Simula palang ng bata ako ay mabilis na akong matakot, siguro dahil namulat na ako sa sigawan ng aking mga magulang. Ang naalala ko na pangyayaring nagsisigawan ang aking mga magulang ay noong nasa maliit pa namin kaming bahay na nakatayo sa isang subdivision at naglalaro ako noon sa harap ng pintuan ng biglang nagsigawan sila mama at papa sa loob ng bahay, sobrang lakas ng kanilang mga boses na natitiyak kung rinig na rinig ng mga kapitbahay namin. Kaya napatigil ako sa paglalaro at nagsumisik sa gilid ng pader ng aming bahay dahil hindi rin naman ako maka-alis dahil parang naestatwa ako dahil narin siguro sa takot, nang mga panahong yun ay hindi ko pa maiintindihan ang kanilang mga sinasabi ngunit naiintindihan ko ang kanilang mga emosyon ang paunti-unting paglapit ni papa kay mama, ang kanyang pagsigaw sa galit, ang paglaki ng kanyang mga mata, mga litid(vine) niya sa kanyang mukha, at ang kamay niya na naka kumo naparang konti nalang ay manununtok na habang si mama naman ay paunti-unti ring umaatras palabas ng pintuan ng aming bahay na nakaangat ang kamay na pang depensa kung sakaling siya ay sasaktan ni papa, ang galit rin niyang mukha ngunit ang kanyang mata ay takot at ang pagsigaw niyarin kay papa. Nakatayo lang ako sa gilid nakatingin sa kanilang dalawa nag-aaway nang hindi nagsasalita o gumagalaw dahil sa takot na pag-gumawa ako ng ingay ay ako ang pagtuonan ng galit ng papa. Ito Ang Aking Unang Memorya.
Ito ang pinaka-unang memorya na aking naalala na tinubuan ako ng takot sa aking ama hindi lamang dahil sa pag-aaway nila ng mama kundi dahil nakita ko ang pagtaas nang kamay ni papa na parang sasaktan nasi mama kung kaya't kahit takot ay bigla kong itinaas aking mga batang kamay naparang umaawat at ang aking bibig upang sabihing "Tama na!" upang matigil ang kanilang pag-aaway nila, ngunit ibinaling ni papa ang kanyang atensyon saakin at sinigawan niya ako, hindi ko man maalala o maiintindihan ang mga katagang sinabi ni papa pero ramdan ko ang sakit sa bata kong puso. At doon ko nalaman na kapag isa kang bata walang kwenta ang iyong boses dahil di kanaman pakikinggan ng mga matatanda
BINABASA MO ANG
Miserable
Mystery / ThrillerPrologue Nakaramdam kana ba ng matakot? Matakot sa pagpili ng choices sa buhay? Matakot na mali ang iyong pinili at mag suffer ka sa konsekwensya? Matakot na mating disappointed sayo ang mga magulang? Na malagay ka sa kahihiyan? Paano kung sa sobran...