Prologue

10 0 0
                                    

Stacey

Mataba ang puso ko ngayon dahil sa natanggap kong napakagandang balita. Excited ako ngayon habang papasok ng aming front gate. Rinig na rinig ang aking bawat hakbang dahil sa ingay na gawa ng aking heels na suot-suot. "Tristan, Tristan!" tinawag ko ang aking mahal na asawa ngunit hindi siya sumasagot. Hindi ko na alam ang eksaktong nararamdaman ko, dahil sa sobrang saya ay bumilis na rin ang tibok ng aking puso.

"Ma'am Stacey nandyan na po pala kayo. Hinahanap niyo po si Sir Tristan?" tanong ng aming kasambahay na si Manang Fe na sinalubong agad ako pagkapasok ng bahay. "Opo eh, naka-uwi na po ba siya?" tanong ko naman sa kanya. "Hintayin niyo na lang po siya ma'am. Wala pa po kasi siya eh." sambit naman ni Manang Fe.

"Sige po Manang, medyo maaga pa naman po eh." malambing kong sagot sa kanya. Medyo maliwanag pa sa labas kahit na gabi na. Kaya napagdesisyunan ko na umupo na lang muna sa isang malaking couch sa sala at doon ay hintayin siya.

"Magluluto lang po ako ng hapunan, magpahinga na lang po kayo dyan."sabay punta ng kusina ni Manang Fe. "Pagkatapos niyo po ay sumabay na kayo sa amin!" pahabol ko kay Manang Fe.

Tumango ito bilang pagsang-ayon sa akin.

Isang oras na din akong nagpapahinga at naghihintay ngunit wala pa rin siya. Nainip ako kaya napagdesisyunan ko na umakyat na muna sa aming kwarto. Mabuti ang aking pakiramdam kaya naglinis muna ako ng aming kwarto na nasa dulo ng ikalawang palapag ng aming tahanan. May kalakihan ito kaya medyo mahirap linisin ngunit ayos lang. Nakasuot pa ako ng pang-opisina at di pa nakakapag shower. Messy bun ang ginawa kong ayos ng aking buhok.

Una kong inayos ang aming kama, pinalitan ko ito ng bedsheet, comforter, at pillowcase. Winalis ko rin ang aming wooden floor, vinacuum ang mga couch at carpet at pinunasan ang aming malaking glass window.

Makalipas ang ilang minuto ng pagaabala sa sariling maglinis ay pumunta ako sa aming walk-in closet. Namiss ko ang amoy ng aking asawa kaya ang side niya ang una kong pinuntahan. Binuksan ko 'yung kanyang closet para sana ayusin ang mga nagusot at nagulong mga damit ngunit may nakaagaw ng aking atensyon.

Isang maliit na wooden box ang nakita ko. First time ko itong makita kaya na-curious ako kung anong laman. Wala naman sigurong masama kung bubuksan ko ito dahil hindi naman mukhang kahina-hinala at hindi naman din siguro yun pang-iinvade ng privacy di'ba? "Ano kaya to'." medyo mapang-asar kong sambit. "Regalo o sekreto, Hahaha biro lang. Okay! pagbilang ko ng isa, dalawa, tatlo." excited ako pero dahan-dahan ko itong binubuksan at.....

Nagulat ako sa aking nakita.

Mga larawan at alaala ito ng taong pinakamamahal ko at ng taong pinaka-aayaw ko sa mundo....

***************************

~Ms.Raimshi~

CHAOTIC LOVEWhere stories live. Discover now