Napangiti ako ng mapakla ng mapag tanto kung nasaan ako ngayon. Isang munting simbahan na punong puno ng liwanag mula sa mga parol na nakasabit. Mula sa labas ay tanaw ko ang imahe ni Jesus na nakatayo sa harap ng altar, na nag pakuyom sa kamao ko. Naramdaman ko din ang pag sikip ng dibdib ko kasabay ng pag patak ng luha ko na agad kong pinunasan.
Nanginginig at dahan dahan akong pumasok sa gusali na dati ay pinangako ko na hindi na ako papasok muli. Wala kahit isang tao sa loob, napansin ko din ang mga nag kalat na petals ng rosas na kulay puti na parang may kakatapos lang ikasal. Na lalong nag pabigat ng loob ko. Nanlambot ang tuhod ko kaya napaluhod ako at nabitawan ang bouquet ng bulaklak na hindi ko binitawan mula ng umalis ako.
"Ano bang kasalanan ko sayo!" Bulong kong wika, sa imahe sa harapan ko. Tuloy tuloy ang pag agos ng luha ko, at wala na akong lakas parang pahidin pa ito.
"Ano bang kasi nagawa kong mali!" Malakas na sigaw ko dito. Nakatingin ako dito ng diritso, na umaasa na sasagotin nito ang mga tanong ko.
"Hanggang kelan mo ako paparusan? Ginagawa mo ba to sakin para pag bayaran ko yung ginawa ni kuya? Hindi paba sapat nakabayaran yung buhay ng magulang ko?" Patuloy kong sumbat dito, malalakas na pag hikbi na ang pinakawalan ko na halos di na ako makahinga.
"isang buhay lang yung kinuha ni kuya, pero tatlo yung kapalit! Di paba sapat na kabayaran na kinuha mo na sakin lahat?" parang sasabog ang puso ko ngayon sa sobrang emosyon. Ang sakit sakit na parang pinipiga yung puso ko.
"Hindi kita sinumbatan dati, kasi sabi ko baka nga deserve ko yun! Punishment ko yun! Pero ngayon?" nanlalabo na ang mata ko sa sobrang pag luha.
"ngayon? Na nag mahal lang naman ako!" naikuyom ko ang dalawa kong kamao at matapang na tiningin sa imahe.
"Nag mahal lang ako!" sigaw ko sa pagitan ng pag hikbi ko.
"Bakit ang hirap para sayo na ibigay sakin yun! Ang unfair mo naman e! Ang unfair unfair mo!" - Malakas na sigaw ko.
"Bakit mo pinabayaan na mahalin ko yung lalaki na dahilan ng pag iisa ko!" nayakap ko ang tuhod ko at itinago ang mukha ko sa pagitan nito. Nag eeco sa buong simbahan ang malakas na pag hangolgol ko.
"Eha? Ayus ka lang ba?" mahinang rinig ko, at may naramdaman din akong pag haplos sa likuran ko. Na lalong napag iyak sakin.
Lumingon ako sa tao sa likuran ko, isang sya lola pero halata mo sa pananamit na may kaya sa buhay. Pinahid ko ang luha ko at ngumiti dito. Kinuha ko ang bouquet na nabitawan ko kanina at pinakita dito.
"Kasal ko dapat ngayon" naka ngiti kong wika dito pero bumakas sa mukha nito ang awa.
"Wag kang maawa sakin, kasi sya" umiiling na wika ko dito habang tinuturo ang imahe sa harapan namin.
"Sya? Hindi sya na awa sakin. Diba sabi nyo, kayo na mga naniniwala sa kanya, na anak nya tayong lahat. So ano ako? Ampon? Kasi di nya gustong maging masaya ako!" natatawang wika ko dito.
"o baka ako yung anak sa labas. Kaya puro sakit yung binibigay nya sakin" kasabay na malakas na pag tawa ang pan lalabo ng paningin ko.
"Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Kasi ingit na ingit na ako" mahinang wika ko dahil unti unti na ding nauubos ang lakas ko.
"Hindi ba ako pwedeng matulog sa gabi na hindi humihikbi? Kasi napapagod na ako! " - may pag mamakaawang wika ko.
"Hindi ba ako pwedeng bigyan ng pag mamahal na di pinipilit? Yung pag ibig na para sakin talaga." dobleng kirot sa dibdib ang naramdaman ko ng maalala ko ang mukha ni Leo. Ang leo ko.
Tuloy tuloy parin ang pag agos ng luha ko kahit na nakapikit nalang ako dahil unti unti ng nauubos ang lakas ko.
"san ba kasi yung lugar na di ko kailangan ipag siksikan yung sarili ko?" bulong na wika ko, napahawak na ako sa dibdib ko sa sobrang sakit at madiin na ang pag kakapikit ng mata ko.
"San ba kasi yung palasyo ko?" unti unti na din akong nauubusan ng hangin at nahihirapan ng huminga.
"gusto ko maging masaya, pakiusap" wika ko pa bago ako kainin ng dilim.
BINABASA MO ANG
The Mafia's Doctor
Romance"Oo. Malandi KA! . Pumayag ka kasi patay na patay ka sakin at gusto mong mapalapit sakin! akala mo naman papatulan kita." - Mayabang na wika nito na napag palambot ng tuhod ko. Napahawak ako sa ding ding sa likuran ko para makakuha ng lakas. Yung pu...