit yung katawan ko sa kanya..
akala mo ikaw lang ang marunong magpaasa ha??

" here!!" malambing kong sabi sa kanya sabay tapat ng papel sa mukha nya. pero di pa rin ako umaalis sa pwesto ko..

" t-thank y-you!!" utal utal nyang sabi.

" what happen to you!!" sabi ko sa kanya ng ganon pa rin ang pwesto ko

" ei.. s-si-ssineseduce mo ata a-ako e.. !!" utal utal nyang sabi.. pinipigilan kong tumawa PROMISE!

" o-of course not!! ikaw ha. ilusyonada ka na.!! talagang ganto pa rin ako.. masyadong ... sweet!!" sabi ko sa kanya at bumalik na sa pagkakahiga ko..

" btw.. goodnight drake. have a nice and.. sweet dreams.. !" nginitian ko sya tsaka.. tumalikod sa kanya..

___________

kinaumagahan...

" haaaayyyy!!" hikab ko.. anong oras na ba?? alasiyete ng umaga..

hmmm. ambango naman non.. wait lang?? asan na yung kasama ko??

bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko..
pagkatapos ay pumunta sa kusina..

" good morning.. ah.. bumili na ako ng pagkain sa baba at niluto ko .!!" bungad nya sakin..

" ano ka ba naman.?? dapat ginising mo ko.. napagastos ka pa tuloy!! " sabi ko..

" sus. para namang minaliit mo ko?? isipin mo na lang na bayad ko to sa pagpapatuloy mo sakin ngayong gabi dito.. kung di ka dumating. baka sa labas na ako natulog kagabi e. kaya thank you!!" bigkas nya habang hinahainan ako ng pagkain ..

" welcome.. pero naiintindihan naman kita. mas kailangan mo ng pera ngayon..!" sabi ko sa kanya habang humihigop ng kape..

" naku.. mapag iipunan ko yun.. tska magkakaroon na rin naman ako ng trabaho bukas diba??" tanong nya .

" yeah . and i cant wait to work and be my partner in my company..!" sabi ko..

" thank you talaga!!" sabi nya at kumain na kami..

" ahm.. jhana pagkatapos nito pwedeng mauna na ako sa iyo?? kasi baka hinahanap na ako ni papa at mama. bibili pa kasi ako ng gamot nilang dalawa!!" maya maya ay sabi nya sakin..

" ah.. ok.. hahatid na lang kita!!" sabi ko sa kanya

'' naku wag na.. nakakahiya na talaga!!" pagtangi nya.

" no. no.. i want nama e.. tsaka i want to see him . i want to see my.... father!!" paawa effect ko.. diring diri ako sa pagkakasabi ko non. kaya napayuko na lang ako

" a-ahmm.. o s-sige!!" sabi nya at nginitian na ako at nagpatuloy na kami sa pagkain ...

___________________________________________

hello guys!!! keep voting to my story pa din ..

ahm guys ayos lang ba yung takbo ng story??:-)

MY REVENGE FOR MY FIRST LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon