pangalawa

599 21 4
                                    

"Hindi ako papayag, hindi ako aalis dito."

Si Marabella ay tinatanggal ang kaniyang mga gamit mula sa kahon na inayos ng kaniyang tatay. Gusto siyang ipadala sa ibang bansa nang nakakuha ng koneksiyon ang tatay niya na makasakay ng barko.

"Marabella! Makikinig ka sa akin ngayon din! Isauli mo yang mga gamit."

"Tay!"

Ang tatay ni Marabella, Si Jose, ay hinablot ang mga gamit na nasa kamay niya. Ramdam ang kaniyang inis nang sabihing, "Bakit kasi sa dinamidaming tao sa munod sa babae at sa isang del Rosario ka nagkagusto!"

Hindi makapaniwalang tumingin si Marabella sa kaniyang ama. "Ikamamatay ko ba kung magkagusto ako sa isang babae?"

Sa buong pagkabuhay ni Marabella hindi niya naisip na kailan man siya ay huhusgahan ng kaniyang tatay. Marahil si Jose ay madalas hinahayaan na matuklasan ni Marabella ang buhay. Maintindihin at isa pang manunulat. Marami siyang taglay na kaalaman, mga salita, at may karanasan siyang hinahangaan ni Marabella.

Si Jose ay tumingin sa kaniyang anak. "Hindi mo alam ang maaaring gawin ng mga del Rosario."

"Hindi ako hahayaan ni Amaya," panimula ni Marabella ngunit nagsalita muli si Jose. "Mapipigilan niya ba ang kaniyang ama? Magagawa niya ba?"

"Kung hindi man edi kamatayan sa kamatayan."

Binitawan ni Jose ang hawak na mga gamit at napahawak sa sentido. "Hindi mo alam ang pinagsasabi mo."

"Baka nga hindi itay, pero may isang bagay na sigurado ako. Ito'y alam ko ng buong buo. Sabihin mo na ang lahat ng gusto mo tungkol dito tay ngunit alam ko sa buong pagkatao ko na mahal ko si Amaya, del Rosario man o hindi."

"Ngunit ano pa ba ang iyong magagawa? Wala na kayo, pinakawalan ka na niya. Ano pa ba ang gusto mong mangyari? Hindi ka parin tatantanan ng tatay ni Amaya kaya mas mabuti at ika'y sumunod sa iyong mga kapatid! Mag aral ka sa Estados Unidos."

Binalik ni Jose ang mga magamit ni Marabella sa kahon at sinarado itong mabuti.

Walang magawa si Marabella kung hindi titigan na lang ang kanyang ama.

"Ganito na lang ba 'to tay? Wala na talaga akong magagawa?" Mangiyakngiyak na sabi ng dalaga.

"Ayoko siyang iwan. Alam kong natakot ako pero ngayong pinakawalan niya ako ayaw ko na siyang iwan. Tay kung nakita mo lamang ang kaniyang mga mata noong sinasabi niyang papakawalan niya na ako. Kung nakita mo lamang iyon! Maiintindihan mo."

Nag buntong hininga si Jose. Lumapit siya sa anak niya at niyakap ito. Tuluyan ng umiyak si Marabella sa balikat ng kaniyang tatay.

"Hindi ko maiintindihan kailan man kung ano ang pagmamahalan na mayroon kayo marahil ang pagmamahalaan sa pagitan ng dalawang tao ay magkakaiba anak. At alam kong mas gugustuhin ni Amaya na ikaw ay sumaya, na mag aral at maabot ang iyong mga pangarap. Kahit wala siya."

Humikbi si Marabella. Hindi na siya nagsalita at hinayaan siya ng kaniyang ama na humagulhol.

Walang may alam na aalis na si Marabella. Kahit ang mga kaibigan nila ni Amaya ay hindi niya sinabihan. Tahimik siyang umalis ng Pilipinas habang mahigpit na hawak ang munti niyang kwintas.

Nagiwan siya ng liham para kay Amaya. Iniwan niya ito sa hardin, nakatago sa may likod ng puno kung saan sila madalas magpalipas ng oras.

Binilin din niya sa kaniyang tatay na sabihin ito kay Amaya upang mabasa ng dalaga ang liham. Sana lamang ay hindi malaman ng ama ni Amaya.

Itim ang suot niya patungo sa ibang bansa. Itim parin ang suot niya nang siya ay makarating sa bago niyang bahay.

Kailan man ay hindi niya inalis ang kwintas sa katawan niya. Laging nakasabit sa leeg o lagi niyang hawak-hawak.

Amaya at MarabellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon