I Didn't Survive

16 5 1
                                    


Nandito ako ngayon sa sasakyan, sumama ako sa papa ko na sumundo sa mama ko kasi wala naman akong gagawin sa bahay at ako lang mag isa ang maiiwan. Alas Dies y media  ng makarating kami sa hospital na pinagtatrabahuan ng mama ko sakto lang para makapagpahinga pa kami kahit sandali dahil alas onse rin ang off duty ng mama ko.

Habang naghihintay kami na pumatak ang alas onse para mag time out na ang mama ko at para makauwi na kami, nagpaalam muna ako kay papa na umupo sa malapit na bench sa gilid malapit sa parking lot ng hospital.

Maraming halaman sa likod ng bench at may hagdanan sa gilid papasok sa kabilang wing ng hospital. Habang nakaupo naisipan kong mag cellphone nalang muna dahil wala naman akong ginagawa kundi umupo lang at hindi pa naman ako inaantok at kung nagpaiwan ako ay ako lang din naman mag isa dun kaya naisipan ko nalang na sumama.

 Napagpasyahan kong bumili nalang muna ng makakain sa tindahan sa tapat ng hospital sa kabilang kalsada. Habang papalabas ako ng gate ng hospital I heard the siren of Ambulance. "Aksidente siguro 'to" sabi ko pa at nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa kabilang kalsada para bumili.

 Habang nasa tapat na ako ng tindahan hindi ako makapili kung ano ang gusto kong bilhin kaya medyo natagalan pa ako sa pagpili. "Ate wala na ba kayong ibang flavor niyang piattos?" Tanong ko sa tindera "yung piattos cheese lang talaga yung available dito tapos yung cornetto naman cookies and cream at rocky road nalang" sagot naman ng tindera sa akin pabalik. "Sige po ate cheese nalang tapos yung cookies and cream na cornetto". Nagbayad na ako at tumawid ng kalsada pabalik.

Habang papalapit ako sa inupuan kong bench kanina I saw someone sitting there. So I don't mind and sat beside him at nilamig ako ng bongga, though malamig naman talaga kanina pero mas lalong lumamig nung naupo ako sa tabi niya hindi pa naman ako naka jacket, naka t-shirt at jogging pants lang ako. Nang makaupo ako ay nginitian ko siya at inalok ng pagkaing binili ko but he refused, nginitian ko nalang siya ulit at kumain. I felt awkward na that time kaya hindi ko na napigilan na kausapin siya.


"Hi, may sinundo ka rin ba dito o bantay ka ng pasyente?" Tumingin lang siya sakin at umiling sabay ngiti, ngunit ngiting pilit mukhang hindi siya masaya. Mukhang masungit. Kaya kinuha ko nalang ulit ang cellphone ko at nag open ng social media. Habang nag sscroll ako sa twitter biglang nag text sakin si papa na baka medyo matagalan daw makalabas si mama kasi may emergency and critical pa daw yung nasa ER (emergecy room) so I replied "okay" ito siguro yung dala ng ambulance kanina. 


Lumipas ang mga minuto at hindi ko namalayan na naubos ko na pala ang kinakain ko, wala pa akong tubig nakalimutan kong bumili haha tanga ko pala. Tahimik pa rin ang katabi ko at wala yata talagang balak na magsalita. Kaya tinanong ko siya ulit "Anong pangalan mo?" Nginitian niya ulit ako hindi siya sumagot kaya tumayo nalang ako at laking gulat ko ng magsalita ang katabi ko "Drich, Aldrich" nilingon ko siya at sinabihan ng "ganda naman ng pangalan mo haha btw ang gwapo mo. O sige bibili muna ako ng tubig drich" paalam ko sa kanya at pumunta sa loob ng hospital at nagtungo sa pharmacy para doon nalang bumili ng tubig. Feeling close na kung feeling close pero ang ganda talaga ng name niya haha. 

So nung nakarating na ako sa harap ng Pharmacy bumili na ako ng tubig at kilala ko yung nakaduty sa pharmacy kaya nagkwentuhan pa kami. Tawang tawa na kami sa pinag kukwentuhan namin ng biglang bumukas yung window na nakaconnect sa E.R at nagrequest ng 5 cc syringe so yung naka duty sa pharmacy nag excuse muna at kinuha ang nirerequest ng ER pero ako nanatili ako sa labas pero nakabukas yung bintana na binibilhan kaya naririnig ko mga pinagsasabi ng nasa loob ng ER "critical na po masyado ang pasyente any minute mababawian na 'to ng buhay" yan ang mga naririnig ko kaya lumabas nalang ako bumalik na sa Bench sa labas pero nung nakarating ako sa Bench wala na doon si Aldrich ngunit may nakita akong papel na napatungan ng maliit na bato sakto lang para hindi tangayin ng hangin.

 Hindi ko muna pinansin ang papel at bato at umupo nalang. Palinga linga pa ako sa paligid baka andyan lang si Aldrich sa tabi tabi at baka umihi lang. binilhan ko pa naman siya ng tubig kasi ang putla niya. Out of curiosity I took the paper and read it "I DIDN'T SURVIVE" yan ang nakasulat sa papel, nilukumos ko yung papel pero hindi ko muna tinapon at pinaglaruan ko pa sa kamay ko. 

Ilang minuto lang din nakita ko na rin si Mama na papalabas ng Hospital at pumunta na ako sa kanya. Habang nasa sasakyan kami pauwi, pinag uusapan nila mama at papa ang Aksidente kanina, tama pala ako aksidente kaya nakinig lang ako sa kanila habang nasa byahe. "Sayang ang gwapong bata, mabait pa pero hindi mo talaga malalaman kung hanggang kailan ka nalang" rinig kong sabi ni mama.

 Nakuha tuloy ang atensyon ko at tinanong ang pangalan ng namatay "Ma, ano pangalan ng pasyente niyong naaksidente?"

 "Aldrich, Aldrich Torres" biglang tumayo yung mga balahibo ko at napatingin ulit akong muli sa papel na hawak ko at binasang muli "I DIDIN'T SURVIVE" hindi ko alam kung ano mararamdaman ko, takot ba o lungkot. Pero hindi ko inakala na tutulo yung luha ko. Kaya pala, naintindihan ko na, Yung ibang klaseng lamig, yung ngiti niyang pilit at biglang pagkawala niya sa bench kanina. Napatingin naman ako sa Mineral water na binili ko kanina at ngumiti sabay sabing "goodbye Drich, kahit ilang minuto lang kitang nakilala".

 Sayang, sayang talaga . Nasasaktan ako sa sinapit ni Aldrich pero wala na akong magagawa hanggang doon nalang talaga siya siguro, kaya babauinin ko nalang itong bilang aral na pahalagahan ang buhay and sieze the moment because  we only live once.

 THE END

I Didn't Survive (ONE SHOT)Where stories live. Discover now