SIYA (One Shot)

547 63 11
                                    


Note: Hello po! Panibagong oneshot story na naman po ang handog ko sa inyo. Sana po'y magustuhan ninyo.

PS: Huwag po ninyong kalimutang i-VOTE ang akda ko. Maraming salamat ho. :)

___________________________________________________________

"Miss? Okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay?! Umalis ka nalang nga dito!" Iritado kong sagot sa taong nagtanong.

Sino ba naman hindi maiinis sa mga taong walang utak. Harsh na kung harsh pero ganito ako e. Pake ba nila?

"Ang sungit naman. Pero,kung gusto mo nang makakausap,andito ako oh." Aniya sabay abot ng panyo sakin.

"Ang kulit mo rin eh noh. Sabi ko UMALIS KA DITO." Tinapon ko ang panyo niya sa gilid at pinagpatuloy ang pagemote nang medyo may kahinaan.

Pano ba naman kasi. Nalaman ko na niloloko lang pala ako nang tarantado kong boyfriend. Bwiset! Minahal ko pa naman yun kaso ginago lang pala ako.

"Bwiset ka! Bwiset. Mamatay ka na sana kasama ng babae mo! Minahal kita gago ka pero niloko mo lang ako!" Sabi ko habang umiiyak.

"Alam mo. Parehas lang pala tayo e. Pinaglaruan rin ako nang ex-girlfriend ko." Napatigil ako sa pag-iyak nang biglang nagsalita ulit yung lalaking tinarayan ko kanina.

"Monthsary pa naman namin ngayon. Sosorpresahin ko pa naman sana siya kaso pagdating ko sa dorm niya,may kalampungan siyang ibang lalaki." Tumigil siya sa pagkukuwento. Sa tingin ko,umiiyak na siya.

Nang itinaas ko ang ulo ko upang tingnan kung bakit siya huminto,nakita kong tama pala ang hinala ko na umiiyak na siya. Ewan ko kung bakit pero niyakap ko siya. Siguro kasi minsan nalang makakita ng lalaking umiiyak sa sulok ng dahil sa girlfriend.

"At ang mas malala,sinabi niya sa akin na mas mahal niya yung lalaking kasama niya. Ang sakit rin pala no." Naramdaman kong niyakap rin niya ako pabalik.

Iyan ang nangyari sa unang pagkikita namin. Nakakatawa pa nga ang pagpapakilala namin sa isa't isa.

"Puede na tayong mag-artista niyan." Biro niya. Aba! Marunong din palang magbiro ang isang to. Tumawa lang ako.

"Ako nga pala si Shan." sabaypagpresenta niya ng kanyang kamay.

"Ako naman si Sheane." Masaya naman akong nakipagkamayan sa kanya.

Ang mas nakakatawa pa doon,pagkatapos nang drama namin sa park,nagpaalam lang kami tapos umuwi na kami sa kanya-kanyang tinitirhan.

Pag-uwi ko,nalaman kong magtatransfer pala ako nang ibang school. Siyempre,nung una nalungkot ako kasi hindi ko na makakasama ang mga kaibigan ko pero napagisip-isip ko na mabuti nalang din to para hindi ko na makikita araw-araw ang bastardo kong ex-boyfriend.

Noong pasukan,naiilang talaga ako. Marami kasing nakatingin sa akin tapos nagbubulung-bulungun. Sinandabi ko nalang iyon at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Room No. 3 na sinabi nang guro sa main office. Saktong nag-bell nang nakita ko ang hinahanap kong silid. Pagpasok ko nang pintuan,naabutan kong may lalaking nagpapakilala sa harapan na tingin ko ay transferee rin gaya ko. Hinintay ko nalang siyang matapos bago ako tuluyang pumasok.

"Good morning. I'm Shan Gabriel Valdez. I'm a transferee student. Well,I transfered here because I think this school can offer me good opportunities. I hope we'll be friends." Sabay ngiti sa buong klase. Napatili pa nga ang mga babae.

SIYA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon