𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐃𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 (𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐞)

27 1 0
                                    


(𝐆𝐮𝐥𝐟,𝐬 𝐏𝐨𝐯)

Lakad- takbo yan ang ginagawa ko ngayon, Hindi ko alintana ang pawis na nasa noo ko, Alam ko kanina pa naghihintay yon sa favorite place namin.

Ilang minuto pa ay sa wakas nakarating na ko sa lugar kung saan kami magkikita.
Isang matamis na ngiti ang namutawi sa labi ko ng makita ko itong nakatayo sa di kalayuan.

Sinipat ko ang sarili at inayos ang bahagyang nagulo kong buhok, pati pawis sa king noo ay agad kong pinunasan.
Nang masiguradong maayos na ko ay wala na kong sinayang na oras ,agad na kong naglakad patungo sa kanya. Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang hindi ito hagurin ng tingin.Kahit kailan ay hindi ako magsasawang hangaan ang pisikal nito na anyo.

Mula sa ilalim ng buwan at liwanag na nagmumula sa nakatayong poste ,makikita mo ang taglay nitong kakisigan ,tila isa itong adonis na nagmula sa olympus, samahan pa ng maganda nitong tindig. Kaya hindi na nakakapagtakang napakaraming nahuhumaling rito at syempre isa na ako doon, pero swerte ko na lang kasi sakin sya napunta.

Ilang minuto ko pa itong pinagmasdan bago pinagpatuloy ang paglapit sa pwesto nito.Ilang hakbang na lang ako mula rito ng bigla akong mapatigil.Napasinghap ako sa nakita ,pakiramdam ko ay nanigas ang katawan ko sa nakita ng dalawang mata ko.

Nabitawan ko ang dala ko dahilan para lumikha ito ng ingay at makuha ang atensyon ng mga ito.Nakita ko ang matinding gulat sa mukha nito at mababanaag ang takot sa mga mata nito.

Kahit pakiramdam ko ay walang lakas ang mga tuhod ko ay pinilit ko itong igalaw.Agad akong tumalikod at mabilis na naglakad.

" Gulf wait ! ,Love sandali lang " rinig kong pagtawag nito sakin.Hindi ko ito pinansin at mas binilisan lamang ang paglalakad.

Dire-diretso lang ako ,at hilam sa mga luha ang mga mata ko..Tila wala ako sa sarili .Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Yung puso ko parang paulit ulit na tinutusok ng kutsilyo sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon".Bakit ?" ,yan lang ang salitang pumapasok sa isip ko ngayon.

"!Peeeeeppppp "!!!!! Napatigil ako at natulos sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang isang malakas na busina.Natuod ako ,tila hindi ko alam kung paano igalaw ang mga paa ko ng makita ang papalapit na liwanag mula sa rumaragasang sasakyan papalapit sakin.

Awtomatiko akong napapikit ng malapit na ako nitong mabangga.Sa sandaling ito naisip kong mas mabuti pang mawala na lang ako para hindi ko na maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Ilang saglit akong naghintay subalit wala akong naramdamang kahit anong sakit sa katawan ko bagkus ay isang malakas na pwersa ang humila sakin..

" What the hell are you thinking ha!!! Sobrang pinakaba mo ko alam mo ba yun, magpapakamatay kaba ha "!!!!!"

Napamulat ako bigla sa bahagyang lakas ng boses nito.Nakita ko sa mukha nito ang matinding pag aalala .Bigla ako nitong niyakap ng mahigpit.

" Please my love don't ever do that again, Hindi ko kakayanin pag may mangyaring masama sayo" malumanay na wika nito. pagkatapos ay kumalas ito ng yakap sakin.Akma itong magsasalita ulit ng putulin ko.

" Sana hinayaan mo na lang ako, bakit mo pa ko niligtas ,how i wish na nasagasaan na lang sana ako ngayon !"" Garalgal ang boses na wika ko rito Hilam sa mga luha ang mga mata ko.

Kumunot ang dalawang kilay nito at matalim akong tiningnan.

" Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Gulf ?!, Gusto mong hayaan kitang masagasaan at mamatay.Tingin mo kaya ko yun ha! ,na makita kitang mapahamak at masaktan "!!!!! malakas na wika nito at mababanaag ang galit sa boses nito.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐃𝐢𝐚𝐫𝐢𝐞𝐬 (Short Story)Where stories live. Discover now