"Pagod na ko, tangina," sabi ni Kiko sabay umupo sa sahig. Di na niya alintana kahit madumi pa ito.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa pader. Nandito kami ngayon sa likod ng restaurant at sinusulit ang break. Holiday season na at walang ibang ginawa ang mga tao kundi ang kumain sa labas.
Kinapa ko ang bulsa ko at naglabas ng pakete ng sigarilyo. Walang salita na inalok ko si Kiko at tahimik niya rin iyong tinanggap. Inabot ko sa kanya ang lighter pagkatapos kong magsindi.
Habang sinisindihan niya yung yosi, bigla siyang naubo.
"Pucha, ayoko talaga ng red" lukot ang mukha ni kiko at hinahaplos ang kanyang lalamunan.
Napatawa ako at tinapik siya sa braso. "Ang laki laki mo, pero di mo kaya ang Marlboro red?"
"Ang gaspang sa lalamunan eh. Buti pa yung lights banayad ang hagod"
"Loko, may pa-banayad ka pang nalalaman diyan." Sabay kami tumawa ng tahimik at humithit.
Ilang sandali rin ang lumipas na walang nagsasalita sa amin. Ayos lang din yun dahil rinig din naman hanggang labas yung ingay sa resto kaya di awkward na tahimik.
Pinitik ko ang abo na naipon sa dulo ng yosi at muling humithit. May nabasa ako noon, ang sabi sa kada yosi mo, nababawasan ang buhay mo ng isang taon. Kaya simula n'on, nagbawas ako ng paninigarilyo. Isa pa, may hika mama ko. Baka gawing ashtray ang mukha ko sakaling mahuli niya akong naninigarilyo.
Sadyang sobrang hectic lang sa resto kaya kailangan ko ng stress reliever.
Nang umabot na sa dulo ang baga, kiniskis ko yun sa pader na sinasandalan ko at itinapon. Nakita ko rin na tapos na si Kiko. Tumayo siya at nag stretch ng katawan.
"Papayag kaya si boss na magdala ako ng sobrang cake? Kanina pa ko natatakam dun eh" ani ni Kiko ng muling tumuwid ng tayo.
"Kung si Boss Elmer, malabo. Pero kay Martha ka magsabi, sigurado bibigyan ka nun. Ikaw pa, patay na patay sa'yo yun." Mapang asar na banat ko.
"Kilabutan ka nga Quen, ang tanda tanda na nun para sa'kin eh. At tsaka para kay Angel lang ako." Maarteng bigkas nito at umambang sasapakin ako. Malakas kasi ang tama ng loko na to sa isa pa naming kasamahan.
"Sus, ni tingnan ka nga di ginagawa ni Angel eh." Dahil dun tinuloy nga ni Kiko ang amba niyang suntok. Napigik ako dahil sumakto yung kamao niya sa laman ko.
"Masakit gago, pero mas maskit pa din sayo kasi wala kang pag-asa sa kanya."
"Aba-"
Di niya natuloy ang sasabihin niya dahil biglang bumukas ang pinto at lumabas si Selene, waitress din at kaibigan namin ni Kiko. Siya ang nag-iisang prinsesa sa grupo naming barako.
"Pasok na mga ugok, hanap na kayo ni Boss Elmer. Kami naman ang break." Lumapit siya samin at nagtakip ng ilong.
"Lagot kayo ang baho niyo. Oras pa ng trabaho eh." Masungit na ismid niya sa'min ni Kiko.
Nagtinginan kami at ngumiwi. Tiyak mamaya tatalakan kami ulit dahil sa paninigarilyo namin. Astang nanay kasi siya saming dalawa ni Kiko.
Nakakatuwa lang dahil kung tutuusin, siya ang pinakabata sa aming tatlo. Pareho kami ni Kiko na 23, tapos siya ay 20 pa lang. Nagpumilit nga lang siya sa akin na ipasok siya dito para mag part time, dahil nahihirapan na ang magulang niya tustusan ang kurso niyang Architecture.
"Sungit mo na naman. May extra kaming damit 'wag ka mag-alala." Si Kiko. Pagkatapos n'on ay pumasok na kami sa resto.
Samut-saring amoy ang bumabalot sa paligid. Amoy ng ginigisang bawang at sibuyas, at madaming spices pa na nilalagay sa pagkain. Kaliwa't kanan din ang sigawan ng mga cook sa mga server. Kung hindi ka sanay sa mainit, masikip, at maamoy na lugar, di ka tatagal sa kusina ng isang restaurant. Dagdag mo pa ang atittude ng mga chefs.
YOU ARE READING
Probability
RomanceQuentin Lorenzo bear so much responsibilities. Panganay siya at sa kanya lang umaasa ang pamilya niya para makaraos sa araw araw. Wala siyang panahon na magliwaliw at humanap ng pag-ibig. But destiny has other plans for her. May isang babae na dumat...