Surf Powder

93 4 17
                                    

A/N: Anong gagawin mo kung yayain ka ng nilalang na ito na tabihan mo matulog? Sheet. SEHUN! SEOKJIN! HUEHUE.

Characters for this chapter:
Adrienne Asilo as Ella (Ellaine Lois)
Jeon Jungkook as Klint

-

"Ellaaa! Bumili ka nga muna ng sabon doon. Naubos na yung stock natin." rinig ko pagutos ni mama sakin. Ako na naman? Tsk. Ang init sa labas e.

Napatayo nalang din ako. No choice is me dito. Ako lang naman nandito sa bahay. Umalis kasi yung kuya ko. Tsk

"Saan po yung pambili?" pinuntahan ko siya. Baka kasi sabihin ni mama sinisigawan ko na siya e.

"Akala ko di mo ko narinig e. Kunin mo dun sa taas ng drawer ko, nandun yung wallet ko kumuha ka ng 50 pesos."

Agad naman akong sumunod, umakyat ako sa kwarto nila mama para kumuha ng pera.

Kainis talaga si kuya! Takas na naman sa bahay yun. Argh!

Binuksan ko yung payong atsaka tuluyang lumabas. Potek! Ang sakit sa balat nung sinag ng araw.

Tumakbo ako patawid ng hindi man lang tinitignan ang tatawiran ko.

Nagulat nalang ako ng may biglang sumigaw sa akin at narinig kong may tumumba.

"Fuck. Miss kung magpapakamatay ka wag kang mandamay." Sambit niya habang pinapagpagan ang damit niya. Halata ko sa mukha niya na naiinis siya.

"Gago ka ba?" ayan ang unang lumabas sa bibig ko. Kainis!

"Ikaw na may kasalanan tapos ako pa mumurahin mo?" nakakunot na ang noo niya.

"Alam mo, hindi ko alam kung tanga ka o tanga ka talaga." Bobo ata to e. Kainit ng dugo!

"Problema mo miss? Mag-sorry ka na lang pwede?" nakita ko ang pag close fist niya. Lul! Sorry my @ss.

"Ewan ko sayo. Layo-layo ko sayo e! Tsaka tanga ka talaga no? MAY NAMAMATAY BA SA BIKE? KUNG IPUKPOK KO DYAN SA ULO MO PWEDE PA!" umalis na ako at dumeretcho sa tapat na tindahan. Dumb@ss!

"Oh Ella, ang aga-aga nakabusangot ka na dyan." pagbibiro ni ate Cathy.

Umiling ako bilang sagot. Nginitian lang ako ni ate Cathy.

"Ano bang bibilhin mo?"

"Tatlong surf powder po ate."

Kinuha naman agad ni ate Cathy yung binili ko.

"Salamat po." nginitian ko si ate at ganun din siya sa akin.

Nawala ang ngiti ko ng may humarang sa dinadaanan ko. Nyeta talaga tong kumag na to.

"Miss isang sorry lang naman hinihingi ko di mo pa mabigay?" sabi ni tanga. Aww, ang rude ko. Sorry not sorry bruh.

"Lul. Mukha mo." nilagpasan ko lang siya pero sinudan niya ko hanggang sa gate namin.

"Alam mo nakakapuno ka na talaga e!" tapos inaambahan niya ko. Tss!

"Woah woah. Wait lang! Kapatid ko na yan pre." hinawakan ni kuya sa balikat yung lalaki na kanina pa nagde-demand na magsorry ako.

Humarap kay kuya yung lalaki, parehas nanlaki ang mata nila.

"Klint, ikaw ba yan?" biglang hinawakan ni kuya sa magkabilang balikat yung lalaki.

"Teka. Kuya Shane ikaw ba yan?" parang lumiwanag yung mukha nung Klint.

"Takte! Laki mo na ah. Kamusta ka? Si Ninang Kate? Si Ninong Kieth? Si ate Kathrine?" sunod sunod na tanong ni kuya Shane.

Kpop Imaginations 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon