Nikolas point of view
"Good Morning Tatang!" masayang bati ko sa kanila ng makarating ako ng balcony
"Magandang umaga rin Nikolas. Kape!" bati niyang pabalik
"Mmm. Morning Nerico My Handsome Brother" bati ko rin kay Nerico na bagong ligo ata
"Oh anong kailangan mo?"
"Pwede bang pakitimpla ako nung Mocha Coffee saka pakidala na rin yung naamoy kong pandesal hihi pretty please Nerico Handsome?" nagpuppy eyes pa ako
"Kuya ang pangit mo seryoso" sinamaan ko siya ng tingin kaya napatawa siya at nagtimpla nung kape at dinala sa akin yung pandesal "Ke aga aga ganyan– oh huwag mong sabihin yan ang vibe mo para sa araw na 'to? Well, hindi bagay sayo Kuya! Hahhahaahaha"
Binato ko siya ng pandesal "At ikaw naman keaga aga ang lakas mang-asar!"
Tinawanan niya lang ako at sinamaan ko rin lang siya ng tingin. Hindi na ako umimik at tinuon nalang ang pansin sa pagkakape.
Positive vibes lang dapat! Simulan ang araw ng masaya at positibo dahil kailangan ay hanggang matapos ang araw na 'to ay pulos masaya lamang ang ganap 'no!
Napabungisngis ako ng maisip na magkikita kita na kami ng mga bessywappies ko "Ano kaya mangyayari mamaya? Sana wala ng quarrel, happy happy lang dapat ahihi" sabi ko sa kawalan
"Nikolas iyong dadalhin mo nandirito na. Inaasikaso ko na kaya wala ka ng dapat alalahanin. Kumain na muna tayo bago ka lumisan" sabi ni Tatang kaya tumango ako
Tahimik kaming nagsimula kumain pero dahil sa kaabnuyan ng kapatid kong si Nerico eh ayan! Daldal ng daldal, kakulitan na naman at maka-asar lang.
Isang oras ang lumipas sa ay nasa terminal na ako. Inihatid ako ni Nerico at hindi na naman sumama si Tatang dahil may mga gagawin pa daw siyang mga chores! kaloka sipag ni Tatang.
"Oh mag-ingat ka mamaya sa pag-uwi mo Nerico" naniningkit na mata kong sabi
Nginisihan niya lang ako "Sure Kute Atya. Ikaw rin ingat haha tawagan mo'ko pag may nakita kang chic sa bus ah?" sabay hagod niya ng tingin sa bus
Mabilis ko siyang binatukan "Napaka babaero mo! Shushme! you giving me headache!" hinilot-hilot ko pa ang sintido ko "Sige na sasakay na ako. Mauna na ako"
Tumango lang siya saka ako tumalikod at umakyat na sa bus. Tinatanaw lang ako ng kapatid ko ng makaupo ako malapit sa bintana. Hassle kasi kung nag kotse ako right? It's makakadagdag pagod lang sakin hmp! I will not enjoy the ride! So bus nalang ehe. And I need fresh air and spot the view in every place that this bus go through.
Kinawayan niya ako at kumaway rin ako pabalik sakanya at saka siya sumakay sa kotse at umandar papaalis. Isang oras at kalahati ang byahe kaya napabuntong hininga ako. May isang babaeng tumabi sa akin. Umusog ako at itong babae naman eh hindi ba siya nakakahalata na malapit na akong matunaw sa kakatitig niya sakin? grrr
Umandar na ang sinasakyan kong bus, at mabuti naman ay naiiwas na sa akin ang pangin ng babaeng ito! Pero ilang minuto ang lumipas ay naririnig ko ang paghagikhik ng katabi kong ito.
Tiningnan ko siya sa peripheral view ko kaloka 'tong dingarit palihim na pala akong pinipicturan! Napa-irap ako at hindi maiwasang komprontahin siya.
"Will you please stop staring at me and stop taking pictures of me? It's embarrassing you know? Duh!" mahinang sigaw ko sakanya
Napitlag siya at napaawang ang labi "Hala siya..." nasambit nito habang ang paningin ay nasa akin at parang gulat na gulat
Tinaasan ko siya ng kilay "What? Change that face! it's annoying"