Prologue

11 4 3
                                    

It is a sunny day. Ang ganda ng sinag ng araw na tumama sa aking paa. Nakangiti akong bumangon mula sa aking kama at nagtungo sa banyo para makapaghilamos muna. Agad akong dumiretso sa kusina dito sa condo ko para makapagalmusal. Espesyal ang araw ngayon kaya dapat ay hindi ako malate sa pupuntahan ko. I never imagined that this day will come. Akala ko noon ay hanggang panaginip lang ito at hindi ko inaasahan na posible pala ito mangyari sa akin. Nagluto lang ako ng fried rice, eggs, at bacons. Matapos mag-almusal ay naglinis ako ng condo incase na may dumating na bisita. Hapon pa naman ang event na pupuntahan ko kaya mahaba pa ang oras ko para makapaghanda. I checked some emails on my phone to see if there are any important files to be sent. Ayaw ko na may pending ako lalo na kapag ganito na may pupuntahan ako.

I was busy scrolling on my social media when I heard a knock. I immediately went to the door to who is it.

"Bro, handa ka na ba mamaya?" Aeron came.

"Oo naman. Ako pa ba?" natatawang saad ko.

"Talaga lang ah?" he smirked as make his way to the couch.

"Do I look like a joke to you?" I asked. Baka iniisip niya na nagbibiro lang ako.

Totoo naman na handa na ako para mamaya. Excited pa nga ako eh.

"We've been friends since highschool Jae, you can't fool me," he seriously said. I just sighed.

"I'm nervous but believe me, I'm really ready," I told him smiling.

He just shrugged and turned on the tv. I just kept silent and let my mind have some thoughts running through it. I smiled bitterly as I remember some moments which I thought will last. Nakakatawa mabuhay, diba? Life won't always make you feel happy. Mas madami pa nga yung sakit na pinaparamdam niya kaysa sa saya. Why is the world making me feel that choosing happiness is something sinful? Tao rin naman ako, may karapatan naman siguro ako sumaya rin katulad ng iba. I stopped reminiscing when my phone beeped. I checked on who sent me a message.

From: Kaelyn

I'm still hoping you'd make it later.

I placed my phone on silent mode and didn't bother to send her a reply. I'm too busy remembering everything that I've been through. Since that day happened, I started looking back on those moments where I felt loved and special. Lalaki ako pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako pwede makaramdam nang kung anong mga nararamdaman ng mga babae, it's just that I'm not vocal about it. My thoughts stopped circling once again because the guy beside me disturbed my quiet time.

"Sa tagal mong nakatulala dyan nakatapos na ako ng isang movie. Wala ka pa ba plano mag-ayos? Malayo ang magiging byahe natin,"

I checked my phone and it's almost 11 am. 2 pm ang time nung event kaya dapat lang nga na mag-ayos na ako at baka matraffic din kami papunta roon.

"Magluto ka na lang ng pwedeng lutuin dyan. Hindi naman kailangan marami dahil hindi rin naman tayo magtatagal sa pupuntahan natin. Kumain na lang tayo pagkagaling natin doon," seryosong saad ko at nagtungo na agad ako sa bathroom sa kwarto ko. Napapangiti ako habang dinadama ang ang tubig na tumatama sa ulo ko pababa sa katawan ko.

Ito na ang araw na hinihintay ko. Ito na yon! Kaya mo yan Jae. Kakayanin mo iyan.

Mabilis kong tinapos ang pagligo at agad na pumili ng polo at coat na isusuot. White at pink ang theme nung event na pupuntahan ko. Kinuha ko ang isang plain white na polo ko at isang baby pink na coat at slacks. Napangiti ako nang maisip na ito ang paboritong kulay niya.

"Matutuwa siya kapag nakita niya ito,"

Agad ko itong sinuot. Isinuot ko na rin ang sapatos ko bago nagtungo sa harap ng salamin para ayusin ang buhok at tie ko. Formal ang event at ayaw ko naman magmukhang katawa-tawa sa mga bisita.

"Brad, lakasan mo lang ang loob mo," tinapik ni Aeron ang balikat ko.

