Meron ba talagang perpekto sa mundong to kung maging ang Diyos ay nagkakamali rin? Siguro wala naman talaga sa intension niya ang magkamali. Masisisi niyo ba siya eh, sa dami siguro ng ginagawa niya, minsan nagkakamali na tuloy siya. Nakakaloko diba? Pero ang masisigurado ko lang hindi niya tayo binigyan ng isang problema na hindi natin kaya lampasan.
Kelan man,walang naging perpekto sa buhay na to, dahil yon sa mga desisyon na ginagawa natin. Dahil sa pag asam natin sa isang buhay na perpekto, maganda, maginhawa at walang kaproble-problema, hindi na natin pa naiisip ang iba. Pero gaano nga ba katangkad si Pagsisisi at lagi siyang nasa huli?
Ang mga bagay kayang lumain ng panahon. Ano mang sugat kayang gamutin ng panahon. Higit sa lahat, hinding hindi mawawala, ang mga bakas ng kahapon at pilat ng isang malalim na sugat. Ala-ala, yan ang madalas iwan satin ni Pagsisisi. Kahit ano man yan, malungkot man o masaya, parepareho natin yang pagsisisihan.
Kasalanan ba talaga nating mawala satin ang mahahalaga satin? Lahat nagbabago, lahat nawawala, minsan lahat ng ating hinihiram binabawi ng wala man lang tayong kaalam-alam. Lahat ng nagsisimula ay natatapos, at sa isang pagtatapos ay may panibagong simula.
Paano mo tatapusin ang isang bagay na hindi pa pala nagsisimula?
Ang liwanag masakit sa mata pag tiningnan ng diretso. Tulad ng katotohanan, masakit kapag dinaretso tayo ng walang babala.
YOU ARE READING
Never Been Me
General FictionA story to the real world... A story that will make you hope for something new... there's no problem in wishing but, there is one thing more powerful than any magic, or wishes... and this is HOPE... A life realization that, LIFE isn't about FINDING...