Bongacious!
Iyan lang ang masasabi sa wedding of the year ng bestfriend ko.
Ako nga pala ito, si Alara del Valle, BFF ni Rain, Lara for short. Of course, dahil bestfriend nga, ako yung matron of honor ng bride sa kasal nila ngayon ng groom na kung sino pa eh di si Drix.
Anim na taon na rin ang lumipas. Marami na ang nangyari sa mga buhay-buhay namin, at heto na nga ang pinakahihintay ng dalawang mahal kong kaibigan, ang kanilang pag-iisang dibdib. Super excited ang lahat ng kapamilya, kapuso, at kapatid.
Invited yata lahat ng nasa alta sosyedad kasi andaming media ang nandito ngayon. Halos mabulag na nga ako sa ningning ng mga stars of showbiz na dumalo sa kasalang Rain at Drix. Kung hindi lang nakakahiya, baka kanina pa ay pinaghihingi ko na ang mga autograph ng mga bisitang ito.
Kaya heto ako ngayon, ngangatog ang mga tuhod na nakatayo sa pwesto ko as matron of honor, at dasal nang dasal na hindi magkakamali. Ayokong mapahiya ang kaibigan ko dahil sa akin. This wedding should be perfect!
Habang nagbabatuhan ng kanikanilang mga wedding vows ang magsing-irog, ay hindi ko na rin mapigilan ang mga luhang dumadaloy ngayon sa pisngi ko. Nakikipagkompetensya pa yata ako sa nanay ni Rain at sa mommy ni Drix sa dami ng luha at sipon. Eh sa mahal ko yang kaibigan kung iyan. I am so happy for the two of them. Ang hirap din kaya yung nangyari kay Rain, yung mga trahedyang nasangkot sya dahil sa isang kakayahan na nabigay sa kanya. (Read RAIN for further understanding)
May mga times na lumalabas pa rin yung mga pangitain at panaginip kahit madalang pa. Mabuti na nga lang at nasa tabi niya palagi si Drix, and of course, ako rin ay palaging andyan for my bestie.
Napatingin ako ngayon sa pamilya niya na parang pamilya ko na rin. Mabait talaga ang Diyos dahil sa ngayon ay hindi na naghihirap ang pamilya ni Rain kasi andyan na si Drix na tumutulong sa kanila. Kahit ba ayaw ni Rain na humingi ng tulong pero parang package deal na yung pagtulong ni Drix sa nanay at mga kapatid nito.
At last, nakakapagpahinga na rin si Nanay Melia sa kakatahi, tapos ang dalawang kambal ay naayos na rin ang pag-aaral at higit sa lahat, si Red... ay kuya Red pala..., nakapagtapos na rin sya ng civil engineering at pumapasok na sya sa isang kompanya sa real estate na pagmamay-ari ng pamilya ni Drix. Si Rain naman, kahit na ayaw ni Drix na magtrabaho ito, ay pumasok pa rin bilang preschool teacher. Ayaw niya kasing aasa na lang lagi kay Drix.
Then si yours truly naman ay tinulungan din nina Drix na makakuha ng scholarship sa kolehiyo kaya nasa isang tv station na ako nagtratrabaho ngayon bilang writer... yes, writer nga ako, bakit ayaw nyong maniwala? Mahilig naman kasi ako sa mga telenovela kaya love ko itong trabaho ko.
Habang isinusuot ni Drix yung singsing kay Rain, hindi ko maiwasang mainggit, kasi hanggang ngayon wala pa rin akong jowa o kahit MU man lang. As in NBSB pa rin ako. Yung sa highschool, wala naman yun, friends lang talaga kami nun ni Mico. Kahit ba akala ng iba bf ko sya, dahil yun ang sinabi namin, sa totoo, po-gay si Mico at ako lang ang may alam. Crush ko kasi kaya pumayag akong pretend gf niya and in return nililibre ako ng snacks, projects at iba pa. Takot kasi yun sa tatay niya na nakahalata nang sirena sya kaya he made me an offer that I cannot refuse. Ewan ko na nga kung kumusta na yun, kasi umalis din papuntang Australia yata or New Zealand.
Miminsan may mga nagpapahaging na manligaw kuno, pero hanggang dun lang ang kaya nila at umaatras na. Baka aabot na ako ng trenta ay wala pa ring dadating, Diyos ko ano ba yan! Yung mga younger sisters ko nga kay aga-aga nagkakaboyfriend, at papalit-palit pa, habang ako kahit kalahating BF wala talaga.Maganda naman ako, sabi ng nanay ko at mga kaibigan ko. Marunong naman akong mag-ayos ng sarili, naliligo naman ako araw-araw, nagtotoothbrush palagi, pero wala talaga. Eh kung magiging tomboy nalang kaya ako, baka may papatol pa sa akin na babae?
