Prologue.

11 8 1
                                    

"please...wag mo akong iwan..."pakiusap ko sa kanya habang hawak ang kanyang mga paa para hindi tuluyang umalis,pilit nyang tinatanggal ang kamay ko mula sa pagkakapit sa kanyang paa.


"Let me go!"sigaw nya.


"ano bang nagawa ko para iwan mo ako?please sabihin mo sa akin aayusin ko,wag mo lang akong iwan..."walang tigil ang aking hikbi habang sinasabi ang mga salitang yun.


"I don't love anymore"simpleng salita pero ang lakas ng tama sa akin,kaya nabitawan ko ang kanyang paa na kanina hawak ko.


Mga salitang ayaw kong marinig mula sa kanya.


tumingala ako para makita sya ng maayos dahil naka-upo ako.


"Ganon na lang yun?ganon-ganon na lang?"tanong ko habang tumatayo para mapantayan ko sya,umiwas sya ng tingin.

"Ganon na lang yun after 5 years Gino?Minahal mo ba talaga ako?"naghintay ako ng ilang minuto para marinig ang kanyang sagot pero wala,wala akong narinig mula sa kanya.


"Sumagot ka!"lumapit ako sa kanya at pinagha-hampas ko sya.


"Bakit ganon ang dali mo lang sabihin?samantalang ako iniisip ko pa kung anong sasabihin sayo para hindi ka masaktan,bakit pagdating sa akin ang dali?ganon lang ba ako kadaling saktan?"nanghihinang tanong ko sa kanya.


Unti-unti akong lumayo sa kanya at umupo sa kama.


"Baka nga hindi mo talaga ako minahal"napapagod kong sabi.


"baka nga hindi kita deserve"tango-tangong kong sabi.


"kunin mo na ang lahat ng gamit mo at umalis ka na"


"hery-"pinatigil ko sya gamit ang kamay kong nakaturo sa kanya.


"Please..."pakiusap ko sa kanya.


alam kong may gusto pa syang sabihin pero pinigilan nya ang sarili nya.


Matapos nya kunin ang lahat ng gamit nya dito sa kwarto ko ay lalabas na sya pero may huli akong sinabi na sinisigurado ko na hindi nya makakalimutan sa buong buhay nya.


"I love you Geno but you don't love me anymore,thats okay, atlist i told you how i really feel about you,you can go now,Be happy"huli kong sabi bago sya tuluyang umalis

Accidentally in love.Where stories live. Discover now