Si Mr. Gwapo

12 0 0
                                    

Tapos na ang first sem. Masaya naman ako kasi lahat kasundo ko. Pero hindi naman maiwasan talaga na minsan, manggigigil at manggigigil ka sa iba mong kaklase na ubod ng tamad at arte. (Syempre di kasama mga kaibigan ko XD)

Melissa Jane gonzales. First year college. Nageenjoy pa lang sa unang taon, pero sobrang nakakastress na pala kahit freshmen palang kami.

Medyo luma na ang school na pinapasukan ko. Yung buildings bitak bitak na talaga kung makikita mo.   Pero sa pagsisimula ng second sem, nagsimula na rin ang pagpapaayos ng aming mga klasrum.

Yung room namin ay nasa pinakamataas na floor. Yung pinakamataas na floor pa naman yung sisimulang ayusin. Edi ayan. Walang kaming classroom! Ilang araw pa ang lumipas bago maayos kung saan muna kami magro-room kung saan wala ring mga gumagamit.

Edi ayan.

Ginorahan na namin sa 4th floor kasi don lang may vacant. Kasama ko yung mga kaibigan ko.

English na kasi ang subject namin kaya kung saan saan kami maaring umupo. Naisipan namin na sa dulo kami uupo na magkakaibigan.

Medyo nasa kalagitnaan na ng pagtuturo ang Prof. namin nang biglang may mga nagkumpulan sa labas ng classroom. (Based on a true story :D)

Edi malamang napalingon na rin kami.

Mga taga ibang course. 

Iba uniform eh.

Edi pinapasok na sila ni Prof. Sa bandang likod din sila. Bale magkakalinya lang. Nasa pinakadulo kasi ako eh! XD

Nandoon na kami sa panahong hindi na kami makahinga sa kakatawa dahil sa Prof namin. Magmula sa Steps about sa thesis chuva napunta sa loyalty ng aso, movies, kay Dora. Hindi ko alam kung bakit hindi namin agad napansin na nagbabago na pala ang topic. May kumatok sa pinto. 

Syempre lingon ulet.

O_O

WAAAAH! ANG GWAPO!!

Parang yung crush ko lang!

Yung kapag nakikita mo siya nags-slow motion tapos parang nagtwi-twinkle twinkle pa? Totoo pala yung feeling na ganoon!

Yung ngiti nakakatunaw! EMEGED!

Napansin naman namin na nagbulungan yung mga taga ibang course. By the way, pareho sila ng kulay ng uniform, kaya siguro parehas ng course yung gwapong lalaki sa mga babaeng pumasok.

Kahit mula sa pinakadulo, tanaw na tanaw ko si kuyang gwapo!

At dahil hindi umayon sa akin ang pagkakataon, sa hindi malamang kadahilanan, kaming dalawa ng kaibigan ko ay napalipat sa harapan, eh isa lang naman nadagdag.

???

Syempre medyo kinikilig pa ako kay kuya! AHAHAHAHAHAHA

Pagkaupong-pagkaupo ko.

Narinig ko yung kaklase ko.

May sinasabi eh.

"Ano ulet yun?" tanong ko

"Bakla yan eh"

"Weh? Utot mo. Wag ka ngang magulo!"

"Ay, ayaw maniwala. Narinig ko yung bulungan ng mga babae kanina nung pumasok si kuya eh, ang galing daw magpanggap."

"..."

"Tapos, nakita din namin siya dati eh. May pilantik yung mga galaw niya."

"Saan mo nakita?" medyo naaasar na ako.

"Sa -------------"

Nanahimik na lang ako.

Pusang gala.

Ang gwapo-gwapo bakla!

Alam niyo yung sayang?!

Nanggigigil tuloy ako. Wag lang talaga siyang magpakita sa akin. 

A/N: Mga 'tol, kahit na TRUE STORY ito. Yung pangalan, gawa-gawa lang XDD

Muntik nang MAGING Love Story KO :|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon