Sana'y di nalang kita nakilala, minahal kita kahit ganyan ka.
Hindi kita sinusumbatan ngunit minsan hindi ko maiwasang tanunging ang sarili ko.
Hindi ba ako naging sapat? May pagkukulang ba ako? May nagawa ba 'kong kasalanan para maging dahilan upang iwanan mo 'ko?
Sabihin mo sakin, aayusin ko. Pupunan ko, pero hindi ko na pala magagawa 'yun dahil lahat ng pinaplano kong gawin, nagawa na ng iba.
Anong magagawa ko? Sa tuwing tinatawagan kita palagi kang may dahilan. Kaya papano ko mapupunan ang lahat ng sinumbat mo sakin kung ang lahat ng oras na hinihingi ko sayo binibigay mo pala sa iba?
Minahal kita kahit alam kong nasa kanya pa rin ang puso mo, sumugal ako kahit alam kong talo na 'ko.
Alam mo kung bakit?
Dahil ayaw kong makita kang umiiyak sa tuwing nahuhuli mo syang may kasamang iba.
Sumugal ako kahit alam kong hinding-hindi ko sya mapapalitan dyan sa puso mo.
Alam mo kung bakit?
Dahil alam kong kahit pansamantala lang, makakalimutan mo sya—hindi naman ako nabigo.
Nung una palang alam ko ng hindi permanente itong relasyon natin pero kahit ganun? Masaya ako na kahit pansamantala lang, nasabi kong akin ka.
Nung una palang tanggap kona na dadating ang araw na bibitaw ka rin sa pagkakahawak ko.
Pero hindi ko inaasahang ngayon pala ang araw na yun.
Sana'y pala hindi nalang kita nakilala.
______________________________________________
DECEMBER 20, 2021
MONDAY.