Pang anim na Pinta👨‍🎨

18 2 4
                                    

Kinatulugan ko na ang pag-iisip kung sinong ponsiyo pilatong nilalang yung na-idrawing ko.

At ngayon ay kinakabahan naman ako sa pagkikita namin ni Jeongwoo. Like, jusko I wake up super early. Ala siyete ako nagising akala mo naman kay special nitong pagkikita namin. Pero kasi I'm pushing my luck to the fullest na, first crush ko siya na iniyakan ko kasi hindi ako pinansin after my confession. During that time grabe ang comfort sa akin ni Yoshi at ni Dobby. Speaking of Yoshi, hindi ko pa pala siya nababalitaan regarding with this matter gosh!

"Need to call Yoshi na."

It took him three rings before answering. Kay tagal uy!

"Good morning Kyu, what's the matter?"

"Good talaga ang morning Yoshi! Parang binagsakan ako ng sampung milyong kabutihan galing itaas!"

"Anyare ba? Anong chismis?"

"Ito na nga! Remember Jeongwoo?"

"Jeongwoo?"

"Yes! Jeongwoo as in kaklase natin before!"

"Oh! The guy na inaminan mo pero inignore ka lang?"

I rolled my eyes on what he said

"Yun talaga naalala mo? Grabe mare! Pero siya nga!"

"So ano na ang chismis Junkyu?"

"Yesterday he texted me!"

"How did he know your new number?"

"Doesn't matter! Ang mahalaga ininvite nya ako today 2PM to settle things up!"

"Eh bakit ang saya mo? Parang closure lang yun ng conscience nya! Bobito ka talaga."

"Pero there is a bigger chance that he will change his mind and take a risk to start a relationship with me!"

"Kulang ka ba sa gamot? Masyado mo namang kinacareer yang imagination mo. You know kyu, the least you can do is relax, never assume, and be straight to the point to the agenda of your meet. Huwag kang mag assume na date niyo yun! Jusko ka!"

"Bakit apaka unsupportive mo!?"

"I am not being unsupportive here Kyu, I'm just telling you the truth na maggigising sa'yo sa katotohanang he never scheduled and texted you to start a 'lovey-dovey' relationship. Gusto niya lang matahimik ang konsensya nya na gumugulo siguro sa kanya these past few years, hindi ko alam kung anong reason pero to protect your heart at ikaw mismo. Utang na loob itago mo muna karupukan mo. Please."

Yoshi have been by my side since I don't remember. Kaya naintindihan ko kung gaano siya katutol sa kashungahan ko. But giving a chance to Jeongwoo if ever na mag offer sya ng ano, ng alam niyo na. I will wholeheartedly accept the offer agad walang arte. Ganern! Pero I will baon pa rin the advices na ibinigay ni Yoshi sa akin.

"Okay, fine. I will never show him my karupukan side again. Pero if he offers me a relationship na ano, na..."

"Na ano Junkyu Kim?"

"You know Yoshi, there is a half percentage na he will be regretful of what he have done before and offer me a new start, relationship ganern, love-dovey nga you say. Ehe."

"Huwag mo kong ma-ehe Junkyu masasakmal kita!"

"Pero if he just wanna ano, wanna clear things up at yun nga dahil sa conscience na nararamdaman nya edi fine. I will not be a marupok just like before. I promise."

"Good. At least clear tayo sa kung anong mangyare. Basta Kyu build a wall hindi yung todo ngiti at grabe ang excitement mo."

"Yoshi! Of course, hindi naman ako aso na parang magningning ang mga mata 'no!"

"Sana nga. O siya sige, kumain ka na and freshen up bago kayo magmeet later."

"Okie!"

"Ang landi ng okie na yan Junkyu"

"Grabe siya! Sige na kakain na ako thank you Yoshi!"

"Welcome! Basta my advices ah!?"

"Noted! Nakatatak na sa utak ko!"

"Okay bye!"

"Byeee!!!"

Tumayo na ako at nagmamadaling binuksan ang pinto ng biglang nakita ko ang nagmamadaling likod ni Dobby. Aba shuta nakichismis pa ata!

"DOBBY!!!"

"O?"

"Anong O?"

"Bakit ba?" Patuloy pa rin siya naglalakad and currently we are here in the stairs at nagmamadaling bumaba.

"Tell me what you heard kanina sa phone call namin ni Yoshi!"

"I heard nothing! Wala akong alam sa date nyo ni Jeongwoo."

"The fudge!? Hindi yun date!"

"Pero you wish naman na date, ganun na rin yun!"

"Ugh! Dobby shut up! It's just a coffee meeting like talk and bonding lang with a schoolmate."

"Hayst Junkyu, hindi mo ako mauuto. Jeongwoo? Coffee meeting lang with schoolmate? Eh iniyakan mo nga yun nung hindi ka pinansin after you confess."

"That was before! College na ako Dobby! I moved on already, hindi na ako bitter."

Nakarating  na kami sa kusina. Dobby and I silently pick up the utensils habang naririnig namin si Mommy na nagluluto sa kusina na para bang hindi kami nagbangayan sa hagdanan. Nagsimula kaming mag-ayos ng table nang biglang bumulong si Dobby.

"You must follow Yoshi's advice Kyu, he is right."

"Like never namang naging mali si Yoshi!" I whispered back

"True!" Napahagikhik na lang kami na mahina.

After preparing the table, tinulungan namin si Mommy na maglagay ng food sa hapag. If you ask where's our dad ayun maaga pa pumasok at never niyang ginigising si mommy para lang ipaghanda siya. Yes our daddy G is the best husband ever!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 12, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pintor ng NakaraanWhere stories live. Discover now