Dati ini-imagine lang kita
Hindi pa tayo magkakilala,
Pinapangarap na sana'y totoo ka
At sana'y maging akin ka.
Walang ibang inisip kundi ikaw,
Walang ibang laman ng puso kundi ikaw,
Maghihintay ako araw-araw
Sa pagdaing mo aking sinta balang araw
Hindi man tayo magkakilala ni nagkikita
Hindi alam ang iyong itsura at pananalita,
Ngunit nangangarap pa rin ng sobra
Na sana dumating ang araw na ika'y makilala
Ngunit isang pagkakataon ang dumating,
Pinapangarap na lalaki biglang sa aki'y napatingin
Nain-love ako ng parang sakit na di gumagaling
Dahil ang dating panaginip ngayo'y totoo at nasa aking piling
Tadhana mo sa aking buhay
Na ako'y mahalin habang buhay,
Sundin ang puso na sayo'y naghihintay
Upang aking malaman kung ika'y sa akin patay na patay
Ngunit ang lahat ng ito'y bigalang naglaho
Ang mga panahong kapiling siya na akala'y totoo
At nang ako'y magising sa aking kwarto,
Nalamang PANAGINIP lamang ang lahat ng mga ito.
Napakasakit matanggap ang katotohanan
Na ang aking puso ay tila nasasaktan,
Tuwing iniisip ang lahat ng iyan
Sinasabi sa sarili "Tama na yan"
Sa bawat pagpatak ng luha
At sa bawat malungkot na mukha
Hatid ng mga kaibigan ang simpleng tuwa
Na hanggang sa PANAGINIP ay iyong makikita
Ito ang alay ko,
Sa lahat ng bumabasa dito
Ang pag-ibig ay asahang darating
ngunit ang mga kaibigan ay nasa puso't isip na huwag aalisin.
- AUTHORS INSPIRATION