"Hindi ko mawari kung bakit ganito ang iyong ginagawa? Hindi mo ba ako minahal?"
"Minahal! Mahal kita sa higit pa ng iyong inaakala."
"Eh bakit ganoon? Bakit ganito? Gaano mo ko kamahal para mo ko iwanan?"
"Hindi mo ba maintindihan Amaya? Pareho tayong," Mariin na pumikit muna si Marabella at umiling. "Parehas tayong babae."
"Kailan pa iyon humadlang sa atin Marabella? Bakit ngayon mo pa iyan naisip, sa dami nating pinagdaanan. Sa ilang gabi nating pag takas para lang makapag kita?"
"Walang makakatanggap sa atin Amaya. Muntikan na malaman ng iyong ama, muntik na tayong mahuli! Hindi ka ba natatakot?"
Malungkot na tinignan ni Amaya si Marabella, "Bakit ako matatakot kung kasama kita."
Napatahimik si Marabella at tinitigan si Amaya. Pinipigilan niyang pumatak ang kanyang mga luha. Pilit niyang kinigat ang labi upang huwag humikbi.
Hindi niya kayang ipahamak si Amaya. Kung ang relasyon nila ay ang rason ng pagkalugmok niya, ng pagkasira ng relasyon sa pamilya niya mas mabuting hiwalayan ni Marabella si Amaya.
Ayaw niyang maging instrumento kung bakit kinamumuhian si Amaya ng kanyang mga magulang.
"Sino ba naman ako Amaya. Hindi ako mas mahalaga kaysa sa iyong mga magulang, ang iyong pamilya."
"Ikaw ang mahal ko Marabella. Sino ka pa ba kung hindi si Marabella Abalos. Ang aking tinatangi, ang aking buwan. Ikaw ang nagsisilbing liwanag sa madilim kong buhay. Hindi ka man sanay magsabi o makarinig ng mga ganitong salita pero tunay ang aking sinasabi. Marabella, kaya kong itaya ang lahat, mahalin ka lamang."
"Amaya," Naputol ang pagsasalita ni Marabella ng may marinig silang ingay ng pagkasira ng kandado at isang sigaw.
"Amaya del Rosario! Alam kong nandiyan kayo! Ipakita mo ang walang hiyang bruha!" Rinig na rinig nilang dalawa ang sigaw ng tatay ni Amaya. Ito na nga ang kinakatakutan ni Marabella.
"Sinasabi ko sayo Amaya!"
Aligaga na si Marabella nang mahagilap ng kanyang mata ang tatay ni Amaya na may dalang itak. Nang siya ay tumingin kay Amaya, nakita niya na kalmado lang ito habang tinatanggal ang suot na kwintas.
"Ano ang ginagawa mo?" Hindi makapaniwala na tanong ni Marabella.
"Alam mo naman ang labasan sa likod ng mga rosas hindi ba? Sa agusan ng tubig, sundan mo iyon hanggang sa may makita kang daan."
Bahagyang ngumiti si Amaya at binigay ang kwintas kay Marabella.
"Hindi kita iiwan dito." Madiin na sabi ni Marabella at tila napatawa si Amaya.
"Kanina lang gusto mong makipaghiwalay ngayon ayaw mong umalis?"
Hinaplos ni Amaya ang mapulang pisngi ni Marabella. Tinitigan niya ito sa mata.
Hindi makatitig ng maayos si Marabella ngunit ang mga mata ni Amaya ay sobrang lawak, puno ng pagmamahal. Ang daming emosyon sa loob ng kaniyang mga mata, hindi na matapatan ni Marabella.
"Sa susunod na habang buhay Marabella. Tayo pa rin sana." Ngumiti si Amaya at tinanggal ang kanyang mga kamay. Unti-unti siyang humakbang patalikod.
"Pumapayag na akong makipaghiwalay sayo. Mahal kita, tandaan mong maliwanag ang buwan kahit walang mga bituin."
"Amaya! Pagbilang kong tatlo! Isa!"
Walang magawa at masabi si Marabella. Ayaw niyang umalis, ngayong nakita niyang bumitaw si Amaya. Ayaw niya na, pero bakit nakapako pa rin ang kanyang mga paa.
"Ang aking ama talaga. Masyadong nadadala sa bugso ng damdamin." Natatawa na sabi ni Amaya. Ngunit kitang-kita sa kanyang mga mata ang lungkot.
"Amaya." Malumanay na sabi ni Marabella.
"Dalawa!"
"Umalis ka na, sige na." Ngiting sabi ni Amaya at dahan-dahan siyang tinutulak palayo.
"Pag sinabi kong tatlo hindi mo magugustuhan ang magagawa ko Amaya!"
Hirap nang huminga si Marabella, tumutulo na ang kanyang luha habang tinutulak siya ni Amaya.
At pagkasabi na pagkasabi ng tatay ni Amaya ng tatlo, siya ay natapilok sa daanan ng mga rosas at gumulong palabas ng hardin.
Nahinto siya ng isang malaking bato malapit sa agusan ng tubig. Hinigpitan niya ang hawak sa kwintas habang siya ay nakahiga sa damuhan.
Ramdam niya ang sakit ng kanyang buong katawan. Ngunit hindi ito maikukumpara sa sakit ng nararamdaman niya ng maisip na hindi na niya muli makikita at makakapiling pa si Amaya.
Hindi iyon maikukumpara sa sakit nang makita niya na walang sinag ang buwan ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Amaya at Marabella
FanfictionMikhaiah AU -- Oneshot Oneshot + 1 chapter Amaya - Aiah Marabella - Mikha Disclaimer: This is strictly fictional. Everything in this story does not relate to the characters'/portrayers' real lives. I do not claim ownership over BINI and I do not ear...