Part 0

1.6K 49 6
                                    

“Ready ka na Vicvic?” tanong sa akin ni Mika ang bestfriend at Maid of Honor sa araw na ito.

Ang tagal kong hinintay na dumating ang araw na ito, ang lumakad patungo sa altar at makitang naghihintay ang lalaking pinapangarap ko.

“Y-yes.”nauutal kong sagot. Hindi na ako makahinga ng maayos sa sobrang saya at sobrang kaba. pakiramdam ko nga ay hindi ko na kakayanin pa ang maglakad patungo sa altar.

“Basta huwag kang masyadong kabahan, okay?” paala-ala ni Mika. Ngumiti na lang ako sa kanya habang patuloy niyang iniaayos ang aking belo.

“Thank you, Yeye.” sabi ko ng matapos akong ayusan ni Mika at iabot sa akin ang bouquet, ang ganda hindi ko mapigilan ang mapatitig dito. Ginawa lang kasi ito ng bestfriend ko pero napakaganda talaga ng bouquet na hawak ko.

“Your welcome,ikaw pa. Basta mag-smile ka lang at huwag masyadong kabahan.” she said and I nodded.

Kasabay ng pagtugtog ng napili kong wedding song ay nagsimula ng maglakad si Mika. Maya-maya pa ay dahan-dahan na akong naglakad. Sumulyap ako sa harapan at nakitang nakangiti ang aking mapapangasawa. Pakiramdam ko ay nag-init ang aking mga pisngi ng magtama ang aming mga mata.

“I, Axel,
Take you, Victonara,
To be my wife;
To have and to hold,
From this day forward,
For better, for worse,
For richer, for poorer,
In sickness and in health,
To love and to cherish,
‘Till death do us part.” 

Hindi maalis ang mga ngiti sa aking labi habang sinasabi ni Axel ang kanyang pangako. Kanina pa ako kinakabahan dahil ayaw ko naman magkamali sa harapan niya kaya paulit-ulit akong nag-ensayo ng sasabihin ko.

“I, Victonara,
Take you, Axel,
To be my hu----;

“Kuya!!!”naputol ang aking sasabihin ng may narinig akong sumigaw. Sinong pangahas ang nanggugulo sa kasal ko?

“To be my Hu---“ tumingin ako kay Axel at ngumiti. Hindi ko na pinansin pa ang sumigaw at nagpatuloy na lamang..

“Kuya Axel!!!!!” sigaw muli ng pangahas. Nakakunot noo kong nilingon ang walang pusong nanggulo sa napakagandang araw ko.

“Ano ba yan Thomas ang ingay mo naman.”reklamo ni Axel sa nakakabatang kapatid.Mukha nabadtrip rin si crush at naabala ang aming kasal-kasalan.

“Kuya, umuwi ka  na daw, lunch na.” sagot ni Thomas at tumingin sa akin ng nakakaloko.Sinimangutan ko na naman siya. Panira.

“Tsss, sige na,susunod na ako.” sagot ni Axel my loves.

“ Vicvic bukas na lang ha.”paalam ni Axel ng hindi pumayag si Thomas na mauna ng umuwi.

“Okay lang, bukas ha laro tayo ulit.”sagot ko. Ngumiti ako sa kanya ng napakatamis, nakaka disappoint kasi naman ang tagal ko siyang kinumbinsi na sumali sa laro namin  ni Mika tapos sa ganito lang matatapos?

“Kapag lumingon ka may crush ka sa akin.” bulong ko sa aking sarili.

Wala na akong nagawa kung hindi pagmasdan na lamang si crush at si Thomas na lumakad papalayo sa akin.

“Lumingon ka na.” bulong kong muli.

“Vicvic!” nanlaki ang mga mata ko ng lumingon si Thomas at tinawag ako.Dapat si Axel yun, pagmamaktol ko.

“Bakit?” tanong ko.

“Pwedeng bang sumali bukas? Ako naman ang groom?” napanganga ako sa narinig ko, hindi pwede pano na kami ni Axel? Napatulala ako kay Thomas na ang laki ng pagkakangiti. Bago pa ako nakapagsalita ay agad ng nawala  ang magkapatid sa paningin ko.

Malas.

“Vicvic, okay ka lang?” tanong ni Mika sa akin, ngumiti na lang ako kahit ang lungkot ko naman talaga.

“Oo naman, sige Yeye uwi na ako.”paalam ko. Hindi ko na siya nilingon at nakatungong naglakad na, ang malas naman.

‘Vicvic!” pagtawag muli ni Mika,na-touch naman ako. Bestfriend ko talaga siya, sobrang concern sa akin.

“Okay nga lang ako Yeye.” pagsisiguro ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.

“Yung kurtina namin, baka hanapin ni Mommy.” sabi niya at agad na hinatak ang belo kong suot-suot.

Hindi ko alam kung anong mas masakit. Ang nararamdaman ko dahil hindi natuloy ang kasal-kasalan namin ni Axel o ang anit ko dahil sa pagkakahila ng kurtina.

Hay Vicvic. Sana bukas matupad na ang pangarap mo, na maging si Mrs. Victonara Galang-Torres.

----

Hi everyone, first attempt to write ng Thomara ff, sana magustuhan niyo ;p

Idol @Angeljoy16  hihi, try lang po ng thomara ff hihi bilang na-inspire ako sa mga stories mo, especially yun WLAF. lablab :*

Godbless Everyone!

Happy Easter!!!

Thanks! Thanks!

---Mira---

Ikaw at AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon