Honeybunch

10 3 0
                                    

Hi I am Nomina, Sinundan ko yung crush ko pauwi ng bahay nila. Two months magmula nung magtransffer ako sa bago kong school. Unang kita ko palang sa kanya, crush ko na agad siya. Ngayon ko palang siya susundan sa bahay nila. Hanggang school lang kasi ako dati e.

Ayan na, bahay ata niya yung pinasukan niya na gate pero hindi mababa kaya kita ko padin siya.

Alam niyo bang antahimik niya sa school, ako nga two months palang sa school na yun pero marami na akong kaclose pero siya minsan ko lang makita na may kausap, sabi ng isa sa mga friend ko dun. Likas na tahimik daw siya at minsan lang kumausap ng tao. Why kaya?

Halos mag iisang oras na akong nandito sa tapat ng bahay nila pero hindi pa din siya lumalabas. Paalis na sana ako ng makita ko siya papalabas na.

Sinundan ko siya hanggang sa makapunta na kami sa park, buti iisang village lang kami. Mweheheheh.

Nagtago ako sa likod ng puno kung saan malapit sa inuupuan niya. May kasama siya aso, isang chihuahua, ang weird niya ha, bat naka tali pa e pwede naman niyang buhatin nalang. Anliit liit kaya ng aso niya tas ang tangkad niya. HAHAHA.

"Honeybunch, alam mo nagugutom na ako. Gusto mo mag ice cream? Tara bili tayo."

Napanganga ako sa narinig ko, anu yun? Kinakausap niya yung aso niya ng ganun. I mean, pag kinakausap niya mga schoolmates namin ang angas kaya niya tas tipid pa magsalita pero hala ka, bat ang lambing niya sa aso niya? HAHA.

Nakita ko na siyang bumibili ng ice cream, dalawa pa.

Teka? Naga ice cream ba yung aso?

Pabalik na siya sa bench na inuupuan niya kaya nagtago ulit ako.

"Honeybunch ayaw mo ba? Sige ako nalang kakain. Haha."

Natatawa na ako dito, ang cute naman niya. Haha. :D

"Honeybunch? Payag kaba pag nagkagirlfriend na ako?"

Napahinto ako sa sinabi niya, bat naman niya naitanong yan? May nagugusto na ba siya? :(

"Honeybunch, kasi alam mo iba siya. Kahit na ang ingay ongay niya, kahit na minsan ang kulit kulit niya, kahit na kakakita ko lang sakanya feeling ko gusto ko na siya agad."

Ow no, may nagugustuhan na nga siya. Sino ba yun :(

"Honeybunch? Sa tingin mo bagay ba kami?"

Tayo ang bagay.

"Sa tingin mo siya na yung babae for me?"

Oo ako yun.

"Sa tingin mo pagnaging kami, tatagal kami?"

Oo, forever na pag naging tayo.

"Magiingay parin kaya siya pagmagkasama kami?"

Ako oo, kasi tahimik ka.

"Paghinawakan ko kaya yung kamay niya kikiligin siya?"

Oo, baka nga mangisay pa ako e.

"Sa tingin mo sasaya siya pagkasama niya ako."

Sobrang saya ko pag nakasama kitta.

"Sa tingin mo mamahalin niya ako kung paano ko siya mahalin?"

Oo, baka nga mas higit pa sa pagmamahal mo e.

"Paano kung nag away kami? Sa tingin mo magbabati din kami agad?"

Oo naman, isang sorry mo lang okay na ako.

"E paano kung iwan niya ako?"

Hindi no, hindi ko gagawin sayo yun.

"Hays bahala na nga, basta ang mahalaga yung ngayon. Kasi alam kong gusto niya din ako e."

Gustong gusto talaga kita.

"Honeybunch, siguro ngayon na yung right time no? Puntahan ko na kaya siya? Mahal na mahal ko na siya Honeybunch."

Tumayo na siya at naiwan ako dito sa likod ng puno.

Sino naman yung babaeng gusto niya? Nafifeel ko na yung luha na gustong pumatak mula sa mata ko.

"Bat ka umiiyak?"

Napatingin ako sa nagsalita. Si Miggy pala. Si Miggy na kanila lang sinusundan ko hanggang sa bahay nila na sinunda ko hanggang dito sa park na kinakausap yung alaga niyang chihuahua na ngayon ay nasa harap ko na na may dalang bulaklak at kinakausap ako.

"Ahmm." wala akong masabi.

"Wag kana umiyak, para sayo o."

"Para sakin?" di ko makapaniwalang tanong.

"Oo naman." inabot naman na niya yung bulaklak.

"We?" yun nalang yung na sabi ko.

"Hahahahaha. Ang cute mo parang kang aso ko."

Kinurot ko naman siya,

"Nasan na pala yung chihuahua mo?" nilingon ko pa kung saan pero wala.

"Pinauwi ko na, para naman makapanligaw ako ng maayos."

Natigilan ako.

"Oo ikaw yung tinutukoy ko kanina, alam kong kanina mo pa ako sinusundan. Mahal kita Nomina, ako mahal mo ba ako?" seryoso na tanong niya.

"Oo mahal din kita Miggy."

Niyakap niya ako. Simula ng araw na yun nagsimula yung lovestory namin ☺♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HoneybunchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon