“Well class, we’ll be having a debate this end of the year. We won’t be using the Parliamentary format for once, this year. Impromptu lang siya. The year is ending, as to why I’ve decided not to stress you out too much.”
Nagsaya naman ang klase kahit may debate nanaman na ipapatayo ni Maam. Mahilig kasi yung klase namin ang mga debates. Yung Parliamentary format lang talaga ang ayaw namin, since madaming kaeekan ang kailangan dun.
Habang lahat sila, nagkakatuwaan, eto ako, nakatingin sa kung saan. Madali lang naman yung impromptu eh, kailangan mo lang mavisualize ang magiging good and bad effects sa iyo if ever nangyari sa iyo, ang kahit na ano tungkol sa topic. Usually naman, small topics lang ang ibinibigay ni Maam.
“Pero! All of you still have to pass your book reports about Pride and Prejudice by the end of next week. A minimum of 3 pages and a maximum of 10. Times New Roman. Size 12 and single spaced.”
Groans. Groans everywhere, with a small pint of complaints. Feel ko nga ngumiti pa si Maam sa naririnig niyang mga reklamo eh. Tapos na ako diyan eh, 2 months na niya yan pinagagawa pero next week pa rin ang deadline.
“Tss. Enough with your objections! We shall go on with the groupings,” sandaling tumingin siya sa list of students at humarap rin sa amin kaagad. “Ivory, Sonny, Andrea under Mark. John, Angie, Ian under……”
Nagpatuloy si Maam sa pag-assign sa mga grupo.
“Joshua, Nick, Bea under Mich.”
Agad namang umangat ang ulo ko at isa isa kong tiningnan ang mga members ko. Okay lang naman sila. Si Josh, magaling magdebate. Si Nick, magaling ivisualize ang kanyang sarili sa isang situation at si Bea, nakikita niya ang mga loopholes sa mga statements na naibibigay ng kalaban niya.
“Abby, Dez, Jake under Dustin.”
D-dustin? Pero sino nga ba si Dustin? Si Earl Dustin Yap. Childhood friends kami niyan, pero madalas kami nag-aaway. Ewan ko ba, kahit maliit na bagay pinag-aawayan namin, from the best ice cream flavor hanggang sa best shade of color. Pero ewan ko ba, kahit anong away naming, siya ang nagustuhan ko. Tama, ang pinaka-nakakainis na tao sa buong mundo at ang lalaking kinababaliwan ko ay iisa. Ironic, diba?
“World War 3.99 na yan!”
“Tsk! Kawawang mga group members na yan!”
“Mga taya niyo dali! Sino mananalo, Team Mich o Team Dustin?!”
“Isang daan kay Mich!”
“Ha! Dalawang daan kay Dustin!”
"Ayie! Kikiligin tayo niyan!"
Hinde naman pinansin ni Maam ang mga ingay nila at nag-isip ata ng magiging topic sa aming debate. Sisigawan ko na sana ang aking mga kaklase ng mayroong isang lalaking nagsalita na nakakuha ng atensyon ko, si Dustin.
“Tss. Hinde naman marunong yun eh! Ako na yan!”
Kumulo agad dugo ko in less than a few seconds, binaling ko rin ang tingin ko sa kanya.
“Dustin, huwag ka magsalita bago pa kita ipasabog sa mga taong nagpasabog ng Nagasaki.”
Kung hinde ko lang siya gusto eh, baka naipasabog ko na talaga siya sa sobrang inis ko.
“Ayoko nga, dinadamay mo pa ako sa mga trip mo. At saka, patay naman sila eh.”
“Please lang, 1 billion miles away ka na. Nakakarindi ang ingay mo!”
BINABASA MO ANG
The Debate {One Shot}
Teen Fiction"A debate is a formal contest in which the affirmative and negative sides of a proposition are advocated by opposing speakers." People should be optimistic on the way their loved one should feel about them. You never know, he or she might return the...