]]1[[

26 2 0
                                    

"Get a room!" sigaw ko dun sa mag jowa sa may tagong part ng fountain. Nakakainis! Hindi na nahiya. Hindi ko alam kung alin sa mga salitang NO PDA ang di nila naiintindihan, akala mo nasa motel kung maglingkisan! Mahihiya ang mga ahas sa kanila.

"Istorbo."

"Old maid." Halos magkasabay nilang bulong bago ako tinapunan ng matalas na tingin saka nag walk out.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao sa university na 'to ang mala-MMK kong buhay. Kasalanan kasi 'yon ng 'bestfriend' ko kuno, na si Cherry. Dala ng matinding kakatihan ng dila, ay pinagkalat sa buong university ang love story ko, mula pa noong high school hanggang kay.... L-larry.

Ay! Erase! No bad vibes.

Hindi ko na dapat siya iniisip. Kasi hanggang ngayon mabanggit lang ang pangalan niya, maalala ko na kaagad ang magagandang mga alala na meron kami dahilan para magsimula na ang walang sawang pagtulo ng mga unli kong luha.

Tama na nga di ba?! Change topic.

Binuklat ko na lang ang libro sa FunAc2. Madami pa 'tong assignment ko kaya kailangan kong tapusin. Dito ako gumagawa ng assignment kasi unang una sa lahat, tahimik. Paminsan minsan lang naman may maligaw na mga kalahi ng 'anaconda' dito at napapalayas ko naman gaya ng nangyari kanina.

May kakaunting round tables at chairs sa paligid nitong lumang fountain at ito ang madalas kong inookupa.

Nagsimula na akong mag focus sa pag gawa ng assignment. Awa naman ng Diyos, unti unti ng nawala sa isip ko ang tungkol kay you-know-who. Lakas lang maka-Harry Potter.

Nakakalimutan ko na.... nadidistract na ako ng debit at credit ng biglang may kumalabit sa akin. Napalingon ako sa isang lalaking, akala mo life mentor si Rizal sa gayang gayang hairstyle nito sa pambansang bayani at idagdag mo pa ang salamin. Kupya na lang at baston ang kulang, papasa na 'tong opisyal ng La Liga Filipina. Buti na lang matangkad siya.

Tinaasan ko ng kilay ang nakakainis niyang nigiti.

Ano ka nanalo sa lotto? Ganyan ka makangiti? Panunuya ng isip ko.

"Miss, pwede magtanong?" tanong nito sa baritonong boses. Wow ah. Ang ganda ng boses. Sana boses na lang siya.

"Di ba nagtatanong ka na?" balik-tanong ko. Gustuhin ko man o hindi, naging mataray na ako sa mga lalaki matapos ang mga nangyari sa akin. Aba naman! Kung gusto kong wag mabola e dapat hindi ako magpabola hindi ba?

Hindi man lang natinag ang ngiti niya, at humila pa ng upuan sa harapan ko saka umupo.

"Oo nga no miss? Sorry ah. Mahina talaga 'to." Saka niya itinuro ang sentido niya. Hindi na ako nagsalita kaya nagpatuloy siya sa sinasabi niya.

"Uhm, may hinahanap kasi akong tao e... May kilala ka bang Larry?" Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

"Ano kamo?" tanong ko sabay titig sa kanya gamit ng nanlilisik na mga mata. Hindi dahil sa galit ako, kundi para pigilan ang mga luhang nag uunahan nang bumaba. I mean galit ako sa pagbanggit niya sa pangalan na 'iyon' na parang wala lang pero ang pinaka purpose ng panlilisik ng mata ko ay para iwasan ang mga luhang nagbabadya.

"Larry." Strike two. Ulit niya sa pangalan na iyon. Nakikita ko na rin ang pagpapalit ng ngiti niya sa nag aalalang titig. Baka napapansin niya na ang pamumula ng mata ko. " Larry Erick Dimausog." Ulit nitong muli sa pangalan pero sa halip na maiyak ay natawa ako. Grabe umatras yung luha ko!

"Ano kamo? Dimausog? Bakit mabigat ba siya?" Hindi ko mapigilan ang tawa ko sa di malamang dahilan.

"Hindi mo naman ata siya kilala miss e. Mukhang pinagtitripan mo lang ako. Sige mauna na ako." Sabi nito saka lumayas na lang sa harap ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LeftoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon