Chapter 2 - First Kiss

60 0 0
                                    

Short story lang 'to, okay? Siguro aabutin lang 'to hanggang 20 to 25 chapters. So, enjoy! Kung gusto niyo ng dedications, comment lang! :) 

---------------

Chapter 2

“Bettina, gising na.”

“Hmm...”

“Bettina!”

“Hmm...”

“Bettina Maxine Salvador!”

Napabangon agad ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng Kuya ko mula sa labas ng kwarto ko. Pakshet! Male-late na ako! 15 minutes na lang ang meron ako para makapag-ayos at makarating sa school!

“Bettinaaa!”

“Gising na ako, Kuya! Maliligo na ako! Saglit lang!”

“ANO?! KAKAGISING MO PA LANG?!”

Hindi ko na sinagot si Kuya at dali-dali na akong pumasok sa banyo para maligo. Ang aga-aga, ang ingay-ingay ng Kuya ko!

Nakalimutan ko palang mag-alarm kagabi kaya pala na-late nanaman ako ng gising! Bwiset! First day na first day late nanaman ako!

Dali-dali akong naligo. Nag-robe na lang ako tapos lumabas na ako para magsuot ng uniform at makapag-ayos ng sarili.

*ring!ring!ring!*

Nagulat ako ng tumunog ang telepono ko dito sa loob ng kwarto kaya naman nagsilaglagan ang mga damit ko mula sa drawer. Tsk. Ano ba naman ‘to!

Hinayaan ko na lang mag-ring ang telepono at nag-ayos na ako ng sarili. Kinuha ko na ang bag ko tapos lumabas na ng kwarto. Nakita kong naghihintay na si Kuya sa akin sa baba at hawak-hawak niya ang susi ng kotse niya.

“Ang tagal tagal mo naman dun sa taas! Bakit late ka na nagising?! Nagpuyat ka nanaman ba?! Hindi ka ba marunong gumamit ng alarm clock?!”

“Ang dami mong tanong Kuya! Mamaya ko na sasagutin yan! Tara na! Alis na tayo!”

Papasok na sana ako sa kotse niya nang bigla niya akong pinigilan.

“Hep hep!”

“Bakit?!”

“Sinong may sabing makikisabay ka sa akin?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Fictional BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon