Aezeria, Eopia
Akearose, School of Magics Year X921
My thoughts were cut when she stood up.
"Well, see you at the academy hall, Lady Clarimont." She and I bowed as we bid goodbye to each other before she disappeared from my sight.
-----
"Time is up! The second exam is over. Please exit the forest immediately. Again, please exit the forest immediately." Sabi ng boses na nag-eecho sa kagubatan.
"After being assisted by the aid team, please proceed to the academy hall as we announce the students who passed. Again... Please-..." Paulit-ulit na sabi ng emcee.
Nagteleport ako sa isang puno na pinakamalapit sa exit o ang pinaka-gilid ng barrier. Bumaba ako sa puno at pinag-pagan ang sarili.
Nang makalabas na ako, marami akong nakita na examinees na nakahandusay sa stretcher, ang iba naman inaalalayan ng mga kaibigan at idinadala sa mga aid teams para pagalingin.
May mga bakanteng upuan na nakakalat kung saan-saan. Umupo ako sa isa sa mga roon at nagpahinga.
I feel sticky. Ganito ba ang itsura namin papunta doon?
"Pft. Of course not. Here." May narinig akong hindi pamilyar na boses. Titingala na sana ako nang bigla akong buhusan ng isang balde ng mapreskong tubig.
I froze as the water dripped down and felt cold being blown by the wind.
"#??!!@*&!" Sunod-sunod akong napamura at galit na hinanap ang may ari ng boses na iyon.
May nakita tumatakbo palayo na isang lalaki, malakas na tumatawa.
Bigla naman na may lumapit akin na dalawang babae, isang may mahabang straight buhok, at isang kulot na hanggang leeg lamang ang haba.
Para silang magkamukha pero hindi masyado. Magkapatid ba sila?
"Hindi. Hindi po kami mag-kapatid. Pinsan ko po siya. Kapatid ko po yung gumawa sayo niyan. Pasensya na." Binigyan ako ng babaeng kulot ng isang makapal at tuyong towel para ipamunas.
Nakita kong nawala ng saglit yung babaeng straight ang buhok.
"Pasensya na talaga. Mahilig ang kapatid kong paglaruan at i-prank ang mga tao dahil sa kapangyarihan niya. Dapat sa ibang paaralan na lang kami pumasok." She said 'I'm so done' in other words.
"ARAYYY!!!"
Napunta ang atensiyon naming dalawa sa sumigaw. Nakita kong papalapit sa amin ang babaeng nawala kanina --
kinakaladkad papunta dito ang kapatid ng babaeng nasa harap ko, which is yung lalaking tinapunan ako ng isang baldeng tubig.
"MASAKET SABI EH! BITAWAN MO KO! HOY, IKAW TULUNGAN MO KO DITO!" Tumawag siya ng kung sinong dumdaan para kumuha ng tulong pero hindi lang siya pinansin.
"Mag-sorry ka. Bigyan kitang sakit sa utak, gusto mo ba yon, HA?! Dali. Mag-sorry ka. Tsk. Tsk. Abuso sa kapangyarihan. Bibigyan talaga kita ng sakit sa utak kung hindi ka aayos at hindi mo gamitin sa tama yang mind-reading mo." Rinig naming sabi ng babaeng straight ang buhok sa kinakaladkad niya.
"Masusunod po, master Rosia. Ayaw kong masira kapangyarihan ko dahil sa kagagawan mo." Pagsuko niya sa kanya ngunit ramdam kong labag pa rin sa kalooban.
"Sorry."
"It's fine. Nagulat lang naman ako." These are words that came out of my mouth but what I said is:

BINABASA MO ANG
Akearose Academy: School of Aezeria
FantasyHeirs and Heiresses. Kingdoms and Worlds. Mortals and Magicians. Signs and Prophecies. Enemies and Heroes. "Tell me, Lady Clarimont. Am I the hero or the foe?" -xxxxxxxxx xxxxx