MAKE ME CRY! DON'T DARE TO FALL 3

27.8K 805 86
                                    

MAKE ME CRY! DON’T DARE TO FALL 3

 

 

SKYLER’S POV

 

 

Seryoso ba ang mga students dito? Ito ang tinitilian nila? Itong dalawang lalaki na kung makakaway sa mga babaeng kire dito akala mo mga kumakandidato. Ang ngiti halatang fake! Ay naku ang sakit sa mata. Balak ko pa manding umidlip muna, kaso sa lakas ng sigawan nila nakakalog ang utak ko.

“Sige na, wala na tayong choice. Tsaka mukha naman syang hindi interesado.” Napatingin ako sa dalawang lalaki na ngayon ay malapit na sa’kin.

Ah, pinaguusapan pala nila ang vacant seats sa tabihan ko. Ayoko pa mandin ng attention. Kung dito sila uupo magiinit lang naman ang ulo ng mga talanding ‘to. Pero wala naman silang choice. Sakto lang sa students ang seats. Ang saklap naman. Baka mapansin nila ang ninja moves ko kapag recitation na. Nakakaloka! Minsan nakakapagsisi na dito pa napaupo.

“Watch me.” Ang ingay pa magusap nitong dalawang lalaking ‘to. Akala ko mga babae lang ang madadaldal, pati rin pala ang mga lalaking mukhang babae. “Hey there.” Narinig ko ulit sabi ng katabi kong lalaki. Weird lang talaga kasi bihira ang may tumatabi sa’kin. Alam nyo na, masyado daw kasi akong maganda. I mean ako ang pinakamagandang witch na nakita nila sa buong buhay nila. Minsan talaga gusto ko ng maging totoong witch eh para naman nagagawa ko silang frogs. “Ehem! Hi!” At may pagsiko si kuya sa’kin. Ako pala ang kinakausap. Tumingin ako sa kanya at ngumiti sya. “I’m Greg.”

“Uhemmm!! Ang amoy ha.” Pinapaypayan ko ang hangin sa harapan ko. “Alam mo kung ipinagyayabang mo lang sa’kin kung anong kinain mo kaninang umaga, sorry to inform you. Hindi ako naiinggit. Amoy itlog ha.”

“What do you mean?” tanong nya ulit. Ayaw pa maggive up ni kuya. Mahina ang radar.

Nagtakip ako ng ilong. “Oh my gosh! Did you just fart? Wait, umutot ka ba o nagsalita? Di ko kasi madistinguish ang pinagkaiba ng utot mo sa baho ng bunganga mo.” Magsasalita pa sana sya ulit pero pinigilan ko na sya. “Shhhhhhhhh! Be a sensitive citizen of this country.” Parang hindi sya makapaniwala sa ginawa ko. “I’m not a fan.”

Naglean sya sa desk ko at mas lumapit pa sa’kin. “I know you love the smell of my breath.”

Napatayo ako bigla. “You’re invading my personal space! Back off!!” Itinulak ko sya palayo sa’kin. “Lakas din ng tama mo no? Love the smell of your breath? Naaamoy mo ba yang sarili mo?” I shook my head.

“Take your seats!” At dumating na ang prof. Kinuha ko ang gamit ko at naghanap ako ng vacant seat. Nagbabakasakaling may absent. Pero syempre dahil maganda ako eh walang kumakausap sa’kin. “Hey you, lady in black. Could you please take your seat? Don’t wander around!”

Make Me Cry! Don't Dare To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon