Chapter 2

18 1 0
                                    

Ang init-init. Ramdam na ramdam ko ang pawis sa buong katawan ko.

Sino kayang sira ulo ang nag-off ng aircon?

I slowly opened my eyes. Ang hirap mabuka ng mga mata ko, ang bigat-bigat nila. 

Aray ko! Bakit ang sakit-sakit ng ulo ko, parang binibiyak?

Sumandal muna ako sa headboard nitong kama at hinihintay na mabawasan ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid at saka ko lang napansin na hindi ko pala kwarto ito. Nasaan ba ako? Wala akong masyadong matandaan except nalasing ako kagabi. May lumapit sa akin but I can’t remember his or her face. 

Bigla ring nag-sink-in ang nangyari sa akin, I immediately checked myself, kinakabahan ako.

Inalis ko ang comforter na nakabalot sa katawan ko. 

Oh thank God! 

I let out a deep sigh. I got careless last night. Kasalanan ko but salamat sa Diyos at wala namang nagalaw sa akin… yata…

Tumakbo na ako papuntang banyo para makasiguro.

After 20 to 25 minutes, nasiguro ko nang ok lang ako at nakaligo na rin kasi ang baho-baho ko na. I have to go back to my room to change at makakain na rin kasi alas dyes na pala ng umaga.

Pagkalabas ko ng banyo ay sya namang pagbukas ng pinto ng kwartong ito.

“Salamat naman at nagising ka na rin.” ani ng bagong dating at pumasok diretso ng banyo. 

Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat. I just stood there by the door of the bathroom na nakanganga. Hindi ko alam kong bakit basta bigla nalang akong nanlamig. This is the first time na ganito ang reaction ko sa kanya. I know I had a long time crush sa taong ito but never akong natigagal pag kaharap sya.

“Akin na nga yang tuwalya. Bakit kasi dito ka pa naligo, sana dun ka na lang sa kwarto mo. Bumaba ka na raw kasi paalis na sina Rain, baka di mo na maabutan.” hinila nya ang tuwalya na nakapusod sa ulo ko at isinara na nya ang pinto ng banyo.

Saka pa ako parang nahimasmasan nang marinig ko ang lagaslas ng tubig sa loob. I have to get away from here.

After kong magpalit ng damit ay tumakbo na ako papuntang lobby ng hotel. Alas onse pala ang alis nina Rain baka nga hindi ko na sila maabutan. Kahit pa medyo tuliro ako dahil sa nangyari kanina, kailangan kong magconcentrate muna sa task-at-hand ko. Mamaya ko na i-analyze ang reaction ko sa kanya.

“Thank God you’re still here…” ang sabi ko sa nakatalikod na si Rain. Ready na ang mga bagahe nilang mag-asawa. Nasa may counter si Drix, kausap yung manager ng hotel nila. 

Humarap si Rain sa akin with all smiles and open arms for a hug from me. Alam ko super excited na itong kaibigan ko to face a new chapter of her life kapiling ang asawang si Drix.

Sobrang lapit ko na sa kanya to give her that hug nang biglang namutla si Rain. 

“Rain? What’s wrong? Bakit namumutla ka? OK ka lang?” worried kong tanong sa kanya habang inabot ko ang kanyang mga kamay na singlamig na ng yelo. Dahil lang siguro sa sobrang pagod nitong nagdaang mga araw. Seven days ba naman ang wedding celebration, so sinong hindi mapapagod sa tensyon.

Tumingin ako sa mga mata nya. 

I know this look, dahil maraming beses ko na itong nasaksihan. Pero bakit ngayon pa? After 2 years, ngayon pa ulit nagkaka-episode si Rain. 

Episodes ang naging tawag ni Drix sa mga nakikita at napapanaginipan ni Rain na nagkakatotoo. Matagal na rin bago bumalik ito, na akala namin ay tatantanan na nito si Rain para naman ma-enjoy nya ang buhay may-asawa ngayon. Kasi kapag may mga episodes, minsan they come quite often in succession, yung maraming beses sa isang araw until mare-resolve yung episode. Nakakapagod masyado para kay Rain, so worried din kami kasi what if pag mabuntis sya at may episode, it will be too hard for her, at baka delikado sa magiging baby nila.

Ayaw kong mataranta muna, hoping this will just be an ordinary one, yung easy to resolve na klase. Mahinahon kong tinatawag si Drix habang pinapaupo si Rain sa pinakamalapit na couch. She still got this glassy look on her eyes. 

Nagprogress din kasi yung mga palatandaan ni Rain sa katawan pag may episode sya. Dati parang wala lang at ilang seconds lang ang itatagal. Pero ngayon, they are longer, minsan aabot ng limang minuto, tapos yun nga glassy na yung mga mata nya, at totally minsan hindi na nya kami naririnig. Kaya nga kami ang kinakabahan sa kanya lalo na kapag nasa labas sya ng bahay, takaw disgrasya pag ganun.

“Honey? Rain? Can you hear us?” hawak-hawak na ni Drix ang mga kamay ni Rain. She’s sweating a lot at humihingal pa. Ano kaya ang nakikita nya?

Umupo sa tabi nya si Drix at himas-himas ang likod nito. 

“Could you please get Rain some water? We know she’s gonna be so thirsty after this.” request ni Drix sa akin which I gladly did. 

Pagkabalik ko dala ang isang bottled water, hindi pa rin nakawala si Rain sa episode nya. What’s taking it so long? Basang-basa na sya ng pawis. Nagpakuha na ako ng tuwalya sa isang staff. Mabuti nalang at kami-kami lang ang nandito ngayon sa lobby. May mga tumitingin pero hindi naman garapalan kung makiosyoso. Binilin din kasi ni Drix sa mga security and staff to cordon this area para may privacy kami.

Dumating na din sina Nanay Melia at Kuya Red. Pinatawag kasi sila ni Drix.

Nakapalibot kaming apat sa kanya ngayon, alalang-alala. Naiiyak na naman si Nanay Melia. I know the feeling, kasi ganun din ako ngayon, naiiyak na nanginginig at dasal nang dasal na sana she will snap out of it.

Sa kabila nang tensyon sa paligid namin, naramdaman ko rin na may tumitingin sa akin. Yun bang feeling mo tumatayo yung buhok mo sa batok kapag may taong tumitingin sa yo? 

I looked around to see kung meron nga pero parang wala naman kasi naka-cordon nga itong area na to. I kept looking around hanggang sa nagtama ang mga paningin namin ni Kuya Red. 

“Sinong hinahanap mo?” he mouthed at me, kasi nasa kabilang dulo sya ng couch. I felt myself blushing nang wala sa oras. Napansin pala nya ang pinaggagawa ko. Umiling lang ako at balik na ang tingin kay Rain. 

At the corner of my eyes, I saw him shrug. Napabuntong-hininga na rin ako. Now is not the right time to be thinking of other things. Kailangan ako ni Rain ngayon.

At last, nakikitaan na rin ng pagbabago ng kulay sa mukha ni Rain. Hindi na sya masyadong maputla at hindi na rin humihingal, although glassy pa rin yung mga mata nya.

What shocked us most, lalo na ako, ay yung biglaan nyang paghablot ng mga kamay ko sabay sabing:

“Mag-iingat ka sa lobo na kulay asul.” malamig ang boses na nagbabanta at pagkatapos ay hinimatay na ang kaibigan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LARA(Book Two of RAIN)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon