TRISH POV*
Tahimik na sinisimsim nya ang hawak na orange juice at parang walang paki alam sa ingay at gulo na nasa paligid nya. Wala talaga sya sa mood na gumimik ngayon. Kung hindi lang talaga mapilit ang bestfriend nya. Ang sabi nito ay mag eenjoy daw sya dun eh mukhang ito ang kanina pa nag eenjoy dahil hindi na bumalik sa inuupuan nila.
Maya maya ay nakita nya si Navi na may hawak hawak na lalaki sa braso, malawak ang ngiti nito habang nakatingin sa kanya. Bored na nakatingin lang sya sa dalawa habang papalapit, yayayain nya na talaga si Navi na umuwi.
"Hi bestfriend!" super taas na energy na bati sa kanya ni Navi pero tinitigan nya lang ito. "I'd like you to meet handsome, Anton." napa angat ang kilay nya sa sinabi ng bestfriend. At talagang may handsome pa? Ngiting ngiti naman ang katabi nitong mukhang amerikano. Knowing Navi, ganito talaga ang mga tipo nitong lalaki.
"Hi Trish. Navi, told me a lot of things about you. Nice to meet you." at nag offer ito ng shake hands. Hindi nya na sana tatanggapin iyon at wala nang paki alam kung mag mukha itong tanga pero pinandidilatan sya ng katabi nitong si Navi.
I sighed before I finally held his hand for a shake hands. In fairness naman pogi talaga ito, kamukha niya yung mga nagmomodel ng tuxedo sa mga magazine.
"So, maiwan ko naba kayong dalawa?" malawak ang ngiting tanong ni Navi.
"Subukan mo lang lagot ka sakin." naka ngiti din nyang sabi para hindi mahalata ni Anton ang pinag uusapan nila ni Navi, tutal ay hindi rin naman sila nito naiintindihan.
"Gaga! Kukuhain ko lang yung papabels ko dun, wait ka lang jan!" at humarap naman ito sa lalaki "Anton, i'll be right back. Make my best friend happy, okay?" at pakembot kembot itong umalis.
"I will!" sagot naman ng katabi nyang lalaki na malawak ang ngiti
"Mukha mo I will."
"What?" naka kunot noong tanong nito
"Nothing! I said let's take a sit." kanina pa pala sila nakatayo. Umupo naman ito sa tabi nya at konti nalang talaga ay feeling nya mag kakapalit na sila ng mukha sa lapit nito sa kanya.
"So, how are you?"
"I'm good." sagot nya habang lumilingon lingon sa paligid. Tangina Navi, bumalik kana agad. Umuwi na tayo!
"You seem so bored. Lemme get you some drinks."
"No! I already have a juice." itinaas pa nya ang baso na kalahati pa ng orange juice. Pero hindi nito iyon pinansin at tumawag padin ng waiter.
"No, it's not the right drinks for you sweetie. Waiter!" agad namang may lumapit na waiter at sinabi nito na kuhaan sya ng margarita.
Tangina neto gusto yatang malasing ako para maka score! Pwes, ikaw ang malalasing. Mataas ang tolerance ko sa alak no! Naiinis na sinarili na lamang nya iyon. Okay narin yon atleast libre ang iniinom nya.
Kesa naman ma bored sya minabuti nyang i-entartain na lamang yung kasama nya. Hindi nga sya nagkakamali, nag papart time model ito sa states. Hmmm, not bad huh.
Napansin yata nito na nakailang order na ito ng margarita sa kanya pero matinong matino padin ang pag iisip nya. Whisky kasi ang iniinom ni Anton, unlike her na margarita lang. Maya maya ay nag order na rin ito ng matapang na alak para sa kanya. Nangingiti na sya sa isip dahil alam nyang konti nalang, lasing na ang kaharap. Sya naman, pakiramdam nya ay isang tanduay ice palang ang naiinom nya.
Nang tuluyan nang nalasing si Anton ay hinayaan na nya itong matulog sa couch saka pa lamang dumating ang magaling nyang best friend. Nagulat naman agad ito nang makitang knock out na ang kasama nya.
"Trisha! What happened to him?!"
"Sinapak ko. Bastos e."
"What?!" agad namang itong lumapit kay Anton at ininspeksyon ang mukha nito.
"Ba't kasi ang tagal mo dumating?!"
"Ano ba kasing pumasok jan sa utak mo at sinapak mo 'tong pogi na to ah?!"
"Relax! Natutulog lang yan, lasing na kase. Oa mo talaga mag react."
"Gaga ka talaga! Tinakot mo ako!" Tawa nalang sya ng tawa sa ekspresyon ng mukha nito.
"You should've seen your face!" sabi nya habang tumatawa padin.
"Whatever!" sabi nito at akmang aalis nanaman.
"Oh, san ka nanaman pupunta? Umuwi na tayo! Lasing na ako" naka simangot nyang sabi.
"Wag mo 'kong artehan jan, alam ko hindi kapa lasing! Malasing na lahat pati tanggero pero ikaw matino padin!"
"Navi! Tara na kasi."
"Oo na, sige na. Wait lang. Mag papa alam lang ako sa papabels ko dun, okay?"
"Okay. I'll just go to the wash room. Dito nalang tayo magkita."
"Go!" at umalis na nga ulit ito. Sya naman ay umalis din para mag puntang CR. Malaki ang superclub na iyon kaya nahirapan syang hanapin kung saan ang CR. Nag ayos lang naman sya dun saglit at nang masiguro na maganda na ulit sya ay minabuting bumalik na sya VIP Lounge na inuupuan nila. Hindi pa sya nakakakalabas ng hallway ng CR ng may bumunggo sa kanya.
"What the fu-" nalaglag ang purse nya at agad naman syang tinulungan ng nakabunggo sa kanya na pulutin ito.
"Sorry, Miss." that voice is so familiar. And when she saw his face... her heart skip a beat.
"Jason?" "Trish?" mag kasabay na sabi nilang dalawa.
She don't know how to react! She don't know what to do in front of him. Pakiramdam nya ay nawala ang lahat ng ingay ng club sa mga oras na iyon. Ang tanging naririnig nya lang ay ang sobrang lakas ng tibok ng puso nya.
"Ahm." what the hell! I can't say anything! I can't even look straight into his eyes! Of all people na pwedeng makabangga, ba't sya pa?!
"Hi Trish, how have you been?" tumingin muna sya saglit sa mga mata nito at umiwas ulit ng tingin. Hindi nya talaga kayang tagalan ang mga titig nito.
"I've been doing great!" No! I've been in hell! she tries to sound happy as she said those words.
"I see."
"Are you alone?" She finally ask.
"No, I'm with my friends. Ikaw, sinong kasama mo?"
"I'm with my best friend, Navi. You remember him?"
"Oh yeah! Where is he?"
"Iniwan nga ako e. Wala tuloy akong kasama kanina pa." Half-true nyang sagot. Hindi nya nalang sinabi na pauwi na sila ni Navi.
"Wanna join us?" Aarte pa ba ako? Hindi na!
"Sure!"
"That's my girl!" I hope I am.