"Salamat sa pagsama sa akin papunta sa Tagaytay,"

"Basta ikaw, walang salitang hindi," nakangiting sagot niya sa akin.

Agad kaming nagtungo sa parking lot kung nasaan ang condo ko. Pagkapasok namin sa kotse ay may inabot siya sa akin na sandwich.

"Ayan lang ginawa ko kanina. Alam ko naman na sa sobrang excited mo hindi ka na makakakain pa ng kanin," nakangiwing saad niya.

"Salamat," kinuha ko ang sandwich at agad na sinimulan ang pagkain.

Habang nasa daan ay hindi ko maiwasan hindi maisip kung ano ang mga posible na mangyari mamaya. Ayaw ko ipahalata kay Aeron kung ano ang nararamdaman ko talaga. Baka batukan na lang ako nito bigla. Mabilis lang ang naging byahe namin papunta sa simbahan. Sakto lang ang oras ng dating ko. Pinagmasdan ko muna ang paligid ng simbahan. Ang aliwalas at ganda. Hindi talaga siya nagkamali sa pagpili ng simbahan. Napangiti ako sa aking naisip.  Agad akong naglakad papasok habang naghihintay sa tao na kanina ko pa gustong makita. Si Aeron naman ay naghanap ng mapupwestuhan habang naghihintay sa akin. Maya-maya lang ay nakangiti kong pinanood ang entourage na maglakad papasok. Ang gaganda ng mga suot nila at halatang masaya sila sa nangyayaring okasyon. Ilang saglit pa ay isinara nila ang pinto ng simbahan. Mukhang nasa labas na siya at naghahanda sa engrandeng pagpasok niya. Agad na namuo ang mga luha sa mata ko. Kasabay ng pagbukas ng pinto ay siyang pagpatak ng luha ko. Ang ganda niya sa suot niyang off shoulder na wedding gown. Simple lang ito at may kahabaan ang hila niya sa likod. May suot man siyang belo ay kitang kita ko ang saya sa mga mata at ngiti niya. Tahimik akong lumuluha habang pinapanood siyang ihatid ng magulang niya sa lalaking pakakasalan niya.

That should be me. That guy should be me.

Naikuyom ko ang kamao ko habang pinapanood sila at ninanamnam ang sakit. Akala ko ay naihanda ko na ang sarili ko pero kahit anong paghahanda pala ang gawin ko, hinding hindi mawawala yung sakit na nararamdaman ko. Hinding hindi ko magagawang alisin nang gano'n na lang ang lahat ng iyon dahil kahit matagal na ay masakit pa rin. Hindi ko pinaalam kay Kaelyn na pupunta ako sa kasal nila dahil ayaw ko na manggulo pa. Gusto ko lang makita na maging masaya siya sa lalaking pinili niya. Tahimik kong pinakinggan ang seremonyas ng kasal.

"I never thought that love can be this great. Meeting you unexpectedly is something I'll be thankful for my whole life. We've shared everything, from pain to joy. From highs and lows. I'm thankful to the Lord that He gave me someone who stayed even when my life became a mess. I know I was difficult to handle but you never gave up. You made me believe that fairytales can be felt in reality. I'll always choose you and love you unconditionally,"

Hearing those words from her breaks my heart more into pieces. Guilt, pain, sadness, regrets, little by little are filling me up.

I should not have let you go. I should have kept you in my arms.

It's too late. I can do nothing other than to regret the things I should have done for her not to get out of my life. She's already in another man's life and I can do nothing about it but to cry all the pain out. How stupid of me to let that lady go. Siya lang yung nandyan noong kailangan ko ng karamay sa masasakit na nangyayari sa buhay ko. She's always there cheering me up when I'm losing hope in achieving my goal. She's the girl I took for granted just because I thought she will never stop loving me. But she did.

I went out of the church and went inside the car. Doon ko iniyak lahat ng sakit. Sariwa pa rin yung sugat na nasa puso ko at hindi ko alam kung hanggang kailan iyon mananatili doon.

It kills me seeing her wearing a wedding dress and getting married with some other guy.

Wedding DressWhere stories live. Discover now