"You're Jasmine, right? You can sit here. Palit na lang tayo." sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang bag ko, at notebook na nilabas at nakangiting lumapit kay Gregorio.

"Pwede akong umupo dito?" tanong ko kay Gregorio, at tumango lang ito. Napansin kong nakatingin ito somewhere, pero alam kong sa side siya nila Nathan nakatingin. Umupo ako, at may mga bulungan sa paligid pero di ko nalang pinansin.


This is for the both of us. Huminga ako ng malalim.

***

"Diana, I need to go to the practice. Gusto mo bang sumama?" Yaya ni Gregorio sakin.

"Oo naman." Ngumiti ako sa kanya. Anong practice?

Naglakad kami papunta sa gym. Sobrang manghang mangha ako sa lahat ng nakikita ko, nandito talaga ako sa school ko!!

Kanina nga para akong tanga na pangiti ngiti habang nag didiscuss yung professor namin, dahil sobrang namiss ko talaga yung feeling ng estudyante.


"Bro, hindi ko talaga alam kung anong nangyayari kay Diana."

Narinig ko ang pangalan ko ng papasok kami sa isang resting area dito sa gym, tumingin sakin si Gregorio.

"Gusto mo bang pumasok?" tanong niya sakin at tumango ako.


Pag pasok namin ay tumingin samin ang ibang lalaking nandun, basketball players.

"Diana, parang kailangan mong pakalmahin ang bossing namin."

sabi sakin nung isang lalaki, kaya napatingin ako dito, si Anton. Isa na siya sa pinaka magaling na basketball player, ninong din siya ng kambal. Sobrang magkasundo pa rin sila ni Nathan.

Nagtawanan ang ibang players.

"Bakit ako? Kaya nya pakalmahin sarili niya. Malaki na siya." Pagtataray na sagot ko. Bakit ba ako?

Natahimik lahat. Umupo ako sa isang upuan at kinuha ang cellphone ko sa bag, kinuha ko lang ito dun sa higaan ko kaya di ko nga sure kung lowbat ba o hindi. Pag kakita ko ay yung cellphone ko ito nung 2022. Napatitig ako dito. Nadala ko siya!! Paano nangyari yun?

Pagbukas ko ay agad ko itong sinara at tinago sa bag. Yung wallpaper hindi nagbago, nandun yung pictures ng kambal karga sila ni Nathan.

Napatingin ako kay Gregorio na nasa tabi ko, at ngumiti. Nakita nya ba? Ngumiti lang ito sakin.

Narinig ko ang pagbagsak ng pintuan.


"Mukhang kailangan nyong mag usap ni Nathaniel, Diana." sabi nito.

"No need. Wala naman akong ginagawang masama. He's acting like a baby."

Tumingin ako sa paligid, at lahat sila nag tatakang tumingin sakin.

"Diana, umihip ba ang malakas na hangin at natangay ang dating Diana na kilala namin?" Tanong ni Anton na tumatawa tawa pa.

"Oo nga, kahapon lang, sobrang sweet nyo ni Nathaniel. At sobrang clingy mo sa kanya." sabi naman nung isa, si Joseph.


Naalala ko nga kung paano ko gustong gusto si Nathan. I am really clingy at him. Pero hindi ko kasi alam yung mangyayari sa future, kala ko ako lang talaga yung mamahalin niya. Mali yung nag focus ako sa kanya, pero sa nangyayari ngayon bakit lahat ng tao tinutulak ako sa kanya?

Kailangan kong baguhin lahat.


Paano ang mga anak mo?


I brush my hair with my fingers, tumayo ako at lumabas. Nakita ko siyang nag didribble kaya lumapit ako sa kanya.

Our TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon