PM-3

2.2K 36 0
                                    

Kailee.

Nakakainis yung lalakeng yun andaling sabihin sakanya yung mga ganung bagay kasi hindi naman siya yung nasa kalagayan ko, hindi naman buhay niya yung masisira!

" Kailee wait! Can you please stop running? " oo tama kayo nababasa tinatakbuhan ko siya. Naiinis kasi ako sakanya.

" bumalik ka na sa condo! Di pa tayo tapos mag usap! " sigaw niya sakin. Tumigil ako sa pagtakbo pero di pa rin ako humaharap sakanya pero alam kong nasa tapat ko na siya.

" I'm sorry okay? oo wala ako sa kalagayan mo ngayon, hindi buhay ko yung masisira pero dalawa tayo dito? Hindi lang ikaw ang may kasalanan dito ako rin! Kaya please bumalik ka na? " sabi niya sakin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila pabalik sa condo niya.

Nang makarating kami sa condo niya. Pinaupo niya ko at inalok ng tubig.

" water? " alok niya sakin.

" no, paano natin to sasabihin kanila mommy at daddy? Sa mommy mo? " tanong ko sakanya.

" hindi ko din alam, for sure magagalit sila. Mas lalo na't ang nagiisang prinsesa ng mga bernardo ay nabuntis ng isang padilla. " sagot niya sakin. Ramdam ko ang takot niya.

" eh paano si tita karla? " tanong ko sakanya.

" si mommy? Baka maside kick ako nun at masuntok ng wala sa oras? Ano nalang sasabihin niya na binuntis ko ang anak ng bestfriend niya? Knowing na wala naman tayong relasyon. " sagot niya sakin.

" Dane its better siguro kung iuwi mo muna ko. Mag-usap nalang ulit tayo bukas. Pagod na rin kaso ako eh. " sabi ko sakanya.

Agad naman niya kinuha ang car keys niya at inihatid ako sa bahay namin.

Dane.

Tinext ko sila sky para humingi ng advice sa mga kaibigan ko pagkagaling ko kanila kailee.

To: Sky, Mike, kurt, Jade, lesleigh

Bregs, punta kayo sa condo ko, I'm on my way home.

Sent!

Andito na ko sa tapat ng condo ng bigla itong bumukas mag-isa at iniluwa ang mga magagaling kong kaibigan.

" Bro ang tagal mo kaya nauna na kaming pumasok dito ah? " sabi nila sakin. May duplicate kasi sila ng susi dito sa condo ko.

" sanay na ko! Feeling niyo sainyo to eh! " pumasok ako habang sinasabi yun habang sila tumatawa.

" Dane, ano bang problema? " tanong ni lesleigh ang nag-iisang babae sa kaibigan ko.

" les, bregs nakabuntis ako. " nakayuko kong sabi sakanila. Amg dating maingay na kaibigan ko naging tahimik.

" bro seryoso ba yan? " tanong ni mike.

" oo brad! Seryoso ako! Di ko alam ano gagawin ko. " sagot ko sakanila.

" sino? " nagaalangan na tanong ni lesleigh.

" kailee. " maikli kong sagot.

" Kailee? As is Kaithleen Marie bernardo? Yung anak ng bestfriend ng mommy mo? Yung lagi mong inaasar? At yung taong bwisit na bwisit sa presence mo? " tanong ni Kurt. ang oa naman magreact ni Kurt.

" bro oo nga siya nga! " sabi ko habang nakayuko pa rin.

" paano nangyari? " tanong ni Jade.

Perfect MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon