Mabuhay!
Salamat sa pag pindot at pagbibigay ng pagkakataon na basahin ang kuwentong ito. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ito patungo dahil kasalukuyan pa rin akong walang gana sumulat. Pero umaasa ako na baka bumalik yung dating sabik ko sa pagsulat na nawala nung pumasok ako sa kolehiyo. Umaasa ako na baka ikaw na ang dahilan ng tuloy-tuloy kong pag-sulat. Pipilitin ko na bigyan ka ng magandang kuwento na babasahin at susubaybayan mo sa hanggang sa dulo.
Ang The Mayor's Game ay kuwentong pinlano ko nang mabuti sa banyo. Ito yung kuwentong paulit-ulit kong pinapalabas sa aking isip bago matulog. Ito yung kuwentong nais kong ipabasa dahil may nais akong ipahiwatig. Malamang ay may kapareho ito ngunit wala akong intensyon na kopyahin o gayahin ito. Bunga ito ng araw-araw kong pakikipaglaban para sa mga walang lakas para lumaban at sa pagpapakalat ng misimpormasyon. Bunga rin ito ng galit ko sa ating pamahalaan at pagkasabik ng pagbabago. Sa tingin ko, habang binabasa mo ito ay nagdadalawang isip ka na kung tutuloy pa ba dahil malamang ang nasa isip mo ay "Ay political?". Hindi mo na kailangang tumuloy kung ayaw mo ng usaping politikal at sosyal.
Nawa'y kung tutuloy ka pa rin ay sana samahan mo ako sa pagbabago. Tulungan mo akong umabot ito sa mga isip na hindi pa namumulat at naliligaw ang landas. Maraming salamat!
BINABASA MO ANG
The Mayor's Game
AdventureAfter being killed by one of his classmates, Enrico Martinez was reincarnated by "Identity X" as one of the youths of Vivére: the city where corruption, oppression, and killings are prevalent. Identity X will bring back his life if he successfully f...