Solemn Pov.
"Maipapangako mo ba'ng mananatili itong sikreto cielo?"naninigurong tanong ko.
mapanuri akong tumingin sakanya ngunit walang bahid na pagdududa sa mata ko.
tumango sya bilang sagot sa tanong ko kaya napanatag ako. "walang ibang makakaalam nito selly."
niyakap ko s'ya sa sobrang saya at naramdaman ko naman na niyakap ako nito pabalik.
"kailan ang balik mo sa palasyo? cielo naghihintay na sila sayo."nag aalala kong tanong.
bumahid sa mukha nito ang kaba dulot siguro ng sinabi ko pero diko alam kung bakit s'ya kinakabahan. dahil ba sa pinapabalik na sya sa palasyo? ano naman ang nakakakaba dun?
hinawakan ko ang noo nya kasi pawis na pawis na ito. " bakit ka kinakabahan? magkasundo naman kayo ng hari at reyna. may problema ba?"
napailing nalang ito saka tumalikod sakin. "babalik na ako. maiiwan na kita rito."
Nagulat ako kung bakit aalis sya kaagad. "teka lang! Bakit aalis ka agad? gabing gabi na cielo baka may mangyaring masama sayo sa daan. pwede bang bukas kanalang umalis?"
binitawan nya ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya na pumipigil sa pag alis nya. " hindi pwede solemn. baka hinahanap nako ng ama ko atsaka kaya ko naman ang sarili ko. walang mangyayaring masama sakin sa daan."
napabuntong hininga nalang ako. " mag iingat ka. Ikamusta mo ako sa pamilya mo."
tumango ito bilang tugon sana naglakad paalis. nasa kabilang bayan nya iniwan ang kabayo nya kaya kailangan nyang maglakad kahit hating gabi na.
napabuntong hininga ako ng malalim. hindi ko alam pero pakiramdam ko may mangyayaring di maganda.
mabuti pa magpahinga na ako. siguro napagod lang ako sa trabaho.
KINABUKASAN
tirik na tirik ang araw na tumatama sa mukha ko. umang umaga nangbubulabog si mang seldo.
bumangon ako mula sa pagkakahiga saka binuksan ang munting pintuan.
"ano ho yun mang seldo? umagang umaga po oh."pikit pikit kong saad.
nanginginig itong lumapit saakin. "anak solemn. Si kalisto anak"
biglang nawala ang antok ko nang marinig ko pangalan ni cielo.
"ano ho yun mang seldo? kakauwi lang ni cielo sa palasyo nila kagabi."
umiling ito. " hindi sya nakauwi solemn. natagpuan ang bangkay nya sa gitna ng gubat. puno ito ng saksak at hindi na makilala ang mukha nya pero nalaman namin na si cielo ito dahil sa suot nitong damit bago umalis at eto." inilabas nya ang puting medalya na pagmamay ari ni cielo.
"ayan ang natirang gamit ni kalisto. nakikiramay ako sa pagkawala ng kasintahan mo solemn." pagkatapos nyang sabihin iyon ay umalis na ito.
natulala ako at tila pinoproseso ang nalaman ko. napaluha ako at iniisip na panaginip lang ang lahat. si cielo hindi nakauwi sa sarili nyang pmilya. wala na ang lalaking pinakamamahal ko.
Ang alam ko walang nakaaway si cielo dahil halos lahat dito sa lugar namin ay kaibigan nya kaya sino ang pumatay sakanya? kaawa awa ang sinapit ng lalaking iniibig ko.
maghihinganti ako mahal ko para sa iyo.