JOKE!!!
Hayy naku Lord! Kailan mo kaya sasagutin yung mga dasal ko? Kahit hindi kasing-gwapo ni Piolo Pascual o Dingdong Dantes, basta mabait lang, ok na sa akin Lord. Kahit hindi kasing-yaman ng hari ng Brunei basta't may marangal na work, ok na talaga sa akin Lord.
Beach wedding sa gabi ang napag-usapan nina Rain at Drix kaya heto kami ngayon, alas otso na ng gabi, patuloy pa ang program sa reception. Ang dami talagang ek-ek pag mayaman ang kinasal, courtesy of Drix's mother para sa mahal nilang anak. Private beach resort ito nina Drix na nasa isang isla sa palawan. Isang lingo ang celebration at gastos lahat ito ng parents ni Drix. Pang-limang araw ang wedding itself, kaya may dalawang araw pa kami rito to explore Palawan, all expenses paid. O diba, bongga talaga!
Bukas na ang flight nina Rain papuntang France for their honeymoon, tapos tour around Europe naman sila after 3 days sa France. Gusto ko sanang sumama kaso nakakahiyang maging third wheel sa honeymooners. Hindi, loko lang... kayo naman, maniwala agad. Pero seryoso, gusto ko ring makapunta sa mga lugar na ganun noh. Maybe, in the near future.... tanungin ko kaya si Rain kung makakapunta ba ako ng Europe one of these years.
Alas onse na ng gabi, ang saya pa rin sa reception area. Nakaalis na ang newly weds, kasi maaga pa ang byahe nila bukas. Ang mga bata at mga olds ay nagsipahinga na rin, kaya ang mga party goers na lamang ang natitira dito ngayon, tulad ko. Biglang naging isang rave party ang wedding party na ito.
I am sitting alone sa bar, umiinom ng tequila. Hindi naman ako talaga marunong uminom, nagpapasosyal-looking lang ako kaya kahit dalawang shots palang ay halos mabuwal na ako sa inuupan ko dahil sa hilo. Ganito pala ang tama ng hard drink sa akin, kasi beer lang yung kaya ko, na kung may okasyon lang at iisang boteng maliit pa. Kung magkayayaan ng mga katrabaho kong magdisco o bar, nonalcoholic talaga yung orderin ko, mahirap malasing at uuwing mag-isa.
I never liked the taste of beer, eh lalo na itong tequila. Kaso, miminsan lang din naman itong sosyal na mga okasyon gaya nito, at sayang din yung chance to experience this, yung malasing. Sira ka talaga, Lara! Pero hindi naman kasi ako dapat mag-aalala dahil ilang steps lang from here ay nasa room na ako, kaya safe pa rin kung tutuusin.
"Hi there gorgeous." narinig kong sabi ng lalaking tumabi sa akin. Foreigner yata kasi parang blonde ang buhok. I just can't see his full face dahil madilim dito at naniningkit na yata sa kalasingan ang mga mata ko.
"Hello." polite lang ako, mahirap na magsusuplada dito, pero hindi ko kasi type ang foreigner. Makabayan kaya ako, so mas gusto ko pa rin ang pinoy na pinoy.
"I'm Terence. What's your name?" tanong niya sa akin.
"Lara." matipid kong sagot at balik ulit ako sa pag-inom, pangatlong shot ng tequila or is this my fourth now? Hindi ko na matandaan.
"Nice name. Wanna dance?" he's holding out his hand to me. Pero ayoko yata, kasi hilong-hilo na ako sa tatlo o apat na shots ko ng tequila, kailangan ko nang bumalik ng kwarto ko na nasa second floor ng building malapit dito.
"I'm sorry but I need to go to my room now. Excuse me." At tumayo na ako. Dahil siguro sa sobrang bilis ng pagtayo ko, bigla yatang lumindol ng malakas at umikot ng mabilis ang mundo. Ganito pala ang pakiramdam ng lasing, yung halos mawalan ka na ng ulirat sa kalasingan.
Dang! Bakit kasi ininom ko pa yung pangatlo o pang-apat. Naramdaman kong may humawak sa bewang ko at inalalayan paalis sa reception area. Kung si Terence man ito, kahit gusto ko pang kumawala sa pagkahawak nya sa akin ay wala naman akong lakas na kumawala sa kanya at maglakad mag-isa.
God! HEEEELLLLLPPPPP! Pero walang boses na lumalabas sa akin. Hilong-hilo talaga ako. Tapos biglang nalang nagdilim ang paningin ko.
BINABASA MO ANG
LARA(Book Two of RAIN)
ParanormalLara's turn to be under the limelight. NOTE to Readers: BASAHIN muna ang RAIN bago ang book two na ito. ENJOY! VOTES and COMMENTS please... tnx!