Chapter 1: Mr. Nakablue-Shirt

0 0 0
                                    

"Chuya uy!" Banggit ng paghanga mula sa labing walong taon kong pinsang lalaki sa nagpasaring saring na motor boat dito sa kasalukyan naming natatanaw sa Pangpang.

"Tsk, tingnan mo maya-maya niyan. Paniguradong babaliktad at lulubog talaga yan." Pambara ko sa kanyang pagkamangha sa  kulay puti't itim na motor boat, nag iisang itong nagpabalik-balik at umiikot ikot sa dagat na para bang nagpapasikat, Hula ko ay taga ibang barangay 'to na nagtatrabaho sa Cliff Resort kasunod ng pangpang na kasalukyan naming tinatayuan ngayon.

"Grabe ka naman Te Grace, mag ingat ka baka bumaliktad sayo yang bunganga mo!" Napaismid nalang ako kay Deo. Hindi ko naman itatangi na may sariling buhay yata ang bibig ko at di nagpipigil sa kong ano ang nakikita ng mata. Hays, e ano naman? Hindi rin naman yon maririnig ng lalaki ah. Duh.

"Grasya! Dali namo!" Rinig naming sigaw ng tiyuhin ko na ama ni Deo, si tiyo Peryo.

Pinapabalik na kami ni Deo sa kalsada, sumaglit lang kasi kami kanina dahil pupuntahan lang ni tiyo yung mga alaga nyang kambing na pinasilong sa abandonadong bahay sa kasunod na pangpang. Madamo roon kaya't tinamad kaming sumama, kung sakaling sumama kami props lang din kami don.

Makikipag titigan lang rin ako sa mga kambing ron, nakakatamad kayang maghila-hila. Ano namang magagawa ko kong ayaw nila sa beauty ko? duh!

Hindi saamin ang loteng sinilungan ni tiyo sa kanyang mga alaga at hindi rin namin inaangkin ah! Pero dahil tubo kaming Panglao, isla sa ibabang bahagi ng Bohol,ay nakasanayan na naming magpastol doon. Char, trivia to ah!

Ayon sa katiwala na si Mang Esir, basta raw ay huwag kumuha ng kahit anong bagay na makikita sa loob ay bukas sa mga tao ang pribadong pangpang o "shoreline" para magsilbing daanan pababa ng dagat. Eh para namang may gold doon, puro tae ng kambing at baka lang rin naman ang nandoon!

Maraming lokal ang hindi rin nais dumaan sa shoreline dahil nabibilang sa matatas na antas ng pamumuhay noong nagdaang panahon ang may ari nito. Dating mga kilalang pulitiko ng lungsod at esklusibo, kaya't hindi rin masyadong malapit ang loob sa taong bayan. Pero walang ibang madaling daanan para magbaba ng saksakyang pandagat sa tuwing pumalaot ang mga mangigisda kaya't tuluyan na itong naging daanan at pasyalan ng mga kabataan.

Nung minsan nga ay may naabutan akong magjowa naglaplapan! Mapapangiwi ka na lang talaga, nabalitaan ko na lang ilang buwan after non, kinasal daw yung dalawa.
Putragis! Naghoneymoon ata sila bago mag isang dibdib haha!

"Grasya buang! Anyare sayo dyan? Ang bagal mo!" Reklamo ni Deo. Napalalim yata ang kwento ko di ko namalayang pasakay na si Deo sa tricycle ni tiyo Peryo.

Humabol ako kay Deo at sumakay na rin sa loob habang syay sa likod ni Tiyo umangkas.
Tss, mangsisipol lang yan pag may chix na madaanan e.

Pauwi na kami, kong ikukumpara sa karaniwang araw ay mas maaga ang uwi namin ngayon. Maganda kasi ang sikat ng araw, maganda siguro ang gising nang Sun. Medyo masakit lang sa balat, ayon lang! Kaya minabuti na rin ni tiyo na isilong ang mga alaga niya, baka daw madehydrate o mastoke amp!

"Anak ng-!" Tudyo ni tiyo Peryo. "Bakit tiyo?" Tanong ko sa kanya ng mapansing nakangiwi ito dahil di niya napansin ang parating na multicab, sasakyan ng mga scuba divers.

Malas lang talaga't lumagpas kami sa may malapad na gilid kaya't hirap ang dalawang sasakyan ngayon na lagpasan ang isa't isa.

Natsyimpuhang malalim na parte ng daan ang gilid namin ngayon.
Ang swerte naman namin isang simplang lang, langit na!

Bumaba si Deo at umikot sa likod para tantsyahin ang distansya, at bahagyang umiiling iling pa ito.

Biglang may sumulpot din sa harap ng multi cab. Bumaba ang isang lalaking naka blue, pinasadahan ko ito ng tingin.

One Breath Deeper (Free Dive Series)Where stories live. Discover now