Chapter 1

3 2 0
                                    

CHAPTER 1: Class Election


NATHALIA AMELIE POV


"Magandang umaga mga hunghang!" Bati ko sa mga kaklase kong nag-aabang sa labas ng classroom.


"Magandang Umaga, Thalia!"


"Masamang Umaga!"


"Anong maganda sa umaga?"


"Gaga!"


Rinig kong bati ng mga kaklase ko saakin. First day of classes ngayon, at kung sineswerte ka nga naman. Section F ulit ako... kami.


Ang totoo niyan wala namang bago, magkaka-klase ulit kami. At ang totoo rin niyan, sawa na ako sa pagmumukha nila. Taon-taon na lang... Charot lang.


"Bakit 'di pa bukas 'tong classroom natin?" tanong ko sa mga kaklase ko.


"Ewan ko ba, bukas na sa iba samantalang dito satin, sarado pa." rinig kong saad ni Tonyo.


"Mukhang pag iinitan na naman tayo." Rinig kong saad ni Rhea.


"Ano pa 'nga ba?" Rinig kong pagsang-ayon ni Kris.


"Tsh, di bale, ako na ang kukuha ng susi 'dun sa faculty room. Pag inaway kayo ng ibang section, magtimpi na lang kayo, huwag niyo ng patulan." Paalala ko sa kanila saka naglakad papunta sa faculty room.


Habang naglalakad ay naririnig ko ang bulungan ng mga bubuyog.


"Isn't she in the section F?"


"Yeah, she is."


"She has a gut to walk in this hallway huh?" Kung may iba pang daan papunta sa faculty, edi dun na sana ako dumaan.


Ilan lang yan sa mga bulungan na narinig ko pero 'di ko na pinansin. Nang makarating ako sa faculty ay bumungad saakin ang mga ssg officers. Mukhang pinatawag sila dahil mukhang may sinasabi si Ms. Asuncion.


Kumatok ako at saka naman sila sabay-sabay na tumingin saakin.


"Pasensya na ho sa abala, pero saan po pwedeng makuha yung susi ng section F?" tanong ko.


"Oh, dinistribute na yun sa mga adviser ng each section. Anong year ka ba?" tanong saakin ni Ms. Asuncion


"4th year po."


"Sa pagkaka-alam ko ay na kay Sir Fajardo yun. Wait, tatawagin ko lang." Sir Fajardo, bago sa pandinig ko. New teacher siguro.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tough but FragileWhere stories live. Discover now