Simula

2 2 0
                                    

"Please stop, Lara! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? You look stupid!" Galit na galit na sigaw ni Lance sa'kin. Sumisikip ang dibdib ko sa pagpipigil na 'wag tumulo ang aking luha. Ayokong nakikita niya akong umiyak kaya hangga't sa makakaya ay pinipigilan ko at taas noong tumingala sa kanya.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng gym ngayon. Nagpa-praktis kasi sila ngayon ng basketball for the coming school fest. Hinila n'ya ako palabas kanina dahil siguro naiingayan na sya sa pagche-cheer ko sa kanya.

Yes! I am the certified C-R-A-Z-Y Lara Louisse Ignacio na gustong-gusto ang isang Lance Angelo Montenegro since high school. He's very popular in our school. He's doing very well in their class, top sya sa kanilang batch and he's the basketball captain. He's a graduating student sa kursong BS in Civil Engineering samantalang ako ay nasa third year college pa lang. I'm taking up the same course.

"What? I'm not doing anything wrong, Lance!" Maarte kong sagot sa kanya. Pilit na nilalabanan ang takot at kaba na aking nararamdaman dahil paniguradong makakarinig na naman ako ng mga masasakit na salita.

"I told you to stop everything, Lara! Are you not tired? Ilang beses ko na bang sinasabi sa'yo na tigilan mo na ang kahibangan mong ito! I only see you as a bestfriend of my sister!" Pagalit na sabi niya. As usual, ang sakit paring marinig ang salitang 'yan dahil ibig sabihin hanggang d'yan lang talaga ang tingin niya sa akin. He does'nt see me as a woman but only a bestfriend of his sister.

I fake a laugh para maitago ang kirot na aking naramdaman."Bakit ba galit na galit ka,ha?" Sabay lapit ko sa mukha nya na nakatingala dahil sa ang taas nya at hinahanap ang kanyang mata para titigan. He look at me seriously habang nakakunot ang noo. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal kaya agad akong bumitaw at nagkunwaring naiinitan at ipinaypay ang aking kamay.

"And what are you wearing? Really, Lara?" sabay tingin niya sa suot ko habang nakakunot ang kanyang noo. Anong problema sa suot ko? Nakacrop top and fitted short skirts lang naman.

"Anong problema sa suot ko? Ayos naman,ah! " sabay ikot at ngiti sa kanya. Ayaw nya ba sa suot ko? Do I look like a kid? Kaya ba ayaw nya? Andaming tanong ang pumapasok sa isipan ko.

"Go home now, please." Halatang naiirita at nagtitimpi ang kanyang tono ng pananalita. "I don't need you here." sabay talikod at tumakbo pabalik sa loob ng gym.

Nanlulumo akong naglakad palayo at umupo sa may bench malapit sa gym. Dito kasi ang usapan namin ni Nica. Ara Monica Montenegro, sister of Lance, my bestfriend since gradeschool.

"Lara!, kanina ka pa ba?" hinihingal na sigaw ni Nica sabay upo sa tabi ko. "Ngayon lang din,"maikling sagot ko. Tumingin ako sa kanya ng naramdaman kong di siya sumagot. "What?, takang tanong ko sa kanya."

"Nababasa ko sa mga mata mo na napagalitan ka naman ni Kuya,noh?" Hindi ako sumagot. "Hayaan mo na 'yun,di ka pa ba sanay? Sabi ko naman kasi sa'yo tigilan mo na 'yang isang yan. That asshole!" Galit na sabi niya.

Nica and I are bestfriends since gradeschool. Hanggang sa nag high school ay magkaklase kami, ngayong college lang kami hindi magkaklase kasi iba ang course niya. She's taking up BS in Tourism. She's pretty and tall. Gaya ni Lance maganda din ang kanyang mga mata, maputi at makinis ang balat, bagsak ang kanyang mataas at maitim na buhok.

Mula noong high school palang ay gusto ko na si Lance. Lihim akong tumitingin sa kanya sa tuwing napapadaan sya habang gumagawa kami ng assignments ni Nica sa bahay nila. Dati paman ay masungit na ang isang iyon. Parang laging galit sa mundo.

"You like my kuya,right?" ngiting asong tanong ni Nica sa'kin nung isang araw habang gumagawa kami ng project.

"Of course,not!" tangging sagot ko sa kanya.

"Sus, it's very obvious Lara! Don't deny it!" Mula noon ay lagi na niya akong tinutukso. Pero mula nung nagcollege kami ay tumigil din. Sinasabihan nya na akong tumigil na dahil ako lang daw ang masasaktan at ayaw nyang mangyari iyon.

Hanggang sa pag-uwi ay wala parin ako sa mood. I enter the house and look around. I feel so sad and alone.

"Oh, Lara!, nariyan ka na pala."salubong sa akin ni Manang Prida. Si Manang Prida ay taga probinsya,matagal na siyang naninilbihan sa amin pero kahit kailan ay hindi ibang tao ang tingin ko sa kanya. Siya ang kasama ko mula pagkabata hanggang ngayon, sa kanya ko lahat kinikwento kung ano ang nangyayari sa akin.

"Sina Mom and Dad, po?" tanong ko sa kanya. Malungkot niya akong tiningnan and nginitian. Isa lang ibig sabihin nun, wala parin sila. Lagi silang busy sa trabaho. My parents are both doctors, but me I don't feel taking the same path. I like Engineering better.

Naiintindihan ko naman sila pero minsan hindi parin maiwasan ang malungkot, lalo na pagdating sa ganitong mga panahon wala akong mapagsabihan maliban kay Manang at Nica. Sa totoo lang kulang ako sa atensyon nila, I want their attention so bad, but I know it's too much to ask.

Nagpaalam akong umakyat muna. Pagkapasok ko pa lang sa kwarto ay deretso na agad ako sa kama at humiga. Biglang pumasok sa isip ko ang mukha ni Lance. Napakastrikto niyang tingnan,isa sa mga nagustuhan ko sa kanya physically, his eyes, ang ganda ng kanyang maitim na mga mata parang nang-aakit,malalim itong tingnan dahil sa tangos ng kanyang ilong,ang mahaba at maitim nyang mga pilik mata, his thin lips na paniguradong masarap halikan. Why he's so perfect?" Kinikilig kong tili, "I'll make you fall in love with me, Lance Angelo Montenegro."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon