Agape (One Shot)

72 8 8
                                    

"Happy 5 months, baby. Mahal na mahal kita. Hindi ko alam paano, hindi ko alam bakit. Basta ang alam ko lang ay hindi ko kaya ang mawala ka.."

Hindi ko na mapigilan 'yung mga luha ko, at nag-unahan na ang mga ito sa pagbagsak.

Mahal na mahal ko siya, oo. Nung unang beses ako nagmahal, nasaktan ako nun. Sobra ko kasi binigay sa lalaking 'yun ang lahat ko. Katulad ng mga ordinaryong love story na naririnig niyo, tanga din ako.

"Mahal na mahal din kita, Jared."

Sagot ko sakanya habang kinuha ko 'yung flowers na hawak niya at niyakap siya.

Humarap ako kay Kate, sa bestfriend ko, at nginitian ko siya. Ngumiti siya pabalik pero parang iba. Alam ko na masaya siya para sakin, para samin. Pero hindi ako sigurado kung namamalik mata ba ako sa nakita ko sa mga mata niya.

Nasasaktan ba siya?

I disregarded my thoughts. Humarap ulit ako kay Jared tumingin sa mga mata niya at ngumiti.

"Hay nako ang corny na naten! Tara na nga!" Sabi ko na ikinatawa niya.

Umakbay siya sakin at nagsimula na kami maglakad papunta sa sasakyan niya, pero nung nakita ko si Kate, nilapitan ko muna siya.

"Bruha! Bwiset 'yung Jared na 'yon, pinapaiyak ako."

Nakangiti lang ako sakanya habang siya busy na nakayuko na para bang 'di mapakali.

"Kate? Okay ka lang ba?"

Di siya kumikibo pero tumitikim lang siya. Ano ba nangyayari sa babaeng 'to?

"Kate?" Hinawakan ko na 'yung mukha niya at itinaas para makita.

And her tears started to fall.

"Ohmygod! Kate? Bakit ka umiiyak?!"

Ngumiti lang siya ng mapait at napayakap sakin. Hinagod ko 'yung likod niya habang pinapatahan siya.

"Shhh. It's alright. Andito lang ako.."

Humihikbi lang siya, na tila pinipigilan 'yung hagulgol niya.

"I'm Sorry, Nicole. I'm sorry. I'm really sorry. Sorry, sorry talaga.."

"Kate, ano ba nangyayari sa'yo? Bakit ka nagpapasorry? Please sabihin mo sa'kin."

"Nicole, si Jared. Mahal ko siya, Nicole, mahal ko siya."

Natulala ako sa sinabi niya. Wait, Mahal?

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Siya 'yung matagal ko nang na-kwento sa'yo. Nicole, siya si Jayjay! Simula nung pinakilala mo siya sakin bilang manliligaw mo, maniwala ka gusto kong sabihin sa'yo. Kaso lang, kaso lang kasi nakikita ko na gusto mo din siya kaya mas.. mas pinili kong manahimik at s-sarilihin nalang.."

Tumigil siya sa pagsalita at huminga ng malalim.

"Nicole makalipas ng ilang buwan niyang panliligaw, balak ko na sabihin sa'yo. Kaso lang, kaso lang 'yon 'yung araw na sinagot mo na siya."

"Kate, ano ba pinagsasabi mo?"

"Nicole, maniwala ka sakin. Pinigilan ko. Pinigilan ko 'yung sarili ko. Gusto ko magparaya kaso lang, Nicole, Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.."

Lalo pa siyang nanghina at napaupo siya sa semento. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pakulo lang ba ni Jared to? Baka naman 'di pa tapos 'yung surprise niya? Please tell me na hindi totoo lahat 'to.

Agape (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon