Incubus Sa Bahay

6.9K 50 12
                                    

"An incubus (nominal form

constructed from the Latin verb,

incubo, incubare, or "to lie upon") is a demon in male form who, according to a number of 

mythological and legendary traditions, lies upon sleepers especially women, in order to have sexual intercourse with them. An incubus may pursue sexual relations with a woman in order to father a child."

Itong kwento ko ay continuation nung mga pagpaparamdam sa nilipatan naming bahay. Matapos targetin ang nanay at kuya ko, ang next target naman nila ay yung bunso sa amin.

May kagandahan yung bunso namin, pero nakakapangit yung ugali nya dahil spoiled (totoo yung mga quotes na ganun), at maliban dun ay napaka active ng third eye nya. Siguro yun ang nagiging dahilan para maging 'lapitin' sya. Kasi maliban sa kinuwento kong "Top Hat Man" dito sa page na ito, ay meron pa syang ibang naranasan.

Isang umaga ng linggo, kung kailan tamad bumangon ang lahat ng tao sa amin, nakaranas ang kapatid ko ng kakaiba.

Natutulog kami ng kapatid ko sa iisang kama, mahimbing kami pareho nun. Naalimpungatan yung kapatid ko kasi nakaramdam sya ng bigat sa dibdib nya. Hindi agad sya nakagalaw dahil yung bigat na naramdaman nya sa dibdib ay umabot na hanggang hita, hindi lang yun, talagang pini-pin down pa sya lalo sa kama.

Tuluyan na syang nagising non, medyo nahihirapan na din sya sa paghinga, ginawa nya ginalaw nya yung braso at kamay nya para abutin ako, di naman kasi kalayuan yung pagitan sa amin. Naabot naman daw nya ako at kinilabit, pero wa epek daw sa akin.

Naging mabigat lalo yung pagdagan sa kanya at may narinig syang nagagalit na aso sa tapat ng mukha nya (grrrr...), pero wala syang makitang nakadagan sa kanya, at unti unti pa itong nagpapabigat sa katawan nya. Sa pagkadesperadang gisingin ako, niyugyog na nya ako, pero dahil tulog mantika katabi nya, naging wa epek pa din.

Dahil walang kwenta ang pag gising sa katabi nya na tanging makakatulong sa kanya, nag plan B agad sya, ginalaw galaw nya ang buong katawan nya, at sinabayan nya na self prayer. Paulit ulit nyang ginawang rocking boat horizontally ang katawan nya at dasal. At unti unti ngang nawala yung bigat, pero yung takot na naramdaman nya ay di pa din mawala.

Maya maya, bigla daw may GROWL na nakakabingi sa tapat ng tenga nya, sa takot at gulat, tinalon nya yung side ko para mapunta sya sa pinaka gilid, at dun na ako nagising. Pinabukas nya agad sa akin yung ilaw at pagkabukas na pagkabukas, inaway ako.

Hindi ko sya masabayan sa badtrip nya dahil hindi ko maintindihan yung nangyari sa kanya, hanggang sa nagkwento na nga sya sa akin. Kitang kita ko yung takot sa kanya, at badtrip na badtrip daw sya sa akin kesyo tulog mantika daw ako, ang hirap ko daw gisingin. Inaway talaga nya ako, hahahaha..

Ang di nya alam, at hindi ko nasabi sa kanya nananaginip ako non. Sa panaginip ko, nasa kwarto ako, nasa kama at nakahiga ako ng patagilid, nasa likuran ko yung kapatid ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari pero bigla ko na lang naramdaman na bumigat yung sa may likuran ko, yung tipong parang may umupo o tumayo sa tabi ko, kung iisipin eh nakahiga na yung kapatid ko dun, paano pa bibigat yun diba? Tapos no'n may kumalabit sa tagiliran ko, sa panaginip ko lilingunin ko sa na yung kumalabit pero di ako makagalaw. Maya maya, kuko na yung nararamdaman kong pangkalabit! Natatakot na ako no'n at gusto kong magising, patuloy pa din kasi yung pangangalabit, umaabot na sa tyan ko yung kuko at nasasaktan na ako - hanggang sa talunan ako ng kapatid ko at dun na ako nagising.

Kung ano yung posisyon ko sa panaginip ko, yun din ang posisyon ko nung nagising ako. Kahit hindi na ako natatakot, ang lakas naman ng kabog ng dibdib ko. Nung nagkwento na sya, saka ko lang naintindihan ang lahat.

Ibigsabihin lang nun, habang may nangyayari sa kapatid ko sa conscious level nya, may nangyayari din sa akin sa sub-conscious level ko, at parehong hindi maganda.

Incubus Sa BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon