Chapter 1

623 30 7
                                    

AN: This is a very short chapter, and I'm sorry if medjo late din. I just don't feel mentally great these days, but I will really try to update from time to time :)

Enjoy this first and short chapter, let me know if I should continue this short story.

______________


Pumasok ako sa bahay ni kuya para mas makilala ko ang sarili ko.

For a few months, maybe years, tuwing tinitingan ko ang sarili ko sa salamin hindi ko na kilala ang sarili ko.

Sino ba si Alyssa Valdez sa likod ng lahat ng mga tagumpay niya?

Yan ang madalas ko tanong sa sarili ko these days.

I miss those days in college when I was so full of passion and everytime I jump and smash the ball with my palms, I could feel my heart beating and pumping adrenaline throughout my body. After college, I was slowly losing that feeling.

Hindi ko rin naman alam kung kelan or bakit, basta unti-unti na lang naglaho. At natakot ako na baka isang araw, pag gising ko wala na talaga akong maramadaman sa tuwing aapak ako sa loob ng volleyball court. O baka isang araw, hindi ko na kilala ang sarili ko at kung ano ba ang lugar ko dito sa mundo.

Kaya ako nandito ngayon, nakaupo sa garden ng bahay ni kuya. Nakatulala sa pool, madalas ko na itong gawin mga nitong nakaraang gabi. Madalas kong kasama si Samantha.

Napangiti ako ng maalala si Sam.

Sa lahat ng mga inasahan ko sa pagpasok dito sa loob ng bahay, si Sam ang hindi ko inasahang mangyayari sa buhay ko.

Hindi ko inasahang mapapalapit ako sa isang katulad niya, siguro dahil galing kami sa magkaibang mundo. Isa siyang beauty queen at ako naman ay isang atleta.

Tumingala ako sa langit, nandito na naman ulit ako.

Nong huli akong nalagay sa ganitong posisyon, nasaktan lang ako.

I never wanted to experience that again. Muntik ng masira ang pagkakaibigan namin ni Den, dahil lang sa unspoken feelings namin para sa isa't isa. Pero pinilit namin, nilabanan namin.

We never talked about the lingering feelings whenever we hug or whenever our touched hands, alam naman namin pareho ni Den yon sa tuwing nagkakatagpo ang mga mata namin.

Alam namin pareho, pero hindi namin pinagusapan. We tried so hard to not acknowledge it, because we know what will happen if we do. If we cross the line beyond friendship, people will get hurt.

Pero kahit naman hindi namin tinawid yung linya, nasaktan pa rin ako. Kasi ako, aaminin ko, I wanted to cross the line. But I respected the silent agreement between me and Den.

But here I am, again. Staring as Sam walked towards me with that bright smile on her face, na hindi mo rin talaga mapigilang mapangiti.

"O Ly, bakit ka nag-iisa dito?" Tanong nito sa akin bago umupo sa tabi ko.

Tinitigan ko siya sa mata, it's been happening a lot lately. Us, staring right into each other's eyes. It's happening to me again.

Hindi ko alam kung nararamdaman din ba ni Sam yung mga nararamdaman ko.

These past few days, itong mga tanong lang ang laman lagi ng isip ko.

Bumibilis din ba ang tibok ng puso niya sa tuwing niyayakap niya ako? Nanghihina din ba ang tuhod niya sa tuwing nagkakatagpo ang mga mata namin?

Nakakatakot na nandito na naman ulit ako. At sa pagkakataong ito, pipilitin kong itago ang mga nararamdaman ko kasi hindi lang ako at si Sam ang masasaktan.

I have Kiefer, I love Kiefer. I really do love him, pero minsan napapaisip ako kung nalagpasan ko ba talaga ang linya ng pagkakaibigan namin ni Kiefer. O baka minahal ko lang siya kasi nandiyan siya, kasi convenient.

Minsan kasi, parang walang nagbago. Parang hindi naman nagbago yung turingan or yung nararamdaman ko para ka Kief nong magkaibigan pa lang kami at nong naging kami na.

Pero pinilit kong hindi isipin ang mga bagay na ito. Masaya kami, masaya ako; masaya nga ba ako?

Ngayong nakatingin ako sa mga mata ni Sam, nakangiti siya sa akin. At sa mga ngiti niya, nakita ko yung nakita ko dati kay Den.

Napalunok ako, biglang nanlamig yung katawan ko, alam ko yang mga titig at ngiting yan.

Hindi naman ako assuming o ano, pero hindi rin ako manhid na tao.

I cleared my throat and pulled my eyes away from her and looked at the pool instead, I could hear my heart in my ears.

"Ly, okay ka lang?" Sam asked worriedly.

"Yes, okay lang ako." Ngumiti ako. "Nakakalungkot lang na unti-unti tayong umaalis dito sa bahay."

Sa totoo niyan, nalulungkot ako na umaalis yung mga housemates ng pa onti-onti pero mas nalulungkot ako sa idea na isa sa amin ni Sam ang lalabas sa mga susunod na linggo at hindi ko alam kong anong mangyayari sa labas.

Magkikita pa ba kami? Magiging magkaibigan pa rin kaya kami? Kahit yon na lang, kasi alam ko namang walang pwedeng mangyari.

Maybe I'm just imagining what I saw earlier, walang nararamdaman si Sam para sa akin. For fuck's sake, she has a boyfriend. At ako, hindi ko dapata nararamdaman to because I have Kiefer.

At walang pwedeng mangyari, masasaktan lang ulit ako. Kaya hindi pwede.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lowkey (Samly)Where stories live. Discover now