Year 2022
"Theo, Thea, bakit gising pa kayo?"
Tanong ko sa kambal kong anak na limang taon na. I gave birth to them when I was still in College, year 2017, at parehas kaming 20 years old na mag asawa nun, at ta-tatlong taon palang kami nun. We both didn't know what to do that time, kasi parehas nga kaming nag aaral sa same university, at parehas kaming 1 taon pa bago gumraduate.
Natakot kami, pero hindi pumasok sa isip namin na ipalaglag ang mga bata lalo na ng nalaman kong kambal ang magiging anak namin, sinabi namin sa magulang niya, at ako sa nanay ko, kasi namatay ang tatay ko sa isang aksidente noong hinatid niya ako nung 2015 dito sa university, pag uwi ko, bumungad na lang sakin ang mahal kong tatay. Ayaw ko munang pag usapan tungkol jan!
At yun na nga, naaalala ko yung reaksyon ng nanay ko, napuno ng iyakan ang bahay namin, at kung paano ako humingi ng sorry sa kanya.Tinulungan kami ng Mama ko at nang mga magulang nya, hanggang ipinasa kay Nathaniel ang company ng mga magulang nya, at sya na ang nag mamanage nito ngayon. Kaya masasabi kong magaan ang buhay namin ngayon.
Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa kwarto nila, at 9:30pm na.
Naabutan ko silang pareho na nag lalaro pa, maaga pa ang pasok ng dalawang to bukas. Lumapit ako sa kanila at humiga naman sila agad sa sarili nilang higaan.
"Sleep na Thea, Theo. Magagalit si Mommy sa inyo."
"Sorry, Mom. We will sleep na po."
Sabi ni Theo. Ang matanda ng 4 mins kay Thea.I kissed their foreheads, and smile at them. Inayos ko ang mga comforter nila, at chineck ang temperature ng aircon nila.
Ginawa naming mag asawa ay pinagsama sila sa isang malaking kwarto, at may sarili silang higaan, at sariling table sa side nila, pinuno ko din ng picture frame ang kwarto nila, at may sariling side din sila ng damitan na may harang sa gitna.
Speaking of my husband, wala pa rin hanggang ngayon! 7 pm ang tapos ng trabaho nya at 30 mins lang ang byahe nya ay nandito na sya. Ilang buwan na siyang ganyan!
Naupo lang ako sa maliit na sofa na nasa kwarto ng mga bata, hihintayin ko silang makatulog at tinignan ang sarili sa reflection ng salamin.
I just sighed. Sobrang haggard ko na. Inayos ko ang tali ng buhok ko at tumayo ulit ako. Ayaw kong makita ang sarili ko sa salamin, naistress ako, pumunta ako sa walk in closet ng mga bata, at inayos ang gulo gulong damit, maya maya lang ay narinig ko na ang pintuan na nagbukas, tumingin ulit ako sa wall clock at 11:30pm na. Tumingin muna ako sa mga bata at mahimbing na ang tulog ng mga to.
Naabutan ko siyang nagtatanggal ng sapatos, at mukhang matutumba ito, nag lasing na naman sya!? Lagi na lang ganto! Hindi ba sya uuwi sa bahay ng hindi lasing? Tinignan ko lang ito at tumaas naman ang tingin nito sakin,
sinundan ko lang sya ng tingin kung paano niya ibato ang bag nya sa sofa at ang black coat nya.Lumapit siya sakin, yayakapin niya sana ako ng tinulak ko sya ng mahina lang, at naglakad papuntang kwarto namin, at naramdaman kong sumunod naman sya sakin, at humarap ako sa kanya.
"Bakit ngayon ka lang? Lagi ka na lang ba gantong oras uuwi? Hinintay ka namin ng mga anak mo para sabay sabay tayong kakain ngayong dinner, pero pinaghintay mo na naman kami sa wala."
"I'm sorry, okay? Nagka- inuman lang kami ng mga kaibigan ni Dad na mga business partner. So please, bukas mo na akong sermonan."
Kalmado na sabi nito pero alam kong medyo nainis sya sa pag sesermon ko. Napansin ko dahil sa pag upo niya ng padabog sa sofa dito sa kwarto. Ngayon ko lang naman to gagawin ha? Anong gusto niya, hayaan ko na lang sya na laging ganyan?
