Ikatlong kabanata

8 0 0
                                    

Pero paano niya nalaman na ako yon?
Naka mask ako tsaka naka cap, maliban nalang kung nakita niya yung mata ko at namukhaan.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagiisip.

Pagkagising ko ay kumain muna ako ng breakfast ko pagkatapos ay naligo na agad, pupunta ako sa mall nagcrave kasi ako bigla sa ice cream.

Kinuha ko ang cap at mask ko tyaka sumakay sa sasakyan. Pagkarating ko doon ay sinuot ko na ang cap at mask ko, wala akong pake kahit pinagtitinginan nila ako, wala naman akong ginagawang masama duh.

Bumili na ako ng favorite flavor ko na ice cream which is yung chocolate na may halong vanilla and strawberry, hmmm yummy.

Umakyat ako sa rooftop ng shop, kung itatanong niyo kung paano ko ito nadiscover ay hindi ko din alam, bigla nalang akong pumasok dito dahil nauuhaw na ako non at eto lang yung malapit na bilihan ng tubig dahil yung iba ay doon pa sa may bandang dulo ng mall.

Pag akyat ko ay konti lang ang tao kaya agad na akong umupo doon malapit sa may railing. Ang sariwa ng hangin mas masaya sana kung may kasama ka dito pumunta. Namiss ko bigla si mama hindi ko pa pala siya nabibisita baka magtampo na iyon sakin, kaya naisipan ko na pumunta kay mama mamaya sa sementeryo, maaga pa naman eh.

Paguwi ko nang bahay ay nagbihis ulit ako at nagluto nang pagkain, baka doon na lang ako kumain tapos dadalhan ko nalang si mama ng favorite food niya. Ganon lagi ang ginagawa ko tuwing pupunta ako kay mama, lagi akong nagluluto nang paborito niyang ulam tapos doon na din ako kakain. Ang lungkot kasi kapag magisa ka lang kumakain kaya doon nalang ako kay mama kakain ng tanghalian para may kasabay ako.

Pagkarating ko sa tapat ng bahay na pinagtutuluyan ni mama ay agad kong kinuha ang susi at inunlock yung kandado.

"Hi mama andito na ang napakaganda mong anak, kamusta ka mama sana ayos ka lang. Ako ba ma hindi mo ba ako tatanungin kung ayos lang ako?" Nagantay ako na parang tanga, umaasa na may sasagot sa akin kahit alam ko sa sarili kong wala.

"Miss na kita ma, pwede bang ikaw nalang yung nandito tapos ako yung nandyan" Kung pwede lang sanang mabigay yung buhay ko sayo ma, matagal ko ng ginawa.

"Hays tama na nga sa drama, kumain na muna tayo mama, but first magpray muna tayo. In the name of the father the son the holy spirit amen, lord salamat sa blessing na binigay niyo sa amin sana po ay basbasan mo ang kakainin namin ni mama para sa tanghali na ito, at may hiling po sana ako sainyo sana po bantayan niyo po si mama kung kumakain po ba siya ng maayos diyan, kasi po nung buhay pa siya ay madalang po siyang kumain kaya po lord pagalitan mo po si mama kapag hindi po siya kumakain diyan, in jesus name we pray amen."

"Kain na tayo ma" Binuksan ko ang tupperware na may lamang Afritada at nilagay yon malapit sa lapida ni mama, kumuha na din ako ng kanin at nilagay yon sa takip ng tupperware. Pagkatapos ay kinuha ko naman ang pagkain ko at kumain na.

Niligpit ko muna ang pinagkainan namin ni mama bago naglatag sa tabi ng lapida niya at humiga doon, niyakap ko ang pictute ni mama at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Bigla akong naalimpungatan nang may tumapik sa akin, kinuha ko ang tinidor at tinutok iyon sakanya.

"M-maam Naelle gigisingin lang po sana kita kasi malamok na baka magkadengue ka"

Agad ko naman binaba ang tinidor ko nang mamukhaan ko ang lalaki, Si Mang fedel lang pala, siya yung guard na nagbabantay dito sa sementeryo. Hay grabe gabi na pala, ilang oras din akong natulog dito.

"Ma paano ba yan, sa susunod nalang ulit. kailangan ko na pong umuwi, dahil Lunes nanaman bukas tapos madami nanaman akong schedule. Baka next next week pa po ako makadalaw ulit, wag ka magtatampo Ma ha, mahal naman kita mwaps labyu" Sabi ko sabay halik sa lapida niya, nilock ko na ang gate sa pinagtutuluyan ni mama at umuwi na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unlucky LifeWhere stories live. Discover now