Peste! (One Shot)

19 1 0
                                    

Ano ba yan! Heto nanaman ako at kinakabahan sa resulta ng exam namin sa pinaka favorite kong subject na mahal na mahal ko at ng maraming tao ngunit sa kasamaang palad ay hindi ako minahal nito pabalik-Math.

Punyemas pati ba naman subject ayaw saakin? Anong bang problema mo ha, Math? Gusto mo yatang magkasubukan tayo ah! Ni hindi ka man lang naawa saakin at sa iba pang mga estudyante! Ano bang inaarte mo at hirap na hirap kami sayo? Araw-araw nalang namemeste ka sa buhay ko! Ay, nako lumayo layo ka saakin Math ha, there was never an us! We're never getting back together!

"Hoy Ana! Mukhang sinuswerte ka ngayon ah." napalingon naman ako sa peste ng buhay ko. Yan si Kiko, ang pangalawang pinakamamahal ko sunod kay Math. Peseteng 'to! Bakit ba kasi simula ata noong ipinanganak ako eh nagkanda letse letse na ang buhay ko-este bakit palaging kasama ko 'to?!

Mantakin mo, pareho kami ng birthday. As in! Sabay kaming ipinanganak sa Destiny Hospital sa may saamin, hindi nga ako makapaniwala eh. At dahil dun sa 'hindi kanais-nais' na pangyayaring 'yon, naging mag bestfriend ang mga nanay namin kaya sa kamalas-malasan ay naging magkapitbahay din kami.

Pati sa pagpunta sa eskwelahan ay hindi ako tinantanan! Simula kinder ay kung ano ang section ko, nandoon din siya. Aba naman kulang nalang ay pagbuhulin kami ng mga magulang namin eh. Sus naman nahiya pa kayo Nay at Tay, kulang nalang dun din siya tumira sa bahay namin sa dalas niya bumisita at sa dalas papuntahin siya nina Nanay dun.

Ako naman ay walang inaartehan ano, mabuti sana kung maganda ang ugaling ipinapakita saakin ni Kiko. Pero wala yata yung alam kundi pumeste sa buhay ko. Pano ba naman palagi nalang asar at kontra ang naririnig ko sakanya, daig niya pa si nanay kung dumakdak. Tapos di naman ako makasumbog kila Nanay dahil obvious naman na sobrang close na sila kulang nalang si Kiko na ang maging anak nila.

"Pwede ba Kiko, tantanan mo nga ako! Alam ko na yang mga pa-utot mo kaya pwede wag mo akong simulan, badtrip ako ngayon." sabay irap ko sakanya.

Kaya lang nakangiting aso lang ang gago habang nakatingin saakin. Yun pala, hawak na yung test paper ko! Nanlaki naman ang mga mata ko at sinubukang agawin yun pero sino bang niloloko ko, kahit umiyak pa ako ng dugo hindi niya yun ibibigay saakin.

Tiningnan naman ni Kiko yung test paper ko, "Naman Ana! First ka nanaman!" napatingin naman saamin yung iba naming mga kaklase habang nanlalaki ang mga mata, ako naman ay walang magawa kaya pinapatay ko nalang si Kiko sa isipan ko bwisit!

"First... To the last! HAHAHAHAHAH!" eh ano pa nga ba? Napuno ng tawanan ang classroom namin. Winagayway niya yung test paper ko at kitang kita naman ang 39/100 kong score! Yung iba pa nga ay kumakanta ng 'Ana, Ana bo-bi-ta! Test niya sa math ay bokya pa!' with the tune of Sarah Sarah prinsesa chuchu.

Nakakairita! Eh ano nanaman ba ang bago? Yan naman palagi ang scenario kapag bigayan ng test paper sa math eh. Mga bwisit kala mo naman kung sinong matatalino sa math pag-untugin ko mga bungo niyo eh.

"Hoy!" binato naman ni Kiko ng chalk yung kumanta ng panlait saakin na si Roger. Sapul siya sa mukha buti nalang hindi nakabuka ang bibig niya kung hindi three points shoot sana yun, pinigilan ko naman tumawa.

"Anong kinakanta-kanta mo jan?! Sinabi nang ako lang ang pwede mang-asar dito eh! Sige subukan mo ulit yan malilintikan ka saakin!" natakot naman si Roger kaya napatahimik siya. Sikat kasi si Kiko sa pagiging bully kaya maraming takot sakanya.

"Ayieeeee! Ikaw Kiko ha! Gusto mo kasi ikaw lang mapansin ni Ana kaya ka ganyan." sumang-ayon naman ang iba ko pang kaklase sa hirit ni Mara, ang class president namin. Eh gaga pala itong si Mara eh, naghahanap ata ng magiging Clara niya sa totoong buhay.

Hindi ko naman mabasa ang mukha ni Kiko kung namumula siya sa hiya o sa pandidiri, "Ano ba yan Mara! Ipapartner mo nalang ako dun pa sa bobo sa math!" sabay tawa niya ng malakas.

Peste! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon