[2nd year sectionA classroom]
First day…
(Rhia) andito lang ako sa upuan sa likod, lagi naman eh. First day palang kaya wala pang masyadong nagtuturo. Nakatunganga lang ako, nagulat nga ako nung may nag-hi sakin.
“ Hello J ’’ inabot niya yung kamay niya sakin.
“ Hi ? ’’
[Breaktime]
Mag-isa pa din akong kumaen sa canteen…
“ HelloJ ’’ siya ulit?? Tiningnan ko lang siya…
“ Pwedeng umupo sa tabi mo ? ’’ tumango nalang ako.
Tuloy tuloy lang ako sa pagkain habang maingay at daldal ng daldal yung katabi ko.
“ hey, pansinin mo nanan ako. ’’ ang kulit niya talaga. Hindi ko pa rin siya pinansin pero ang kulit niya talaga.
[ uwian ]
Inaayos ko na ang mga gamit at nagsimulang maglakad. May tumawag sakin mula sa likod, sino yun? Siya nanaman… hayysst kulit talaga.
“ Hi Rhia, uuwi ka na di ba ? sabay na tayo… ’’ humawak siya sa braso ko at sabay na kaming naglakad pauwi habang nagdadaldal siya. Okay din pala siya, saka magkapitbahay pala kami. Sila pala yung mga bagong lipat malapit sa amin.
Mula noon naging friends na kami tapos ngayon bestfriends na kami ni Jerrard Dela Fuente.
~
[ 4th year ]
“ Rhia , tara na, uwi na tayo. Antayin kita sa labas ha.’’ Si Jerrard yun, best friends na kami ngayon at dahil birthday ko ngayon at pag sinu-swerte nga naman eh Friday ngayon kaya pwede kaming mag-party party.
~
Naglalakad na kami papunta sa bahay ngayon…
“ Rhia, happy birthday. Eto gift ko oh, ’’ naglabas siya ng box na may lamang ring.
“ wow, ang bongga naman ng gift mo. Magkano to? hahaha ’’
“ loko ka talaga. Pinag-ipunan ko yan noh… 16 ka na kasi. ’’ Sweet talaga ng best friend ko.
~ ring ~ ring ~
“ wait ha, ’’
Ngayon na, eto na ang napagpasyahan kong araw para umamin sa kanya na mahal ko siya. Oo, mahal ko siya pero hindi niya alam. 3 taon ko ng tinatago to, dahil sa sobrang kabaitan niya eh nahulog ang loob ko sa kanya. Kaya naman sobrang pinaghandaan ko tong gabing to.
“ may surprise pa ako sayo. Saglit ha, may pupuntahan lang ako. Babalik ako promise ’’ na-excite naman ako dun :D
~
Andito na ako ngayon sa bahay, ako lang talaga nakatira dito J. Naghanda ako ng mga pagkain para sa celebration ng birthday ko. Baka celebration na rin for US?? Ayiiee… haha
After 15 mins.
“ Rhia ! ’’ andiyan na pala siya :))
“ oh, asan na yung surprise mo? ’’ I’m so excited na talaga !
“ eto oh, Chloe, come in . ’’ chloe daw?? Sino kaya yun? >.<
“ Rhia si Chloe, girlfriend ko. ” g-girl-friend??